Riana's Pov
" Kelan ka pa nakabalik?" Naeexcite kong tanong. Ngumiti siya. Jusko! Ang gwapo na niya.
" Kahapon lang." Sagot niya.
" Pero, bakit ngayon ka lang bumalik?!"
" We were needed there. Alam mo na. Kailangan kami ni obaa-chan."
" Anong obaa-chan?"
" Haha. Sorry nakalimutan ko wala na pala ako sa Japan. Kailangan kami ni lola eh. Alam mo na, tumatanda na siya." Napatango ako
" Ang unfair mo kasi hindi mo man lang ako kinontact." Nagpout ako. Natawa siya sakin.
" Hahaha... Ang cute mo pa rin talaga Ri." Sabi niya at pinisil ang mga pisngi ko. Naku, kung hindi ko lang talaga kaibigan to, pinatay ko na to. Haha.
" Hindi na ako cute noh. Maganda na kaya ako, Ji." Sabi ko.
Kilala niyo ba si Jiro Chu? Siya ang isang kababata rin namin. Pamangkin ni tita Jaysa, mommy ni impakto kaya magpinsan sila, obviously. Magkadugo sila sa ina.
" Oo na. Maganda ka na. Hahaha." Aish. At talagang kailangan pang pilitin na sabihing maganda ako? Di ba pwedeng, own will? Haha.
" So are you staying for good?" Tanong ko.
" Yup. I missed you so, i would rather stay here. Andito ka kasi." Kung hindi ko lang kilala to, baka iisipin kong may gusto to sakin. Pero hindi eh. He just see me as a little sister.
" Awww.. Why so sweet, Ji? Haha. So, saan ka magaaral?" Pagiiba ko ng usapan.
" Haha. Dun ako sa school ni Lola M. Maganda daw kasi dun, sabi ni tita Jaysa." Sabi niya at kinuha ang frappe ko. Tamad kasing bumili ng sarili niyang inumin. Nangunguha pa talaga. Hay. How i miss this man.
" Eh Ikaw, Ri? Saan ka nagaaral?"
" Sa RH. Pareho lang tayo ng school. Im excited to see their expressions." Tinutukoy ko sina Maxhie. Pero bigla kong naisip si Aira. Anu ba yan?! Sinabi na kasing ayaw ko muna siyang isipin.
" Sinabi mong excited tapos ngayon, ikaw, nakasimangot." Sabi niya. Napailing ako. Ngumiti ulit ako.
" Wala. May naisip lang. Kelan ka ba papasok?
" Bukas na bukas."
" Well, im excited to see you tomoroow then. Tara, gala tayo. Nabobore na ako eh." Sabi ko saka tumayo na.
Gumala lang kami. Pumasok kami sa Quantum at wala naman masyadong tao. Nasa mga paaralan lang kaya sila. At saka bawal ang mga estudyante ng mga ganitong oras. Mabuti nalang at hindi kami nakauniform.
" Ri, diba may pasok kayo ngayon. Bakit hindi ka pumasok?" Tanong niya.
" Ah. Wala lang. Boring kasi eh." Sabi ko at nagpatuloy sa paglaro ng basketball. Tama, nakiagpustahan ako kay Jiro. Ang yabang kasi niya eh, de joke lang. Trip ko lang eh. Marunong naman ako eh.
" Naku, pasaway ka pala." Tumaws siya. Napairap na lang ako.
Nang matapos kami, bagsak ang mga balikat niya. Wahahaha. Paano ba naman kasi, nanalo ako. Kasi inapakan ko paa niya nung nasa last 5seconds na kaya hindi niya nashoot. Lamang ako ng 2. Wahaha.
" Hahahahahaha... Ihanda mo na credit cards mo, Ji." Sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
" Nandaya ka kaya."
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Novela JuvenilRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...