23: In One Table

659 18 1
                                    

Josh's Pov

" Tapos na rin!" Sigaw ko sabay upo sa sahig. Ganun rin sina Michael. Grabe. Apat na oras din kami naglinis. Sobra naman kasi sa laki tong Raven High. Kung sabagay, mayaman naman si Lola M. Hindi lang mayaman, kundi SOBRANG YAMAN! Biruin mo? May higit 50 na restaurants at sampung mall? At may higit 20 hotels na pagaari. May company pa. All over the world. Hanep talaga. Ipagsama daw ba ang dalawang malalaki at malalakas na kompanya sa buong bansa. Ang Jan Empire and Park Enterpises. Tsk.

" Ano na kaya ginagawa nila ngayon? Tapos na ang break time. Mamaya pa ang lunch break so dapat Math na ngayon." sabi ni Dylan habang tinitignan ang relo niya.

" Malamang nasa classroom. Alangan namang nasa bahay. Ano yun? Dismissal agad?" Pangbara ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

" Kinakausap ba kita?!" Inis niyang tanong.

" Eh anong tawag diyan? Nakikipagboxing?" Hindi nalang siya sumagot at hindi na pinansin. Manghahamon na nga lang, wala namang binatbat. Hay.

" Tambay muna tayo sa library. Malamig dun." Aya ni Michael.

" Malamig rin naman sa classroom ah. Air conditioned kaya lahat ng rooms dito." Sabi ko.

" Kelan ka pa naging good boy at mas gugustuhin mong makinig sa boring na teacher?" Tanong ni Rishon.

" Bakit ba? Nagsasuggest lang naman."

" Mga suggestions mo, bulok." Sabay nilang sigaw. Ge lang. Madapa sana kayo.

Naglakad nalang kami papunta sa library. At nang makarating kami dun, natigilan kami. Kasi isang babaeng sobra ang kasungitan, kamalditahan, kaangasan at kasadistahan ang nasa loob. Ang nagiisang Maxhiene Park lang naman ang nasa harap namin. Nagaayos siya ng mga libro at halata sa mukha niya na naiinis na siya. Nakakatakot pa naman to pag naiinis at nagagalit.

Nang mapansin niya kami, mas sumimangot siya.

" What are you ugly monkeys doing here?!" Inis niyang tanong.

" Bakit? Pagaari mo ba ang library?" Tanong ni Rishon. Go bro. Ill support you till your last breath. At alam kong ito na ang huli. Nagtaas siya ng kilay.

" Hindi, pero as far as i know, you have classes." Mataray niyang sabi. Nagmana nga talaga siya kay Tita Xhiena. Mabuti pa si Maxson, mabait.

Sigurado ako na kaya siya andito kasi, pinarusahan to malamang ng mommy niya. Siya lanc naman ang nagpapagawa kay Maxhiene ng mga bagay na hindi nito gusto gawin.

" Since when did you care?" Tanong ni Rishon. Nag smirk si Maxhiene.

" I never and will never care. I just dont want to see your ugly faces here." Sabi niya at nagkibit balikat saka tinuon ang attention sa pagaayos. I admit, maskit yun. Apakan daw ba pride ko?! Ako?! Na ubod ng kagwapuhan, tinawag na panget?!

Hindi na kami umimik at naglakad nalang papunta sa sulok ng lib. Sarap matulog dito kasi tahimik.

Iidlip na sana kami ng bumukas ng malakas ang pinto kaya napaupo kami ng maayos. Peste namn oh.

" WHAT ARE YOU REBELS DOING??! WHY ARENT YOU IN YOUR CLASSES?! GO TO YOUR CLASSROOMS NOW! AND YOU, MAXHIENE PARK! LEAVE THAT AND GO BACK TO YOUR CLASS! MOVE IT!!." Agad kaming tumayo at naguunahan sa paglabas. Si Maxhiene naman, iniwan ang mga libro saka cool na lumabas.

Nauuna siyang naglakad kesa samin. Paano ba naman kasi, tinulak niya si Rishon at ako kaya mas nauuna siya. Lintek na babae to.

Napatingin ako kay Rishon na panay ang pagtitig kay Maxhiene. Bakit kaya? Hmm.

Nang malapit na kami sa classroom, nagtaka kami kung bakit tahimik sila. Bakit?

Nang buksan namin este ni Maxhiene pala ang pinto natigilan kami. Bakit siya andito?!

" T-tita T-tanya... B-bakit po kayo.. nandito?" Tanong ni Maxhiene na medyo nauutal. Tita Tanya, Trixie's mom, smirked. Kakaiba talaga tandem ng Amazona 8.

" Its pretty quite obvious na ako ang kinuha ni Tita. She wants US to control section 1 and section 12." Sabi niya.

" Pero, tita.. kami ni panget ang nagbabantay sa ngayon ng section 12."sabi ni Maxhiene. Ngumisi si tita.

" Hindi na kailangan. May nagbabantay na sa kanila." Sabi ni tita. Mabuti pa tong si tita Tanya. Mabait.

" Oh? Ano pang tinutunganga niyo diyan?! Umupo na kayo sa upuan niyo!" Sige. Binabawi ko na ang sinasabu ko. Medyo na lang pala.

Agad kaming umupo. Pero as usual, tinulak kami ni Maxhiene kaya siya ang nauna. Kaasar talaga to minsan. Ay hindi pala. Palagi nalang.

" So, lets start our topic. Alright?" Nakasmirk niyang sabi. Nakakakilabot. Brrrrr.



Time skip

" Bye, stupidents." Nakangising sabi ni tita Tanya bago lumabas.


" Sa wakas! Tapos na rin! Haha."' Tawa ko. Grabe ang takot na nararamdaman ko kanina. Parang hindi ako makahinga eh. Nakakatakot kasi si tita Tanya.

" Tara lunch na tayo." Aya ni Dylan. Tumango kami. Napatingin ako dun sa kanan at nagtaka ako kung bakit kausap ni Maxhie si Trixie habang nakayuko lang si Aira. Luh? Magkagalit? Paki ko naman? At saka.. bakit kaya wala si Riana? Eh ano naman? Mabuti nga at wala siya. Baka masira lang araw ko. Nakakainis pa naman mukha nun.


Nang makalabas kami ng classroom, nakita namin si Risha at Maxson dun na nakatayo sa gilid ng room namin. Ginagawa nila dito?


" Oi Hyung..." tawag nila. May nararamdaman talaga akong kakaiba sa dalawang to. Ay baka gutom lang to.


" Ano ginagawa ni--." Naputol sasabihin ko ng may tumulak sakin. Paglingon ko, si Maxhiene at nasa likod niya sina Trixie at Aira.


" Wag ka kasing haharang harang. Stop acting like you rule the place at basta ka nalang magstastand by dito. Loser." Masungit niyang sabi.

" Noona!" Tawag sa kanya ni Maxson. Napalingon siya dun at nanlaki ang mata niya. Ha. Tignan lang natin paghindi ka mabuking. Inaway mo kasi si poging ako.


" W-what are you doing here? Kanina ka pa?!" Kinakabahan niyang tanong. Tumango si Maxson.


" Thats not nice, Noona. Kaibigan mo si Hyung Josh kaya dapat hindi mo siya laitin." Sabi ni Maxson. Go Maxson! Ipagtanggol mo ako!


" Ahh.. Nakasanayan lang namin laitin ang isat isa. Diba, JOSH?" Sabi niya sabay tingin sakin at pinanlakihan niya aki ng mata. Hindi ako sumagot kaya palihim niya akong sinipa! Ng malakas!

" ARAY!!!" sigaw ko at napahawak sa tuhod ko. Nakita ko ang pagngisi ni Maxhiene. Peste.


" Napano ka?" Bored na tanong ni Rishon. Wala man lang bang konting awabg nararamdaman to sakin? Nasipa na nga ako eh!


" Wala lang yan. Maarte kasi yan at weak. Baka kinagat ng langgam." Palusot ni Maxhiene. Siya ba kausap?! Hindi naman diba?!


" Ah okay... Tara, sabay tayo maglunch." nakangiting sabi ni Risha na nagpalaki ng mata namin. Ish, matalino ka at magaling pumili ng mga desisyon sa buhay pero ito na ang pinakamaling desisyon na ginawa mo!


" Oo nga. Para naman magkabonding tayo." Sabi naman ni Maxson. Akala ko ba, kampi ka samin Max? Bakit ganito ka? Wag please.


" S-sure." Sabi nalang namin. Hay. Ang hirap talaga magpanggap. Baka pumangit ako nito. Pero syempre joke lang. Ang isang gwapo, katulad ko, hindi pumapanget. Pero mas lalong gumagwapo! Haha.

Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon