Trixie's Pov
" RI!!!" sabay sabay kaming napalingon ng may sumigaw. Si Jiro pala. Tumatakbo papalit samin.
" Wow naman. Wagas makasigaw. Parang wala ng bukas." Sarkastikong sabi ni Riana. Ang snob at maldita talaga. Akala mo namab ako hindi. Hay.
Lumapit si Jiro kay Riana at umakbay. Halata talaga tong si Jiro. Obvious naman na may gusto kay Riana. Pero alam niyo naman na si Riana ay si Ms. Manhid.
" To naman.. Baka kasi bingi ka." Sabi niya sabay gulo sa buhok niya. Natawa naman ako dun. First time na may bumara sa kanya na lalaki. And guluhin ang buhok niya. Eh ako nga mismo, di nagugulo yan. Masampal nga man lang eh.
" Mamaya na lambingan niyo, gutom na ako." Sabi ni Maxhiene sabay flip ng hair at lakad paalis. Napailing nalang kami sa kanya. Ang bossy talaga.
" Tara. Libre kita, Ri." Sabi ni Jiro. Ngumiti naman si Riana. Mukhang libre ang gaga na to.
" Sige ba. Tara na." Sabi nita at sumunod na kami sa kanila.
And as usual, walang pagbabago. Binigyan kami ng daan ng mga panget.
Si Jiro at Riana, nagkukulitan sa likod namin. Si Riana talaga. Hindi binibigyan pansin ang mga nangyayari sa paligid niya.
" Ang sweet nila noh?" Sabi ni Aira sakin. Isa pa to. Naweweirduhan na ako sa kanya. Kasi simula ng nangyari nung sa bahay nina Maxhie, mas nagiging ewan.. Mas nagiging mabait.? Yah. Ang weird niya. Tapos ngayon, ngingiti na siya.
" Oo.. Ganyan naman na talaga si Jiro diba? Boto ako sa kanya." Sabi ko. Totoo naman kasi. Mabait naman si Jiro. Baka mapatino niya tung si Riana.
" Sweet siya pero, hindi ako boto sa kanya para kay Riana." Sabi niya. Napakunot naman noo ko. Sasabihin na sweet sila pero hindi naman niya gusto sila magkatuluyan. Bipolar nga naman.
Nangmakapasok kami sa cafeteria, natahimik silang lahat at napalingon kay magandang si AKO! Bakit hindi? Sa ganda kong to? Maglalaway na ang kababaihan at kalalakihan. Psh.
Umupo na kami sa usual naming table. Pinakamaganda ang mesa namin. Comfy ang upuan kasi gawa sa foam. Eh yung sa mga cheap na tao eh mga cheap din. Perfect match diba? Psh.
Agad namang may pagkain na dumating. Si Jiro? Nakiusap sa isang nerd na naglagay ng pagkain sa harap ni Riana na bilhan siya. Nag please pa talaga siya. Magalang nga naman. Meron lang ata ako nun sa mga kaclose ko. They dont deserve to see the better side of me.
" Jiro, wag ka nalang bumili. Tulungan mo akong ubusin to." Sabi ni Riana. Madami kasi ang pagkain sa tray niya. Tumango si Jiro at umalis na ang mga nerd.
Swerte nga nila kasi pag hindi namin trip kumain, sa kanila na ang pagkain namin.
Nakakairita tignan tung sina Riana at Jiro. Sila kasi magkatabi. Kami naman nina Maxhie at Aira ang magkatabi. Grabe, nahiya ang langgam lumapit. Kung umasta parang sila eh.
Hindi pa ba sweet ang magsubuan? Grabe. Nakakairita kasi may naalala ako. Ay erase erase. Wala pala. Naiisip ko lang kung gaano ako kaganda. Thats it.
" Oi Ri! May dumi oh. Teka.." sabi ni Jiro sabay punas sa gilid ng labi ni Riana. Natigilan naman ang bruha. Nakakainis! Pwedeng di nila ipaalala sakin?! Gosh!
" FUCKING SHIT!!!!" napalingon kami sa sumigaw na si Josh. Namumula sa galit. Nakakuyom pa ang kamao. Kasama niya si Dylan at Michael. Si Rishon, paniguradong nasa principal's office. Nambully eh. Balita nga na dahil wala siyang mabully kasi class hours, pumasok siya sa 4-C at kinaladkad si Kean. Si Kean ang school nerd na lalaki na nabully na namin dati. Di pa nga nagdrop eh. Sabi daw niya na sayang ang scholarship.
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Novela JuvenilRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...