Trixie's POV
" Oi asan na daw siya?" Tanong ko kay Aira. Siya kasi ang tumawag kay Maxhie.
" Akala ko ba matalino ka? Malamang nasa kotse niya nakasakay at papunta na dito. Kita mo ba siya sa tabi MO?" Aish. Kanina pa ako binabara ni Riana at konti nalang masasapak ko na siya. Hmp.
" Eh kung manahimik ka nalang kaya? Hinihingi ko ba opinion mo? Hindi naman di ba?" Masungit kong sabi sa kanya.
" Problema mo? Ikaw ba kausap ko? Wala naman akong binaggit na pangalan mo Ah." Sabi niya. Akala niya maloloko niya ako? Pwes Hindi.
Sasagot pa sana ako ng sumigaw si Aira.
" WOULD YOU PLEASE SHUT UP?!" Mataray niyang Sigaw. Ewan ko sa babaeng to. Parang palaging merong dalaw.
" Eh manahimik ka na lang din kaya. Pinapatahimik mo kami eh mas malakas kaya ang boses mo." Sabi ko.
" Eh malamang malakas boses niya. Sumigaw nga diba? Matalino ka ba talaga ha Trix?" Aish. Nauubos na talaga ang pasensya ko sa bruhang to.
" Manahimik ka nalang." Sabi ko. Baka kasi masapak ko na to. Kahit kaibigan ko siya, naiinis pa rin naman ako.
Ay. Ako nga pala si Trixie Ramirez. Isa akong Royal. I'm 15 years old. Im so matalino. Wag kayong maniwala kay Riana pag sinabi niyang BOBO ako. Kasi sa totoo, siya ang BOBO. Hmp. Feeling kasi yun eh. Well, I'm the pride of this school. Ako ang tinuring Brain of Raven High. Ako kasi ang pinakamatalino. Well dalawa kami but who cares about him? Ako PA rin naman ang palaging panalo. He's just under my heels. Sino nga ba siya? Well isa sa mga REBELS. Akalain mo nga naman. Isang Rebel, matalino pala. Pero wala siyang binatbat sakin. Wala kwenta ang lalaking yun.
May first love ako. Dati. Dati na hindi ko na gugustuhin pabalikin sa buhay ko. Naging kami man dati, past na yun. Nakaraan at Hindi na kailangan balikan. Wala kasing kwenta ang lalaking yun. Hindi marunong umintindi. Palagi ang sarili niya ang iniisip. Hindi niya naiintindihan ang gusto kong mangyari. Kaya ayun, naghiwalay nalang kami. Bahala siya sa buhay niya.
" Ay andyan ka na pala Maxhie." Sabi ko. Lumapit siya samin. In the count of three.....
One....
Two....
Three...
" Ay Bobo na nga, tanga pa. Kita mo namang andyan siya sa harap natin di ba?" Sabi ko na nga ba at babarahin ako nitong si Riana. Hay.
" Manahimik na nga kayo. Tara na. Baka malate pa tayo." Sabi ni Maxhiene. Kahit kelan talaga. Akala mo naman good girl eh palagi nga yang natutulog kundi nambubully kahit andyan ang teacher. Ako nga lang ang good girl eh.
Tumayo na kami. Nakastand by kasi kami sa cafeteria eh.
" Oi Maxhie, anong nangyari dyan sa kamay mo?" Tanong ni Riana. May parang dugo sa kamay niya. Baka naman nakapatay to? Joke lang.
" Napaaway ako kanina. Baka dugo to ng ilong niya." Sabi niya at inalis ang stain ng dugo. Bakit kaya maaga Napaaway ang isang to? Nasobrahan ang pagka amazona simula nung nareject ni---- Ay wala pala.
Nakarating na kami sa classroom ng nagbell. Pumasok kami at ang tahimik nila. Well sino bang Hindi tatahimihk pag nakaharap mo ang Royals? Nastarstruck na naman sila. Ang hirap talaga maging maganda.
Umupo na kami sa likod. Magkatabi kaming apat. At sa kasamaang palad, katapat namin ang Rebels. Yun nga lang, wala pa sila. Late na naman sila. Sigurado ako.
" Good morning class." Bati ni Ms. Jimenez.
Hindi kami sumagot.
" Ay oo nga pala, Miss M-Maxhiene.... P-pinapatawag ka sa principals office." Sabi ni ma'am. Takot talaga ang mga guro na banggitin ang ang pangalan ni Maxhie. Takot nalang nila mawalan ng trabaho.
" Bakit na naman?" Tanong nito.
" P-para daw sa p-pageant next month Miss." Sabi niya.
" Kita nalang tayo sa cafeteria." Sabi niya at tumayo na. Palabas na sana siya ng bumukas ang pinto. Pumasok ang Rebels.
" GOOD MORNING." Sigaw ni Josh. Napairap naman si Riana.
" Ay Hindi. Good afternoon dapat." pagpaparinig niya. Lumingon sa kanya si Josh.
" Kinausap ba kita?" Tanong niya kay Riana.
" Ikaw rin ba ang kausap ko? Sinabi ko ba ang pangalan mo?" Tanong ni Riana. Napa- ohhhh.... Burn ang mga lalaki. Natawa naman ang iilang babae.
" Ay oo nga pala Mr. Rishon Jung... Pinatawag ka rin sa office." Sabi ni ma'am.
Hindi sunmagot si Rishon at tumalikod.
" Kita nalang tayo sa cafeteria." Sabi niya at UMALIS. Gumaya pa talaga sa linya ni Maxhie.
Umupo na ang tatlo sa tapat namin.
" Ang papanget talaga nila noh?" Bulong ni Riana sakin. Nasa kaliwa ko siya. Habang nasa kanan ko si Aira. So bale nasa kaliwa ni Riana si Maxhie naka upo.
Akala niya Hindi maririnig ni Josh ang sinabi niya pero narinig pala niya. Obviously.
" Hay Naku.... Ang mga tao talaga ngayon. Naiinsecure.. Palibhasa kasi, ang PANGET NIYA." sabi naman ni Josh.
Tumayo si Riana. Warfreak pala tong si Riana. Nakalimutan kong sabihin.
" Oh really... Kaya pala Patay na patay ka sakin noon." Tama. Umamin yang si Josh kay Riana noong freshman year namin. Kaya lang, mas pinili niya kami kesa kay Josh. Gals before guys nga eh.
Tumayo din si Josh.
" Alam mo yung past is past and never to discuss? " sarkastikong sabi ni Josh. Ngumisi si Riana.
" Alam mo yung MOVE ON? Gamitin mo Para Hindi ka na masaktan." Nakangiting sabi ni Riana. Wala talaga tong pakialam kung masaktan ang isang tao sa mga sinasabi niya.
Magsasalita na sana siya ng biglang may kumatok. Ag panira ng moment.
Bumukas yun at pumasok ang isang babae na maamo ang mukha. Maganda siya pero mas maganda pa rin ako. Hmp.
" What can I do for you miss?" Tanong ni ma'am.
" A-ano.... Ito po ba ang 3-A? Medyo naliligaw po kasi ako eh." Sabi niya.
" Oh I'm sorry miss but this is class 4-A.... Nasa ----." Naputol ang sasabihin niya kasi sumingit si Josh.
" Risha? " tanong nito..... Teka....
O__________________O siya ba yun?!!
Napalingon si Risha kay Josh. Nanlaki ang mata niya.
" Kuya Josh. Andito pala kayo." Nakangiti niyang sabi. Napatingin din siya kay Riana na nakatayo rin. Nanlaki ang mata niya
" A-ate Riana..." Bangit niya.
" Risha?! Ikaw ba yan?!!" Sigaw ni Riana. Ang oa niya masyado.
" Ay Hindi. Si Naruto yan." Bara ni Josh kay Riana. Napairap nalang si Riana.
Tumayo sina Michael at Dylan, isa rin sa Rebels at naglakad papunta kay Risha.
Hinila nila si Risha sa labas. Sumunod naman si Josh. Hindi na kami lumabas. Kasi wala naman na kaming ibang koneksyon kay Risha. Matagal nang nawala.
" Bumalik na pala siya." Sabi ko at umupo na si Riana.
" Kita mo nga siya sa pinto kanina diba?! Bulag lang?" Aish. Palagi nalang ba?!
Hindi ko siya pinansin. Masasayang ko lang ang laway ko sa kanya. Hmp.
_____________________
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...