Michael's Pov
Sa wakas! Napansin na rin ako ng author!
(A: Of course! Cause im so mabait ( ̄▽ ̄) )
Weh? Di nga? Aminin mo na lang miss author na may favoritism ka!
( A: Pag ako, ininis mo aba, maalis ka talaga sa favoritism list ko.)
Sabi ko nga favorite mo ako. Kasi nga, gwapo ako! Haha
( A: Ge push mo yan. Bilisan mo na at ipatuloy mo na ang storya!)
Oo na nga! Hmp. Oh, kilala niyo naman siguro ako diba? Ako lang naman ang nagiisang Michael Lee. Gwapo, matalino ( ge push ko to), mabait at syempre, BAD BOY. I wont be a Rebel if im not. Hindi naman talaga kami mga salbahe kagaya ng iniisip niyo. May puso pa naman kami. Katulad ko, kilalang player pero ang hindi niyo alam, marunong akong tumino. May girlfriend nga ako eh. Kaya maniwala kayo sa kasabihang ' Dont judge the book by it's cover '. Baka kasi mapahiya kayo sa bandang huli. Tamang hinala, maling akala naman. Bakit ba kasi ganun ang mga tao? Agad agad na nanghuhusga. Hindi naman nila alam ag buong estorya.
Kagaya nalang ng kay Maxhiene at kay pareng Rishon. Akala ni Maxhiene na hindi siya gusto o mahal ni Rishon kahit kaibigan man lang. Pero hindi niya alam, palihim siyang minamahal ng torpe na nga, medyo gago ko ring kaibigan. Mga pakipot kasi. At saka matataas ang pride at manhid. Ayun, nawala ang relasyon na meron sila. Ang maging Mag Best Friends.
Si Trixie at si Dylan naman. Aba, ibang estorya to. Hindi to usapang katorpehan, taasan ng pride o kamanhidan. Isang MISUNDERSTANDING lang naman ang nangyari sa kanila. Ito kasing magaling kong kaibigan na si Dylan, ayaw na ipagdesisyon si Trixie. Takot kasi ang gago na baka isang araw, magdecide si Trixie na naghiwalay sila. Ayun, nagalit naman si Trixie kasi akala niya, masyadong protective si Dylan. Para bang sinasakal na siya masyado. At unfair daw kasi si Dylan, palaging nagdedesisyon para sa kanya. Eh meron daw kako siyang sariling buhay. Kaya nakipaghiwalay siya. Para naman daw makahinga na siya. Ayun, nasayang lang ang relasyon nila. Kahit mga bata pa yan, naku, magjowa na yan. Mga mature na daw magisip eh ang baba naman ng pangunawa nila.
At syempre ang mag ex-bestfriends. Aba, ewan ko kung sino ang may kasalanan sa kanila. Basta kahit may ideya ako, wala pa rin akong kakampihan. Pareho ko silang kaibigan. Si Josh, alam kong nasaktan siya ng todo. Ikaw ba naman masabihan ng immature at childish. At talagang galing pa sa bestfriend niya. Alam kong naisip niyang parang kahit kelan walang magmamahal sa kanya. Kasi ganun siya. Iisipin niyang hindi siya karapat dapat. Alam kong sobra siyang nasaktan. Kaya ayan, hindi na umibig ulit. Natakot masaktan muli. Pero halata namang hindi nakamove on kay Riana. Si Riana kasi ang klase ng taong sasabihin talaga ang gusto niyang sabihin. Wala siyang pakialam kung masaktan ang taong sinabihan niya nun.
Yung sitwasyon namin ni Aira? Alam namin na magagalit ang mga kaibigan namin pag nalaman nilang nagsinungaling kami pero we took the risk. Alam namin ang ginagawa namin. We are just doing this because we love each other. Inintindi namin pareho ang sitwasyon nilang lahat. Hindi kami nagpatinag sa mga nangyayari. Hindi kami kumakampi sa kahit sino man sa kanila. Kaya kami nasa Royals at Rebels para ipakita na may kaibigan sila. Kasi kami lang naman ni babe ko ang walang problema eh. Dinadamayan lang namin ang mga kaibigan namin.
" Dude, nastroke ka na ba kasi matanda ka na at hindi ka gumagalaw?"tanong ni Josh. Binatukan ko nga. Sabihan daw ba ako ng matanda? Eh sa gwapo kong to? Psh. Insecure kasi tong gagong to kasi mas baby face ako kesa sa kanya. Bwahahaha.
" Gago! May naisip lang." Sabi ko.
" Wow. First time to ah. Tara at mag celebrate tayo kasi nagiisi--- ARAY!!" binatukan ko nga ulit. Ano tingin niya sakin? Hindi marunong magisip?
" Tumahimik ka diyan! Ikaw nga tong wala sa katinuang isip eh. Palibhasa, baliw ka!" Sigaw ko sa kanya. Natawa naman siya. Baliw nga talaga.
" Bro, ang mga gwapo, matitino talaga. At hindi ako baliw. Ang mga babae ang nababaliw sakin. Aba, ang gwapo at hot ko kaya." Ang yabang talaga nito kahit kelan.
" Ulol. Bahala ka. Libreng mangarap." Sabi ko at sumunod na kina Rishon.
Mga plastic talaga ang mga to. Akala mo naman ako hindi. Psh. Pero pwede naman kasing sabihin nalang nila na hindi na sila magkakaibigan. Mga takot kasi sila na baka magbago ang pananaw nina Maxson at Risha. Eh halata namang alam na nila. Hay.
Naglakad kami patungo sa isang table. Alam kong labag sa kalooban ng Royals, maliban kay Aira na umupo kasama kami. Pero they need to.
" Oi, Hyung, samahan mo naman ak--." Naputol ang sasabihin ni Maxson kasi may pitong nerds ang lumapit samin at nilapag ang usual naming kinakain. May mga alalay na kasi kami dati pa.
" Ay andaya! Kayo meron na samantalang kami, pipila pa lang." Nakapout na sabi ni Risha.
" Bakit kayo binigyan?" Nagtatakang tanong ni Maxson. Hala. Paano na to?
" Ah... Ano. Kasi.. Alam mo namang popular kami diba? Kaya ganun. Oo." Nauutal na sabi ni Trix. Tumango nalang si Risha at Maxson.
" Sige, pila muna kami." Aalis na sana sila kaso nagsalita si Josh.
" Samahan ko na kayo. Para mas mabilis." Sabi niya sabay tayo. Naiwan naman kami, na tahimik. Napatingin ako kay Aira pero nakayuko lang siya. Napatingin ako kay Maxhiene at nakita kong nakatingin din siya sakin habang nakangisi. Alam kong alam niya. Halata kasi eh. Tumingin siya saglit kay Aira at sa akin na naman. Kita ko ang pagkairita sa mukha niya.
Nagsimula nalang kaming kumain. Pero tahimik lang. Kaya rinig namin ang mga bulung bulungan.
" Bakit sila nasa iisang table?"
" Diba ayaw nila sa isat isa?"
" Ang weird."
" Pero parang nakita ko yung kapatid ni Maxhiene kanina. Si Maxson ng class 3-A."
" Oo nga. Kasama yung isang girl din dun eh. Parang kapatid ni Rishon."
Diba dapat, ang bulong, hindi naririnig ng iba? Eh bakit rinig na rinig namin? Tanga nga naman. Wala na ba silang ibang magawa? Hayz.
" Ang tahimik niyo ata, Noona?" Tanong ni Maxson ng makabalik sila. Umupo na sila.
Napansin ko na parang mah gustong sabihin si Maxhiene pero parang nagdadalawang isip siya. Napabuntong hinibga siya at saka tumayo.
" I've had enough of pretending." Sabi niya na nagpagulat samin. Akala ko ba ayaw niya sumama ang loob ni Maxson at Risha sa amin?
" What do you mean?"
" Maxson, Risha... Hindi na kami ang dati kaya I wanna stop acting this stupid crap. Hindi na kami magkakaibigan. Nagpapanggap lang kami. Bahala na kunv sumama ang loob niyo, but i hate the fact that this act will lead to the point na uupo ako sa isang mesa kasama ang mga walang kwentang mga tao." Sabi niya saka umalis. Di man lang niya naubos ang pagkain niya.
Napansin ko ang pagngisi ni Maxson. Bakit kaya? Hmm.
Tumayo na rin si Trixie at Aira ko.
" Sorry Maxson, Risha. Ayaw ko na rin makipagplastikan. Ge." Sabi ni Trix at walang ibang salitang sinabi na umalis ang dalawa. Naiwan kami dito ng Rebels, Maxson at Risha.
" Mabuti pa sila mga Hyung's.. Nagawa nilang magsabi ng totoo. Ge. Mauna na rin kami." Sabi ni Maxson at umalis kasama si Risha na nakangiti.
What the hell just happened?
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...