Chapter Two

46.5K 578 15
                                    

***

His Past time Girl by LittleRed

Chapter Two:

Ready na ba kayong malaman kung pa'no kami napunta ni Jeric sa ganitong set up? Ganito kasi 'yon.

Ako ay isang hamak lang na probinsyana noon na may mataas na pangarap para sa pamilya ko kaya nangahas akong makipagsipalaran sa mabangis na Lungsod ng Maynila.

Akala ko magiging madali lang ang lahat pero hindi pala. Nagtiwala ako sa isang tao dahil nangako siyang bibigyan ako ng magandang trabaho but it turned na isa pala siyang bugaw at ako ay balak niyang ibenta sa kung sino mang matandang mayaman na gusto ng aliw. Probinsiyana kasi, kaya madaling magtiwala.

*flashback*

"Ate Sally, uuwi na po 'ko sa 'min. Ayoko na po dito.. ."hilam na sa luha ang mga mata ko habang nag-uusap si Sally at ang kliyente niyang matandang intsik.

"Tumahimik ka Sandy, ha! Pikon na pikon na 'ko sa'yo! Akala ko ba gusto mong makatulong sa pamilya mo?!"

"Pero hindi po sa ganitong paraan!"

"Akala mo ba madali ang buhay dito sa Maynila? Ikaw na nga itong tinutulungan diyan!"

"Ate Sally.. ."

"Yes, Mr. Ong, this girl, very fresh. You will like her."

Hindi ako makapaniwalang ito ang magiging kahihinatnan ko sa pakikipagsapalaran para sa pamilya ko. Kung alam ko lang edi sana hindi na lang ako umalis noon. Nagsisisi ako sa naging desisyon ko.

"You can take her now, Mr. Ong. I hope you'll have a good time!"

Tapos bigla na lang akong tinulak ni Sally sa tabi ng matandang intsik. Natatakot talaga ako. Hanggang iyak na lang ang kaya ko.

Hinawakan ako ng matandang intsik sa braso at nakita ko siyang ngumisi nang nakakaloko. Nagdasal ako sa loob-loob ko. Sana isa lang masamang panaginip ang lahat.

"You come with me! Let's go, let's go!"

"Ayoko! Parang awa niyo na, ayoko po. Wag po.. ."

"Sandy, pag ikaw hindi sumama malilintikan ka talaga sa 'kin!" banta pa ni Sally.

"Ate Sally, ayoko po talaga.. .gusto ko na pong umuwi.. ."

"Mahiya ka nga! Tingnan mo pinagtitinginan na tayo dito sa bar! Sumama ka na kasi! Pagnaubos ang pasensya ko lagot ka sa 'kin!"

Mahiya. At ako pa talaga ang dapat mahiya?

"Hindi niyo ba narinig, ayaw sumama nung bata?"

Napatingin kami sa nagsalita. Isang lalaking naka-business suite ang lumapit. Malamang ay customer din siya sa bar na iyon pero para sa akin hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Pipityugin lang ang bar ni Sally at wala pang lisensya at ang mamang ito ay tiyak na may sinabi sa buhay.

"Mawalang galang na Mister pero bayad na ang babaeng ito ni Mr. Ong,"

"Kaya pipilitin niyo siyang sumama kahit ayaw niya?"

"Wala ka nang pakialam do'n!"

"Gusto ko din ang batang yan,"

"No way! I already paid for this girl! She's mine now!"pagmamatigas ni Mr. Ong.

"Magkano ba? Tatapatan ko,"

"Ten thousand! Kaya mo?"

"One hundred thousand."

Natigilan si Sally at ang intsik maging ako. Sampung tupi na yun ng bayad ni Mr. Ong!

"Sally, don't tell me--I got her first!"

"Pasensya ka na, Mr. Ong. Negosyante din ako,eh. Maliban na lang kung may pantapat kayo sa mamang ito."

"No way!"

"Asan na ang one hundred thousand, mama?"tanong ni Sally na inilahad ang isang kamay.

"Thomas,"tawag pa ng mama at may lumapit namang isang lalaking nakasalamin na may bitbit na briefcase.

"Ano po 'yon, Sir Jeric?"

"Bigyan mo siya ng one hundred thousand ngayon din."

"In cold cash po??"gulat na tanong ng assistant nito.

"Ngayon din."

Nakita kong napaluwa ang mata ni Sally nang buksan ng assistant ang briefcase at tumamabad ang maraming pera.

"One hundred thousand right away, Sir,"at ibinigay niya iyon kay Sally na hindi naman magkandaugaga sa pagbibilang.

"Grabe, ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera! Oy, Sandy, sa kanya ka na sasama,"

At itinulak niya ako papunta doon sa mama. Muntik na akong mabuwal sa sahig kung di pa niya ako nahawakan. Tumalikod na si Sally at si Mr. Ong naman ay umalis nang talunan.

Dinala niya ako sa labas.

"Thomas, magcommute ka na muna, okay? Didiretso ako ng condo ko ngayon," sabi niya sa assistant niya.

"Sure, Sir. Ahm, enjoy your night po," medyo awkward na tugon ng isa.

Tumango lang ang mama at ako naman ang hinarap niya.

"Pwede ba tumahan ka na?"sabi niya. Nagulat ako ng hubarin niya ang coat niya at ibinalot sa akin.

Sobrang iksi kasi ng ipinasuot sa akin ni Sally kaya naman madali akong nilamig. Bakit ganun? Hindi ako nakakaramdam ng takot sa isang 'to di gaya nung sa matandang intsik.

Binuksan niya ang pintuan ng isang magarang kotse.

"Sumakay ka," utos niya. Sumunod naman ako.

Umikot naman siya at pumwesto sa driver seat. Ilang sandali pa nasa highway na kami.

"Ano'ng pangalan mo?"tanong pa niya.

"S-Sandy,"

"Ilang taon ka na?"

"Twenty,"

"Ang bata mo pa,ah. Pa'no ka napunta sa lugar na 'yon?"

"Galing ako ng probinsya, ang sabi ni Ate Sally tutulungan daw niya 'kong makahanap ng magandang trabaho para makatulong ako sa pamilya ko. Hindi ko naman alam na bugaw siya. Kung alam ko lang hindi na sana ako lumuwas," lalo lang akong naiyak dahil sa awang nararamdaman ko sa sarili ko.

"Alam mo bang hindi ka dapat nagtitiwala sa kung sinu-sino? Kaya madali kayong naloloko,eh. Mabilis kayong magtiwala."

"Nagsisisi na nga ako,eh! Ang tanga-tanga ko.. ."

Napasubsob ako sa palad ko at humagulgol ng iyak. Pa'no na sina Nanay? Hindi niya pwedeng malaman na ganito ang sinapit ko. Ayoko siyang mag-alala.

"Sabi ko nang tumahan ka na,eh. O hayan," at inabutan niya 'ko ng panyo.

Pinilit kong tumahan at pinunasan ang mukha ko.

"Pa'no ka ngayon niyan?"

"Hindi ko alam. Ayoko nang bumalik dun kay Ate Sally. Hindi pa 'ko pwedeng umuwi sa 'min nang walang dalang pera,"

"You mean wala kang tutuluyan?"

Umiling-iling ako.

"Then wala tayong choice. I have to take you with me."

Ilang sandali pa ay nagpark ang kotse sa tapat ng napakataas na building. Dito siya nakatira?

"Sumunod ka sa 'kin," sabi niya.

Madaming mga pintuan sa loob. Madami ding tao. Sumakay kami sa elevator. First time kong sumakay kaya napasandal ako kay Jeric nang ma-out of balance ako.

"Relax," sabi niya at inakbayan ako.

He introduced himself as Jeric a while ago. Twenty-nine na siya at successor ng family business nila. Di ko tuloy maiwasang magtanong sa sarili ko kung ano ang ginagawa niya sa ganung klaseng lugar kanina.

"This is my condo, please feel at home,"sabi niya nang pumasok kami sa isang pintuan. He switched on the light. Napakagara nang condo niya. Ngayon lang ako nakapasok sa ganun kagarang silid. Siguro nga napakayaman talaga ng pamilyang pinagmulan niya.

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon