Riana's Pov
" Maam Riana, baba na daw po kayo." Sabi ng katulong. Inirapan ko siya.
" Alangan namang hindi ako bababa. Paano nalang ako papasok sa school? Tatalon sa bintana? Ge. Mauna ka." masungit kong sabi. Yumuko nalang siya. Hindi ko na siya pinansin. Baka uminit lang ang ulo ko sa kanya. Wag lang niyang maisipan dumagdag sa problema kasi may isa pa akong malaking problema.
Bumaba na ako at naabutan ko si mommy na nakasuot ng parang pangteacher at uniform pa ng staff sa Raven High. Trip niya?
" Mommy, anong trip mo at naisipan mong magpanggap na staff sa RH? Feeler ka din." Sabi ko sabay upo sa upuan. Alangan namang sa sahig? Psh. Ngumiti si mommy.
" Kamusta ka na baby? Okay na pakiramdam mo?" Luh? Ibahin daw ba ang pinaguusapan. Pero anyways, oo nagsinungaling ako kay mommy na masama ang pakiramdam ko. At dahil kay daddy, at dahil a daddy's girl ako, napilit niya si mommy na pabayaan akong magpahinga.
" Yeah okay na ako. Back to the topic. Ano ba yang suot mo?"
" Damit." Aish. Ngayon alam niyo na saan nagmana kapilosopohan ko? Sa dakila ko lang namanng mommy. Ewan ko at saan ako pinaglihi.
" Mom naman eh. Halata namang damit yan! Alangan namang plastic bag." Sabi ko. Bigla namang tumawa si dad ng malakas. Luh? Baliw talaga talaga parents ko.
" Hahahahahaaha... wala ka na pala binatbat sa anak natin, manananggal ko." Natatawa talaga ako minsan sa tawagan nila. Aswang ko at manananggal ko. Bwahahaha. Hindi naman talaga nila yun endearment. Pag nangaasar lang sila sa isat isa, yan ang tawagan nila. Weird noh? Haha.
" Bahala ka dyan. Panget ka naman, aswang ka!" Sigaw ni mommy. Natawa nalang kami ni dad. Pero teka nga!
" Mom? Kung sasagutin mo ako, hindi dadating sa punto na aasarin ka ni dad kaya sabihin mo na." Sabi ko. She smirked.
" Teacher na ako baby." Nabitawan ko bigla ang kutsara ko. Nabingi yata ako.
Si mommy? Teacher?
" Pffffft..... HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAH" tawa lang ako ng tawa. Grabe. Naluluha na ata ako. Bwahahahaha.
" Baby, anong nakakatawa?" Nakasimangot na tanong ni mommy.
" Hahahah... Sure ka mom? Ikaw? Pfft.. hahahaha." Di ko lubos maisip na si mommy bilang isang teacher. Haha. She's more of a business woman kasi.
" What? Anong masama dun?" Tanong niya. Umiling nalang ako. Haha.
" So.. kayo lahat nina tita ang nagtuturo dun?" Tanong ko. Tumango siya.
" I still cant believe it. Kung si tita Tanya siguro aba, talagang teacher na." Sabi ko. Inirapan naman ako ni mommy.
" Aish. Tara na nga. Sumabay kana sakin." Sabi ni Mommy at tumayo nagpaalam na ako kay daddy. Alam kong pupunta yan sa opisina ngayon. Nothing new.
Sumakay nalang ako sa limo. Arte kasi nitong si mommy. Tinatamad magdrive. Ayaw niyang ako ng magdrive na kasama siya kasi daw baka mahaggard beauty niya. Meron ba siya nun? Haha.
Pagdating namin sa school, pinagtitignan kami. Ano pa nga ba? Pero may naalala ako.... Oh yeah. Aira. A problem na naman.
Naglakad na kami. Alangan namang ipasok namin ang limo sa loob ng building. Tanga ka nalang kung iisipin mo pa kung kakasya ang limo dun.
" Bye na baby." Sabi ni mommy. Nasa kabila pa kasi ang faculty room. Tumango lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Umalis na agad siya at nagsimula na akong maglakad papunta sa room.
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Novela JuvenilRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...