6: Our Secret

974 30 0
                                    

Aira's POV

" Ang Tagal mo ha.." Bati ni Maxhie kay Trix na nakarating lang. Ang Tagal nito sa library.

" Ah, nahirapan lang ako sa paghanap ng libro." Sabi niya. Hindi na kami umimik at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagkwentuhan lang kami ng napansin ko na tahimik lang si Trix. Hindi naman ganito katahimik ang isang to. Ako ang mas tahimik pero ngayon, daig niya pa ang mga langgam sa katahimikan.

Kinalabit ko siya kaya napatingin siya sakin.

" Bakit?" Tanong niya. Napakunot ang noo ko. Napansin ko na parang namumula ang mata niya. Umiyak ba to o nag drugs?

" Umamin ka nga... Umiyak ka ba o nag drugs?" Diretsahan kong tanong. Nanlaki naman ang mata niya. OA naman nito.

" Nakadrugs ka na Trix?!" Singit ni Riana. Napairap ako. Chismosa nga naman.

" Hindi!! Ano ba.. Hindi rin ako umiyak. Napuwing lang ako." Sabi niya. Hindi nalang namin pinush ang tahimik. Alam kong nangangati ang bibig ni Riana para magtanong pero alam niyang wala sa mood si Trixie.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain nang nakatanggap ako ng message. Palihim ko yung binuksan at automatic na Napangiti ako.

Dug dug

Dug dug

From: Babe

Babe!!!! Punta ka sa music room... Miss na kita eh. Ang hirap gumalaw dito sa school... Please.. I miss hugging you. I love you. :*

Kaloka tong lalaking to. Pinapakilig ako shet.

" Hala... si Aira, sinasapian na." Napairap naman ako kay Riana.

" Bipolar ka rin noh? Kanina lang ngiti ngiti ka dyan tapos ngayon nakabusangot ka. Ano to gaguhan?!" Inis na sabi ni Riana. Hindi ko siya pinansin at tumayo na.

" Mauna na ako. Dadaan pa ako sa Cr. Ge" tipid kong sabi at naglakad na paalis. Excited na akong makita ang babe ko.

Nagmadali akong pumunta sa music room. At pagpasok mo palang dun, niyakap niya agad ako. Ang sweet talaga nito. I hugged him back.

" Namiss kita babe." Sabi niya. Napangiti ako.

" Yeah. I miss you too." Sabi ko. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon namin. Makikita ko nga siya araw araw pero Hindi ko siya nakakausap.

Bumitaw na siya sa pagyakap sakin at hinalikan ako sandali. Kissing monster.

Umupo kami sa may bench dito. Hawak niya ang kamay ko. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Palagi naman eh. Palagi nalang kaming nagkikita ng patago.

Dito sa music room, dito nalang kami nagkikita pag nasa school. Ayaw naman namin na magkagulo pa. Nakahiwalay na nga kami ng dati kong mga kaibigan, mahihiwalay din ako sa taong mahal ko? Di ko na ata kaya yun.

" Babe.... Nahihirapan na si Shon. " bigla niyang sabi. Napaisip ako. Oo nga. Mahihirapan talaga si Shon. May pagkatanga kasi yun eh.

Tama. Ako na si Aira Aseros, na Mataray ay alam ang lahat. Alam ko kung bakit nagsimulang magkaaway away ang mga kaibigan ko. Dahil sa PRIDE. Lechugas na pride yan.

I know the beginning. Why Shon rejected Maxhie. Why Trix and Dylan broke up, why Josh and Riana don't care about each others existence. Why OUR Friendship suddenly disappeared. Alam ko. Kasi ako lang naman ang umintindi ng lahat.

Si Shon? Mahal naman talaga niya si Maxhie. Natempt siya noon nung naghabol si Maxhiene sa kanya. Gusto niyang Sagutin siya, kaya lang pinangunahan siya ng pride niya. Gusto niya, siya mismo ang manligaw. Siya ang maghahabol. Papatunayan niya na kaya niyang mahalin si Maxhie. Ng sobra. Sobra pa sa pagmamahal ni Maxhie. Kaya ayun, na misinterpret ni Maxhie ang rejection ni Shon. Malamang Hindi niya pinakinggan si Shon kasi nasaktan daw siya. Ewan ko. Basta yun.

Si Dylan? Nagbreak sila ni Trixie noon kasi Hindi masyadong malawak ang pangunawa niya. Gusto niyang siya ang palaging nasusunod. Hindi niya naiintindihan ang point ni Trix. Ayaw niya kasi ng patagong relasyon. Gusto niya, ipakita sa mundo na sila ni Trixie. Kaya ayun, naghiwalay. Bahala sila.

Si Josh? Nainlove sa bestfriend niyang si Riana. Nag confess kay Riana noong graduation namin ng Grade six. Kaya lang, REJECTED. Nasaktan malamang si Josh kaya nagpakalayo. Nagpakalayo samin, samin na mga babae. Nagpakalayo kay Riana. Basta nalaman nalang namin na Friendship over na sila.

Yan ang mga nangyari. Ako? Malungkot at masaya. Malungkot kasi nagbago ang mga kaibigan ko. Kailangan pa naming magpanggap na hindi namin kilala ang isat isa. Nagpanggap pa nga ako na Mataray. Kahit Hindi naman.

Masaya rin kasi piling ko pa rin ang taong mahal ko. Sino LA nga ba? Kundi si Michael Lee. Ang aking secret boyfriend.

Yup. Si Michael na isa sa Rebels. Ang galing nga eh. Natago namin ang relasyon na meron kami sa mga kaibigan namin. Ayaw na kasi naming maging magulo pa ang lahat kasi, GULONG GULO na talaga sa simula pa.

" Hindi lang naman siya babe eh. Tayong lahat siguro nahihirapan na." Sabi ko.

" Tayo nalang ang matatag. Hindi tayo nagpaapekto sa mga nangyayari." Sabi niya at inakbayan ako. Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi sa lahat ng paglalaruan ni Tadhana, mga kaibigan ko pa. Aish.

" We'll wait for the right time. Maayos rin ang lahat." Sabi niya. Napatango ako.

" I'm excited to sing with you guys again." Biglang paglipat niya ng topic. Napangiti ako ng wala sa oras. Yeah. I miss the old times.

Us. The little versions of who we are now. Kami noon, kumakanta kami. May theme song kami pero parang nakalimutan na nila yun. Ako at Si Michael nalang ang nakakaalala.

" I still remember the time when Shon and Maxhie played the guitar together." Sabi ko at tinitigan ang gitara.

" Yeah. Like how Josh and Riana played the drums." Sabi niya at tinuro ang set ng drums.

" How Trix and Dylan sat beside each other on the piano." Sabi ko at napapangiti sa mga alaala na naalala ko.

" And how we both play the violin. Ha-ha. Bakit NBA ba hanggang alaala nalang tayo?" Sabi niya. Nanlumo ako.

Bakit nga ba?! Bakit sa lahat ng mabubuwag, kami pa. Kami ng mga kaibigan ko. Nakakapagod na ang magpanggap.

" Sana effective ang plano ni Lola M. " sabi ko. Yup. Alam ko ang plano ni Lola M. Kinausap ko kasi siya eh.

" It will be." Sabi niya. Nagkwentuhan lang kami ng tumunog na ang Bell. Tumayo na kami at niyakap ang isat isa.

" Goodbye babe. Ingat ka palagi ha?" Paalala niya. Tumango ako at hinalikan siya saglit. Nauna akong umalis. Para Hindi mahalata.

Secret lang muna tayo babe. Pero ako na mismo Gagawa ng paraan para sating lahat.

__________________________

Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon