7: He's back

914 26 2
                                    

Maxhiene's POV

" Class dismissed." Sa wakas. Hay. Nakakastress talaga ang school nato. Sinong Hindi mastress kapag araw araw kang makakita ng mga panget.

Tumayo na kami. Ang ingay ha. Kung sabagay. Lahat naman excited umuwi.

Palabas na kami ng, nagring ang phone ko.

" Hello?"

[ Hi Noona.]

Teka si... Si Maxson to Ah... Kapatid ko.

" Max? Napatawag ka?"

[ Wala naman. Uuwi ka na?]

" Wow ha. Alam mo talaga kung kelan kami uuwi. Love mo talaga ako noh?"

[ Tama ka sa love kita. Pero Hindi ko inalam kung kelan uwian niyo.]

" Eh bakit mo alam?"

[ Malamang. 4:15 na dito sa Pilipinas. Diba yun ang oras ng uwian niyo?]

Wait.....

" Dito??!! What do you mean?!!!"

[ Akala ko ba matalino ka na Noona? Bakit parang slow ka? Baka niloko mo lang ako? Ha-ha]

=_____= Di na ba pwede mangarap? Aish

" Ano nga?!"

[ I'm at the Philippines already Noona. I'm on my way to your school.]

Nalatili naman ako ng bongga. Napapatingin sakin ang mga tao kaya sinamaan ko sila ng tingin kaya umiwas agad sila.

[ Noona naman eh! Ang sakit ng tenga ko.]

" Whatever. Bilisan mo. I'm excited to see you again, lil bro."

[ I know. Cause I'm handsome. Bwahaha. I'll see you around, 2 minutes. Bye Noona.]

Toot

Toot

Napatingin ako kina Aira tsaka tumili na naman.

" Umayos ka nga dyan Maxhie." Suway ni Aira. Inirapan ko siya.

" Bakit wakas kang makatili?" Tanong ni Trixie. Napangiti na naman ako.

" My lil bro is back!!" Sabi ko. Nanlaki naman ang mata nila.

" TALAGA?!!!!" Sigaw nila.

" Ay Hindi." Sarkastikong sabi ko.

" Kelan siya nakauwi?"

" Don't know. Baba na tayo. Papunta siya dito. Alam niyo na, namiss ang kanyang ever so gorgeous Noona."

" ASA KA PA!" Bwiset sila. Supportive noh? =_____=

Agad kaming bumaba at rinig ko na ang tili ng mga babae na hindi pa nakauwi.

' Ang gwapo na niya noh? '

' Oo nga. Mana talaga sa ate niya.'

' Lahing Park yan eh'

' Oo nga. Si Maxhiene,kasing ganda si Lady Xhiena. Si Maxson naman, kasing gwapo ni Sir Matt.'

Ows? Bakit rinig ko ang pangalan ng pamilya ko?

Nang makita namin kung ano ang pinagkalaguluham nila.... Nakatayo sa harap ng gate ang isang lalaki na naka checkered polo and jeans. With rubber shoes and shades. Simple, yet hot.

Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon