Aira's Pov
Bakit kaya umiiyak tong si Riana? Hindi ko naiwasan mataranta, kasi once in a blue moon lang lang umiyak tong si Riana eh. Matagal na kayang hindi umiiyak ang babaeng to tapos ngayon, iiyak?
" Oi, bakit ka ba umiiyak?" Tanong ni Trix na natataranta kasi diba nga, wala ng nagpapaiyak diyan kay Riana.
" W-wala.." sagot niya at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. Halata namang may problema ang isang to.
" Anong wala? Hoi Riana, kilalang kilala ka namin. Halata namang hindi ka okay." Sabi ko. Umiwas siya ng tingin.
" Wag niyo na akong alalahanin. I can take care of myself." Sabi niya at tumakbo paalis. Hahabulin sana siya ni Trix pero pinigilan ko siya. I think Riana needs space.
Paalis na sana kami ng makita ko si Josh na lumabas ng music room na umiiyak. Wag mong sabihin na...
Magkasama sila ni Riana?!
" Bakit kaya umiiyak yung si Josh?" Bulong ko sa sarili ko.
" Balik na tayo sa room. Malapit na last class." Aya ni Trix. Umiling ako.
" Mauna ka na. May pupuntahan lang ako saglit." Baka kasi hinihintay na niya ako eh. Tumango siya at umalis na.
Naglakad na rin ako papunta sa likod ng campus. Mabuti nalang talaga hindi kami sa music room nagkita. Baka maabutan kami nina Riana at Josh dun. Baka maghinala sila. Mahirap na.
Habang papunta doon,nararamdaman ko na parang may nakasunod sakin. Para bang, pinagmamasdan ako mula sa malayo. Binalewala ko nalang yun. Baka napaparanoid lang ako. Ako lang kasi magisa dito sa hallway eh.
Nang makarating ako dun, nandun na siya. Nakaupp sa damuhan habang nakasandal sa pader. Napansin na yata niy ako kaya napatingin siya sakin. Ngumiti siya kaya ganun rin ako.
" Kanina ka pa?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. Hinawakan niya agad ang kamay ko. So sweet.
" Hindi naman. Hinanap pa kasi namin si Josh eh." Sabi niya. Speaking of Josh...
" Babe, nakita ko pala si Josh kanina sa music room. Babalewalain ko lang sana if normal na lumabas yun pero, nakakapagtaka lang kasi umiiyak." Sabi ko. Nagulat naman siya.
" Si Josh?! Umiyak?" Di makapaniwala niyang tanong. Tumango ako.
" Ang imposible isipin pero, mukhang totoo. Nakita ko kasi si Riana kanina. Tumatakbo, umiiyak nga rin eh. Akala ko umiiyak siya kasi inaway siya pero naalala kong, siya pala ang umaaway kaya imposible rin." Sabi niya. Napangiti tuloy ako.
" I know. I think, nagkausap ang dalawang yun. Pareho nanggaling sa music room eh." Kibit balikat kong sabi. Ginulo niya ang buhok ko saka ako hinalikan ako sa pisngi. Para ngang may narinig akong flash. Pero baka imahinasyon ko lang yun.
" Ay babe, kailangan na nating pumasok. Malapit na ako bumagsak sa last subject kaya kailangan ko makapasok." Napangiti ako.
" Kelan pa naging good boy ang isang bad boy?" Mapang-asar kong tanong. Ngumisi siya sakin saka ako hinalikan sa lips.
" I became a good boy ever since i met the bad girl who turned out to be the good girl in disguise. I met the love of my life. I met the girl who changed my life for the better. And that girl happened to have a name Aira Aseros." Okay. Natameme ako dun. Ang sweet naman niya masyado. Ako babae diba? Jusko. Kinikilig ako.
Tumawa ako. Pinisil ko ang pisngi niya.
" Tama na. Nilalanggam na tayo. Tara na at baka malate ka pa Mr. Grade Conscious." Sabi ko. Tumawa rin siya.
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Novela JuvenilRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...