Riana's Pov
Bakit ba ako umiyak? May kailangan bang iyakan? Wala naman diba? So bakit ako umiiyak?
Infairness, sa isang araw ang dami kong problema.
First, nagtataka ako kung bakit ako umiyak. Baka di na kayanin ng utak ko ang sobrang pagiisip at biglang bumigay. Brr.
Second,nababadtrip ako sa sarili ko kasi nga diba, bakit naman ako makikipagusap kay Josh the Impakto? Sino siya para marinig ang aking ever so beautiful voice?
Third, dumagdag pa si Maxhie sa kabadtripan ko. Paano ba naman kasi, pinagalala niya ako. Sino bang matinong tao ang susuntukin ang isang FIBER GLASS na galing pa ng SWITZERLAND? Jusko.
Sa tingin ko nga, minamalas ako ngayon. Halo halo na ang emosyon ko sa isang araw. Pagtataka( first time kasi hindi naman ako nagiisip kung bakit), badtrip at pagaalala.
Im a bitch and i dont deny it but every bitch has a heart. Im not that heartless to not care about my friends. Siguro nga madami ng nagbago sakin pero ang pagmamahal ko sa pamilya ko at mga kaibigan ko, hindi nagbabago. Okay, stop na. Ang corny ko na.
" Oi, tara na. May class pa tayo." Sabi ni Trix pagkatapos umalis ni Maxhie.
" Talagang may klase pa tayo. Kita mong umaga pa diba? Alangan naman dismissal. Hapon na ba?" Pangbara ko. Inirapan naman niya ako. Magkaibigan talaga sila ni Maxhie. Baka isang araw, di na bumaba ang eyeballs nila. Mwahaha.
Naglakad na kami papunta sa classroom. Alangan naman na magcrawl kami diba? Ano kami? Zombies na naputulan ng paa kaya kailangan dumapa para makain ang mga tao? May zombie bang kasing ganda KO??? Well kung sina Trix at Aira naman ang paguusapan, ay talagang mukha ng zombie. Haha.
Pagpasok namin sa classroom, ang ingay. Bulong bulungan everywhere. Malamang ko ba na umabot na sa kanila ang balita. Hay. Mga chismoso't chismosa talaga. Walang pinapalampas na kahit anong balita. Eh mga 10 minutes pa nga lang nung nalaman ko yung about kay Maxhie. Tapos ngayon aabot na sa kanila? Eh mag news reporter nalang kaya sila?
Nang mapansin nila kami, tumahimik sila. Napayuko nalang sila. Palihasa kasi, narinig namin na pinaguusapan nila ang kaibigan namin. Takot nalang nila na marinig namin na nilalait nila ang isa sa amin. Like hello? Royals in the room yow.
Hindi nalang namin sila pinansin at umupo na sa upuan. Alangan namang sa sahig kami umupo. Ano kami? Tanga?
" Good Morning class." Bati ng late naming guro. Mabara nga ang tabachoy na to.
" Alangan namang good afternoon diba? Usapang tanga lang?" Masungit kong sabi. Napayuko naman si tabachoy. Tama kayo. Mataba ang guro namin. Di ba siya naiinsecure? May mga estudyante siyang katulad NAMIN ng ROYALS na magaganda at sexy? Like duh.
" L-lets s-start the n-next lesson." Nauutal niyang sabi.
" Ay hindi. Dapat lets end the lesson. Kita mo ngang hindi pa nasisimulan, tatapusin na?" Sarkastikong sabi ko. Napalunok naman siya.
" O-okay... Trigo is----" hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang isa kong problema. Parang kanta lang ni Ariana Grande na Problem.
" We are not sorry we're late." Sigaw ni impakto. Napairap nalang ako. Nakakabwisit talaga ang boses niya kahit kelan.
" M-mr Y-Ynarez... P-please l-lower down your voice. Y-you might disturb other classes." Sabi ni taba.
" At talagang inuutusan mo ako? Sino ka ba sa akala mo ha?" Maangas na tanong niya. Lumapit siya kay taba at hinablot ang kwelyo ng damit niya. Natakot naman si taba pati ang iba. Sina Dylan, Michael at Rishon, ayun naglakad na papunta sa mga upuan nila which is nasa tapat namin.
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...