43: Is It Back?

575 20 0
                                    

Maxhiene's Pov

" Trix, lets talk." Sabi ko. Kahapon kasi, di ko siya nakausap. Iniwasan talaga kami.

Hindi niya ako nilingon pero huminto siya sa paglalakad. Andito kami sa hallway. Nakasalubong ko siya pero ang cold ng aura niya.

Di na niya ako pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad. Ako pa talaga tinatalikuran ng babaeng to?! Grrr.

Malakas kong hinablot ang kamay niya and tinulak siya sa locker.

" What the hell do you want,Maxhiene?!" Inis niyang sigaw kaya napatingin na sa amin ang iba. Mga chismosa talaga. Bahala nga muna sila.

Humarap ako sa kanya and sinamaan siya ng tingin. Ginantihan naman niya ako.

" Ako pa talaga tinatalikuran mo ha?!" Sigaw ko. Ayaw na ayaw kong tinatalikuran ako and aalis. Bastos kaya yun! Ako dapat ang bumabastos! Hindi ako ang binabastos.

" Eh ano naman? You think i care kung ayaw mong natatalikuran? Eh ako nga, tinatalikuran niyo. Tapos ano, di ako magagalit?!" natahimik ako dun.

" Trix.." sabi ko. Ngumisi siya. It was obviously fake.

" Trix? Excuse me Miss Maxhiene Park pero, wala nang ibang pwedeng tumawag sakin niyan kundi si Brent at pamilya ko." Sabi niya and binangga ang balikat ko bago umalis. Naiwan akong nakatanga dito. Brent? As in Brent Freaking Garcia?!

***

" Where is she?" Tanong ni Riana pagkalabas ko ng classroom. Napabuntong hininga nalang ako.

" Di ko alam." Sabi ko and naglakad na papunta sa cafeteria. Habang papunta dun, nakita ko si Risha kasama ang isang lalaking di ko kilala. Himala at di sila magkasama ni Max. Baka may ginagawa yun. Ewan.

Magkasama kami ni Aira at Riana. Di lang kasama si Trix. Naging ilap na siya samin. Kanina nga, di kami pinansin. Kaya ang naging dahilan? Naging awkward lang naman.

Malapit na kami sa cafeteria ng may nakaagaw ng atensyon ko. Kaya napatigil ako and agad na nanlaki ang mata ko. Di ko alam pero, sa isang lugar, dalawang beses ako nasaktan.

Parang naparalisado ako and di na makagalaw. Seriously...

TOP  2  HOT NEWS!!!!!

1.) Rishon Jung, the Baddest Boy of Raven High was caught kissing a girl  near the janitor's room. Are they in a relationship? Who is the mysterious girl? Is she his real girlfriend? Or just a fling like any other?

2.) ROYALS are BREAKING APART! Yesterday, Trixie Ramirez insulted Aira Aseros and Riana Bautista. One of the journalism club also saw that they were not noticing and talking to each other. Is it true?


Then may picture sa cafeteria kung saan nagalit si Trix at umiyak si Aira. And ang last... Rishon kissing a girl.. di ko alam pero biglang bumigat ang dibdib ko. Pero, ano naman paki ko pag may kahalikan siya? Wala naman so bahala siya.

Pero shit! Di ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba, apektado ako masyadp?! Wala naman akong paki sa kanya diba?! Argh.

" Maxhie,.okay ka lang ba?" Tanong ni Aira and hinawakan ako bigla sa braso.

" Y-yeah.." sabi ko and iniling ang ulo ko. Biglang sumakit ang ulo ko. Parang nahihilo ako.

" Maxhie.. Namumutla ka! Okay ka lang ba talaga?!" Tarantang tanong ni Riana. Humarap ako sa kanya pero biglang lumabo paningin ko. Napalingon ako sa harap and di ko alam pero biglang bumuhos ang luha ko ng makita na pagkalingon ni Rishon sa babaeng kumapit sa kanya, nagkiss sila.

Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon