Dylan's POV
Damn! Ang hirap ng sitwasyon namin. Bakit ba kasi naging ganito kami?! Darn. Sana pala Hindi ako naging selfish. Oo inaamin ko na may pagkaselfish ako but never akong naging masamang tao.
" Mauna na kami... Xhiena, about the plan okay?" Tanong ni Tita Tanya,Mommy ni Trix. Tumango si Tita Xhiena.
" Of course.. I'll let Mama know about the update." Sabi niya. Nasitanguan ang mommies namin habang napapailing ang mga daddies. Okay?
" Okay... We'll look around the place next week. I'll see you by then." Sabi ni Tita Aila.
Nagbeso ang mommies namin at nagbro fist ang mga daddies namin.
" Mauna na kami Tito Matt... Tita Xhiena." Sabi ni Risha at nag bow.
" Okay. Ingat kayo... And it's nice to see you again Risha." Sabi ni Tito Matt. Favorite niya kasi si Risha as a daughter in law. Para siya kay Maxson.
" Mauna na kami... Bye... Good night." Lumabas na kami ng mansion nila.
Nakasabay namin sina Trix, Aira at Riana. Ang awkward lang kasi nasa tabi ko si Trix at mukhang wala naman sa kanya na magkatabi kami. Wala na ba ako para sayo, Trix?
Pumasok na kami sa kanya kanyang kotse. Pumasok ako sa kotse ko at sina Mommy dun nalang sa limo nila.
Hindi pa ako umalis kasi tinitigan ko si Trix habang Kinakausap sina Aira bago pumasok sa limo nila.
Habang makikita ko siyang tinatalikuran ako, isa lang ang nangyayari....
Isa isang bumagsak ang mga luha ko... Yeah. I'm a bad boy. Basagulero minsan. I'm a well known Rebel for Pete's sake. But, I freaking cry and I don't care kung anong sabihin ng iba. Sino ba naman kasi ang Hindi iiyak pag makikita mo ang babaeng mahal mo na wala ng pakialam?
" I'm sorry Trix... Please naman bumalik ka na sakin Oh...." Bulong ko sa sarili ko. Apat. Apat na taon na ang nakalipas nang naghiwalay kami. Pero hanggang ngayon, siya pa rin. Siya lang. Wala ng iba. Sinubukan ko man mag move on kagaya niya, Hindi ko magawa kasi, mahal na mahal ko siya. Sobra pa sa akala niya.
Hindi ko siya pinagpapadesisyon noon kasi, baka isang araw humiling siya na makipag hiwalay sakin. Kaya ayaw ko siyang payagan magdesisyon. Kasi natatakot ako. Natatakot akong iwan niya. Mahal ko eh.
Pinunasan ko ang mga luha ko at nagdrive na pauwi. Habang nagdadrive ako, nag ring ang phone ko. Kumunot agad ang noo ko. Sino ang matinong tao ang tatawag ng 11 sa gabi?!
Kinuha ko yun at sinagot. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.
" Hello?"
[ Hyung... It's Maxson.]
" Oh bakit? May problema ba?"
[ Kayo dapat ang tanungin ko niyan. May problema ba kayo nina Noona?]
Kahit kelan talaga. Hindi man matalino, nababasa niya ang lahat ng nangyayari. O baka naman, obvious lang talaga? Ewan.
Pero back to the topic, Hindi pwede malaman ni Maxson at Risha ang nangyayari.
" Wala. Bakit mo natanong?"
[ Ah... Kasi ano, Hindi kayo nagpapansinan ni Noona Trix. Diba kayo pa rin?]
Sana nga eh. Pero Hindi. Hanggang alaala ko nalang yun.
" Ah... O-oo kami pa rin... Kaso may tampuhan kami kaya ayun.. Pero Wag kang magaalala, kami pa rin."
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...