Maxhiene's POV
" WAAAA. Ang daya naman.. Gusto ko pumunta ng Section 12!" Reklamo ni Riana pagkatapos kong ikwento sa kanila ni Trix. Gusto niya kasing mambully ng hindi mahina o iyakin. Mga matigas kung baga ang puso.
" Edi mag request ka kay Halmoni." Sabi ko.
" Okay na sana eh, kaso kasama mo si Rishon? Di kaya awkward yun?" Tanong ni Trix.
" Trix, alam mo yung past is past?" Sarkastikong sabi ko. She sighed.
" Alam ko pero kasi... Never mind." Sabi niya at sumandal nalang sa upuan niya.
" Ilang araw daw kayo magbabantay? " tanong ni Riana.
" 2 weeks lang naman. By then may papalit na kay Miss. Judy." Sagot ni Aira. Bumalik na naman ang pagtataka ko kanina.
Bakit nga ba nakangiti si Aira habang nakatingin kay Michael? Baka may re----
" Eh paano na ang sa performance?" Tanong ni Trix. Ay oo nga pala.
" Practice nalang tayo every dismissal. Tapos punta kayo ngayong Saturday para pagisipan natin ang about sa songs." Sagot ko.
" What about the Rebels? Kasali kaya sila." Singit ni Riana. Oo nga. Nakalimutan ko.
" Bahala sila. We decide. Bahala na sila sa mga sarili nila. Tayo nalang magisip ng songs at ipapasabi ko nalang kay Risha at Maxson na sabihin sa Rebels." Sabi ko at uminom ng shake ko. Nagpabili kasi ako sa kaklase ko. Tamad na akong pumunta sa cafeteria eh.
" Okay rin yan." Sabi ni Trix.
Hay. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko ngayon. Mga tanong na hindi ko masagutan.
Bahala na nga kung anong mangyari bukas. Hello Section 12, your leader is back on track. Hehe
(=u=)
__________ Time Skip __________
Shit! Late na ako! Aish. Kasalanan to ng mga movies na pinanuod ko eh. Tinapos ko pa kasi ang tatlo eh. Ayan tuloy, napuyat ako. Mabuti nalang at Hindi halata ang eye bags ko at staying pretty as usual ang fes ko.
Andito ako sa school at papunta na sa section 12. Ako nalang ata ang naglalakad dito. Sabagay, start na ng classes eh. Kasalanan rin to ng maid namin. Hindi daw ba ako ginising?! Pero kasalanan ko naman kasi binatuhan ko pala siya kanina ng lamp shade. Nabasag tuloy.
Malapit na sana ako sa section 12 pero naisipan kong pumunta muna sa room ko. May sasabihin pa pala ako.
Pumunta ako sa section 1. Wag kayo. Nasa Star Section kaya ako. Because I'm so maganda. Wahahaha.
Hindi na ako kumatok at binuksan ang pinto kaya Natahimik sila. Nandun na rin ang English teacher namin. Bahala siya dyan.
" M-miss Maxhiene... Di ba po nasa section 12 ka kasi babantayan mo sila?" Nag-gasp naman ang mga OA kong mga panget na mga kaklase.
" I'm not stupid like you so shut your mouth." Sabi ko at lumapit kina Aira. Tumayo lang ako.
" Punta tayo sa bahay mamaya. Dinner. Family. Ge." Sabi mo nalang at naglakad na paalis pero nag flip hair pa ako para dramatic exit. Inutusan kasi ako nina Mommy na papuntahin sina Aira kasi off daw ang phones nila. Palagi namang ganun eh. Twice a month kami kumakain ng sabay along with my parents barkada. At kasama na diyan ang parents ng Rebels. At pag sinabi kong Rebels, malamang kasama sila. Shunga lang? Psh.
Pumunta na ako sa section 12. At wala pa ako sa tapat ng room nila, rinig ko na ang sigawan nila. Di ba nila alam na nakakaistorbo sila ng mga klase? As if ako Hindi. Silly me. Palagi ko naman iniisturbo ang iba eh .
Binuksan ko ang pinto at napatingin naman sila sakin. Nandun si Pres. Ugly and Rishon.
' Witwew..'
' Hot chick on the room yow!'
' Chickababe on the way!'
' Yow lady Maxhiene, sit beside me!'
Beauty problem na naman. Ang hirap talaga maging maganda. I just rolled my eyes. Naglakad ako papalapit kay Pres. Ugly at Hindi ko pinansin si Rishon? Who is he for me to notice diba? Tsk.
" What are we gonna do?" Tanong ko. Inabot niya sakin ang isang notebook. Ano gagawin ko dito? Hindi ba niya alam na madami ako nito?
" Ano gagawin ko dito?" Tanong ko?
" N-nandyan na po labag Miss Maxhiene. Dyan po nakasulat ang lahat ng gagawin niyo." Sabi niya. Binuksan ko ang notebook at nandun nga ang mga activities namin for today
" K. Fine." Sabi ko at nagflip hair. Nag wolf whistles naman ang mga boys. Tama. Mga lalaki lang ang nasa section 12. Gulat kayo? Ha-ha.
" Ano.. Mauna na ako miss Maxhiene, sir Rishon." Sabi niya at nagbow bago umalis. Takot din kasi yun sa section 12 eh. Humarap ako sa buong section only to see them all staring at me. I raised my left brow.
" I know I'm pretty, don't need to make it obvious." Sabi ko at inirapan sila. Nag sigawan naman sila.
May isang lumapit sakin. As far as I remember, this guy is Brent. Playboy among all Playboy's. Lumapit siya sakin t inakbayan ako. Naginit naman ang ulo ko.
" Hey, long time no see Maxhie babe. Wanna have a date with me later?" Tanong niya. At talagang pina husky niya ang boses niya. As if may effect sakin ang playboy na to. In his dreams.
Tinanggal ko ang pagkakaakbay niy sakin at sinuntok siya sa mukha. Naupo naman siya. I smirked and put my hands on my waist.
" Sorry dear, but I don't date ugly jerky monkeys like you." Sabi ko. Nakalimutan na ba nila? Im the daughter of Matt and Xhiena Park. The most popular GANGSTER and most violent woman in the whole Raven High's gorgeous daughter. No one messes up with me.
Humarap ako sa buong section twelve at ngumiti ng matamis.
" So, class.... Let's begin the journey on going to hell, shall we?" I smirked when I saw them flinch.
Sorry sila because isang Maxhiene Park pa ang magbabantay sa kanila. Wala akong sinasanto. Bahala sila magdusa. I don't care and I won't care.
Narinig ko nalang na may sumigaw. Napatingin kami sa likod ng classroom at nanlaki ang mata ko kasi nakita ko si Rishon dun kasama si Brent na ngayon ay nakahiga sa sahig at duguan ang labi. Nakatayo si Rishon sa harap niya na walang kahit anong expression ang makikita mo.
Nagtaka tuloy ako kung bakit nasa likod na sina Rishon at Brent samantalang nagsasalita ako ng hindi ko napansin. At bakit naman sinuntok ni Rishon si Brent? Baka naman trip lang niya. O baka naman may kasalanan tong si Brent. O sadyang trip lang nila magsuntukan habang nagsasalita ako? NAINIS ako.
Kasi parang nabastos ako kasi, HINDI NILA AKO PINANSIN HABANG NAGSASALITA AKO! Aish.
________________________________
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...