32: One Hell of a Practice

638 17 0
                                    

Dylan's Pov

" Mukhang nagkakasayahan kayo ah?" Ngiting tanong ni Tita Ria, mommy ni Riana.

Napatingin kami ng Rebels kina Trixie na mukhang natauhan. Maxhiene cleared her throat and went back to her usual mean face. Parang kanina lang, bakas sa mukha niya ang saya. Ngayon naman, poker face. Bipolar lang?

" Hindi po. We were fighting." Sabi niya sabay ahon mula sa pool. Ganun din sina Riana, Trixie at Aira. Ako sina Rishon, Risha at Maxson.

" Talaga lang ha? Bakit may tawa kaming narinig?" Tanong ni Tito Cyrus, daddy ni Riana. Sumimangot sina Trix.

" I think it was when we, ROYALS laughed when Cindy appeared." Sabi ni Trix.

" Pero may MGA boses lalaki." Sabi naman ni Tito Matt, daddy ni Maxhiene at Maxson.

" Sa tv lang yun tito." Sabi ni Riana sabay irap sa amin, ng Rebels.

" Ah. Ganun ba? Sige punta na kayo dun mga babae sa kwarto ni Maxhie. Tapos kayo mga boys. Punta kayo sa room ni Max. Hiram nalang kayo ng damit nila." Ngiting sabi ni Tita Xhiena. Tumango lang kami. Umahon na kami sa pool. Si Max nama, tinulungan si Risha. May something talaga sa dalawang to.

" Pagkatapos, magpractice na kayo." Pahabol ni Lola M. Tumango kami nina Rishon at sumimangot naman sina Trix. Si Maxson at Risha? Wala lang. Nakakapagtaka nga kung bakit normal pa rin ang turing nila sa amin. Kasi akala namin, sasama ang loob nila. Ewan ko ba sa dalawang to.

Sumunod kami kay Maxson habang sina Trix, kay Maxhiene. Binigyan muna kami ng mga maids ng towel. Yaman talaga. Sa pagkakaalala ko they have at least 50 extra towels. Tapos narinig ko si Tita Xhiena na naikwento kina mommy na ang arte daw ni Maxhiene. Kasi araw araw, papalit palit ng towel. Tapos tinatapon pag nagamit na niya. Kaya nga mga katulong nila, nakakagamit ng mga mamahaling towel. Spoiled eh. Unica iha sa angkan ng mga Park. Kasi ang mga relatives niya, puro lalaki. Hindi kasi nagiisang anak si Tito Matt. Nasa ibang bansa ang iba. Pero si tito Matt kasi ang youngest kaya, siya ang nanatili dito sa Pinas para ihandle ang mga business nila. Dalawang lugar yata eh. Philippines and Korea? I think? Ewan ko. Di ko na nga nabalitaan sina Tito Mark, Tito Miko at Tito Mike. Apat kasi silang magkakapatid. Paano ko nalaman? Eh mga ninong ko kaya sila. Psh.

" Mga hyung, kuha nalang kayo dun sa closet ko. Pili nalang kayo." Nakangiting sabi ni Max. Tumango kami. Lumapit kami sa malaki niyang closet. Pag bukas namin, literal na nanlaki ang mga mata namin.

" Max. Mga dati mo bang damit to?" Tanong ni Michael na gulat na gulat. Max grinned.

" Hindi. Iniwan ko sa ampunan ang mga dati kong damit. Yan? Mga binili ni mommy nung Monday. OA nga eh. Bilis makabili." Sabi niya sabay kibit balikat. Tae! Mas marami pa to sa mga damit ko sa bahay ah! Akalain mo na ang daming shirts, pants, shorts, tuxedos, tapos mga pambahay ba talaga to?! Eh parang pang alis ang mga to ah? Hanep!

Kumuha nalang ako ng isang shirt at shorts na hanggang tuhod. Ganda ng fashion taste ni Tita Xhiena. Mapababae o lalaki. Kung sabagay, gusto ni tita dapat may dating at class ang mga damit ng mga anak niya.

" Mauna na muna ako mga hyung." Tumango kami kay Max at pumasok na siya sa banyo niya. Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ni Maxson. Lahat, blue. Blue walls, blue curtains, blue bed sheet, blue pillows, blue table, blue cabinet blue couch. Lahat BLUE! Tapos ang dami niyang mga picture na nakasabit sa kwarto. Ang lakas pa makaAC ng batang yun.

Naghintay lang kami na matapos si Max at sunod sunod kaming naligo.

Timeskip


" Tangina! Ang babagal kumilos!" Iritang sabi ni Josh. Eh ang totoo gusto lang agad makita si Riana. Masyadong denial ang gagong to!

" Dude, masyado kang obvious. If i know gusto mo lang makita si Riana." Sabi ni Michael. Siya nga mismo alam eh. Obvious nga kasi.

" Dude, gusto mo mamatay? Pakyu pare! Eh parang pagong yung kokote ni Riana. Di tulad ko." Yabang ng gagong to!


" Oh really now? Sa pagkakaalam ko, mas matalino ako sayo." Napalingon kami sa hagdan at nakatayo dun si Riana na nakataas ang kilay.

" Kababaeng tao, ang yabang." Bulong ni Josh pero malakas naman.

" Josh, kung bubulong ka, dapat hindi marinig ng iba. Kaya nga bulong diba?" Mataray na sabi ni Riana sabay irap. Nakita ko naman na bumaba na sina Maxhiene.

" Tumahimik ka nga Riana! Ingay mo!" Bulyaw ni Maxhiene sabay irap at bumaba papunta sa kusina.

" Sa tingin niya, siya hindi? Psh." She mumbled and followed Maxhiene. Nakita kong napailing nalang sina Aira at Trixie.

Teka. Asan si Risha? Di kaya pinatay nila? Di naman. Lalo na at mabait ang Trix KO.


" Risha! Baba ka na!" Biglang sigaw ni Trix. Bakit kaya ang tagal bumaba ng batang yun?

" A-ate Trixie kasi... N-nakakahiya.." rinig kong sigaw pabalik ni Risha. Nakita kong napangiti at napailing nalang si Trix. Ganda ng TRIXIE NG BUHAY KO.

" Sige na! Maganda naman eh." Sabi ni Aira. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Pagtingin namin..

Tae! Bakit ginawa nilang manika si Risha?!

" Ate Trixie naman eh... Mukha akong manika.." sabi ni Risha.


" Ano ka ba Risha. Gustong gusto nga ni Maxhie ang suot mo. Alam mo naman yun, gusto may binihisan. Isip bata kasi yung ate mong yun. Gusto pa nang manika. Haha." Mga sira talaga minsan ang mga to. Paano ba naman kasi, pinasuot ng dress tong si Risha at may makeup pa. Tapos nakaheadband na may cat ears. Seriously?


" Aww. Ang cute mo Risha." Biglang sulpot nina Maxhiene at Riana na may kasamang katulong na may dalang mga pagkain.

" Ate Maxhiene naman eh.. Pwede namang magshorts at shirt lang ako." Sabi ni Risha sabay pout.

" Psh. Wag ka nga. Cute nga eh. Basta bumalik ka dito ngayong Saturday." Sabi ni Maxhiene sabay lakad papunta sa taas. Sumunod naman sina Aira, Riana at Trix. Napabuntong hininga nalang si Risha.

" Ay, pinapasabi nga pala nina Ma'am Maxhiene na sumunod na po daw kayo sa Music room para magpractice na daw po kayo." Sabi nung katulong sabay lakad papunta sa taas.

Sumunod kami sa kanya. Pagpasok namin sa music room, hindi na ako nagulat makitang halos andito lahat ng instrumento. Kasi musicians sina Tito at Tita.




" Hindi na kailangan na mag suggest sila." Rinig konv sabi ni Riana.




" Oo nga. I meam, what should we do with stupid suggestions from stupid people?" Sakit naman nun, Trix KO. Di pwedeng dahan dahan?



" Yeah. Like you." Sabi ni Riana. Kaya binato siya ni Trix ng throw pillow. Natamaan naman si Riana. And with that, all hell broke lose. Devils are here. Yehey (-_-).



Im telling you, THIS WILL BE ONE HELL OF A PRACTICE

Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon