Maxson's Pov
" Mom, what was that all about?!" Yan agad ang bungad ni Noona kay Mommy pagdating namin sa mansion after school. Nakaupo si mommy at daddy sa living room habang nanunuod ng tv.
" What?" Painosente talaga tong si mommy. Akala mo naman effective. Psh.
" Why were you the one to be the adviser?!" Inis na sigaw ni Noona. Nakakatakot talaga to pagnaiinis. Brr.
" Bakit? Di na ba ako pwedeng magapply?"
" Teka nga... Anong ikaw ang adviser nila?" Nagtatakang tanong ni Dad. Di pala niya alam?
" Kasi Hon, si mama, she was looking for some teachers. And dahil wala kaming magawa ng Amazona 8, nagapply kami." Paliwanag ni mommy at uminom nalang ng juice.
" Andaya. Gusto ko rin." Nakapout na sabi ni dad. Kelan oa naging childish tong si dad? May ganun pala? Gangster na childish? Lol.
" Bakit? Matalino ka ba?" Mataray na tanong ni mommy. Sumimangot naman si dad. Ha. Feeler din tong si dad eh. Magvovolunteer na nga lang akala mo naman may maituturo. Psh.
" Sabi ko nga hindi." Sabi ni dad at tumingin ulit sa tv.
" Aish! Mom naman eh! Okay lang sakin na andun ka! Pero ang pahirapan ako?! Thats just below the belt!" Sigaw ni Noona bago padabog na umakyat sa taas. La ka. Lagot na.
" Hon, ano bang ginawa mo kay Princess?" palibhasa kasi daddy's girl si Noona.
" Pinalinis ko lang naman ang library. Anong mahirap dun?" Naiinis na tanong ni mommy. Ge. Wag niyo lang ako pansinin. Babalik talaga ako ng States. De joke lang.
" Baka nagalit yun kasi alam mo namang mahirap yun sa kanya. Diba nga walang alam yun sa mga libro?." Tignan mo tong si dad. Akala ko ipagtatanggol niya si Noona. Nilait pa talaga sa huli. Pfft.
" Ewan ko ba.. Hmp. Oh Max, andyan ka na pala." Really mom? Ngayon mo lang ako napansin? Thanks. Really. (-_-)
" Yeah." Sabi ko nalang.
" You go upstairs na baby, you change na your clothes. Make sure to take a quick shower okay? And you choose the most comfortable brief that i bought. And wag mong masyadong ipataas ang AC. Then yo-." Pinutol ko na ang sinabi ni mommy. Kahit kelan talaga. Akala siguro ni mommy, im still a baby. Eh may nililigawan na nga ako eh.
" Mom. I know what im gonna do. Ill be upstairs." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Binati ko lang si dad saka ako umakyat sa taas. Katapat ng kwarto ko ang kwarto ni Noona.
Pagpasok ko sa kwarto ko, naligo ako sandali saka nagbihis ng pambahay na shorts at plain white shirt. Di naman ako katulad ng ibang mga mayayaman na kahit nasa bahay lang ay magsusuot ng pampalabas. Oa naman kasi nun. Akala mo naman, palaging may pupuntahan.
At dahil wala akong magawa ay pumunta nalang ako sa room ni Noona. Kumatok muna ako. Arte kasi si Noona eh. Kailangab daw niya ng privacy kaya kailangan munang kumatok. Ewan ko dun.
" Who's that?" Bored niyang tanong.
" It's me, Max." Sabi ko. Nakarinig ako ng yapak kaya bumukas yun. Si Noona naka bihis pambahay na siya. Naka shorts lang at simple pink shirt.
" What do you need?" Bored niyang tanong. Nagbago na talaga si Noona. Ibang iba na siya
" Pwede pumasok? Miss ko na kwarto mo." Sabi ko. Totoo yun. Kasi noon palagi akong pumapasok dito. Ngayon na nga lang ako makakapasok ulit.
" Come in then." Sabi niya saka binuksan ang pinto ng mas maluwag para makapasok ako. Inobserbahan ko ang kwarto niya. Wala namang masyadong nagbago. Except na mas lumaki ito at mas naging girly. Hindi siya pink. My sister is more fond of purple. Purple walls. Purple bed. Purple stuff toys. Halos lahat purple. Muntikan na nga yang nagreklamo kasi wala daw nagbebenta ng purple na bathtub. Nakwento sakin ni mommy over the phone.
May napansin din ako. Mas marami nang picture frames ngayon. Sila lahat nina Noona. Mas kilalang Royals.
Simula bata hanggang ngayon, may mga pictures si Noona. Ang kulang lang ay yung pictures nila kasama ang Rebels. Alala ko pa noon, madami silang pictures together. Malamang ko ba kay Noona at tinapon niya ang mga yun.
" Are you finished observing my room?" Tanong ni Noona habang busy sa pagkakalikot sa laptop niya. Nakadapa siya sa kama niya at naglalaptop. Di man lang tumingin sakin. At talagang alam niyang inoobserbahan ko ang kwarto niya. Pero kung sabagay. Keen observer naman so Noona eh. Matalas ang pakiramdam niya sa paligid niya. Nababasa niya ang mga emosyon ng isang tao. Hindi lang talaga siya binayayaan ng katalinuhan. Bwahaha.
" Of course. I missed your room." Sabi ko. Di pa rin niya ako tinitignan.
" Yeah whatever. What else do you need?" Tanong niya. Nagbago na talaga siya. Noon kasi, hindi ko na kailangan ng rason para pumasok sa kwarto niya. Pero ngayon... Ang dami na talagang nagbago.
" Kailangan pa ba ng dahilan? Eh noon nga palagi akong pumapasok dito ng walang dahilan. Kasi trip k--." pinutol niya ang sasabihin ko.
" Cut the crap Max. What do you need?" Kita kong parang naiirita na siya. Dati naman, hindi siya kahit kelan man naiinis o naiirita sakin.
" Let's talk." Seryoso kong sabi. Nagbuntong hininga siya saka sinara ang laptop niya at umupo sa kama. She stared at me coldly.
" What about?"
" About you guys." Inirapan niya ako.
" What is there to talk about anyways? Wala naman kaya makakaalis ka na." Sabi niya. Umupo ako sa dulo ng kama niya.
" Noona. Stop fooling your self already." sabi ko
" What are you talking about?"
" Alam mo sa sarili mo Noona, you still care." Sabi ko at bigla siyang tumawa.
" Hahaha.... N-nice pfft.. hahaha... nice joke Max." Maluha luha niyang sabi. Nang mapansin niya na seryoso ako, sumeryoso din siya.
" What do you mean i still care?"
" You still care about their existence."
" Yez. Because they are ugly. Ayaw ko silang makita kasi panget sila."
" Noona, ano ba talaga ang nangyari?"
Natahimik siya. Kita ko ang pagdadalawang isip niya. She's hesitating. Whether to tell me or not.
" I think it's better if you dont know the details." Sabi niya sabay iwas ng tingin. I groaned.
" Noona please naman! I know i was gone for like 10 freakin years but that isnt a valid reason for you not to tell me." Inis kong sabi. Suddenly, nakita kong may nabahid na sakit sa mga mata ni Noona kaya natahimik ako. She bit her lip. May pinipigilan siya. Mga luha. Ayaw niyang lumabas ang mga yun.
" FINE! GUSTO MO MALAMAN? SIGE! SASABIHIN KO KUNG GAANO KASAKIT AT HANGGANG NGAYON SUMASAKIT PA RIN!"
_________________________
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Novela JuvenilRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...