His Past Time Girl by LittleRedYasha
Chapter Twelve
Si Jeric. Nami-miss ako. Hindi ako makapaniwala. Parang bigla ko tuloy gustong hilahin ang oras para makauwi na siya. Ipagluluto ko siya ng masarap mamaya. Five pa lang ng hapon ay nagluto na 'ko at natapos ako matapos ang isang oras. At dahil amoy ulam ako, nagpasya akong magbabad sa jacuzzi dahil hindi pa naman dumadating si Jeric.
Naghubad ako ng damit at lumusong sa tub na punong-puno ng bubble soap. Ang bango at nari-relax ako sa amoy. Natanggal lahat ng pagod ko. Hindi ko namalayang nakaidlip ako.
"Kaya pala walang sumasagot nang dumating ako, dahil nandito ka,"
Napabalikwas ako. Si Jeric, nasa pintuan ng banyo at nakangiti habang nakatunghay sa akin. Nahubad na niya ang coat and tie niya at bahagyang nakabukas ang suot niyang long sleeve na polo.
"Jeric!"
"Hey,"
"Sorry, nakaidlip ako," inilibot ko ang tingin ko para maghagilap ng tuwalya pero sa malas nakalimutan kong magdala. Hindi naman ako pwedeng tumayo sa tub dahil wala akong suot na kahit ano. Buti sana kung wala lang tao sa harap ko.
Patay, pa'no ako ngayon?
"I'll get you. Wait there," nanunuksong sabi niya at iniwan ako sandali. Pagbalik niya ay may dala na siyang robe."Here, get it from me,"
Namula ako."P-pwede namang iabot mo na lang sa 'kin,eh."
"I want to see your beauty, bakit ba?"
"Jeric!"
"Are you shy despite last night?"
"Pakiusap,"
"Alright," maingat niyang inabot ang robe sa akin."Ang sa 'kin lang naman I can help you put that robe on,"
"Hindi na kailangan. Lumabas ka na po, pwede?"
"Am I not allowed to watch you?"
Inikot ko ang mga mata ko."Ano sa tingin mo?"
"Sige na nga, lalabas na." at tinalikuran na niya ako. Mabilis akong tumayo at ibinalot ang sarili ko sa robe.
Paglabas ko ay nakaupo siya sa kama habang hinuhubad ang sapatos niya.
"Nasaan ang bedsheet?" tanong niya.
"Ah! Hindi ko pa nga pala nakukuha! Nilabhan ko kasi yun kanina. Nakalimutan ko," natampal ko ang noo ko.
"Didn't I tell you to rest at wag magpagod ngayong araw?"
"Bedsheet naman yun,eh."
"Sana pinalitan mo na lang. Hindi naman nag-iisa ang mga bedsheet dito,"
"Hindi ko naman alam," nakatungo kong sagot."Sorry.. ."
"Ayoko sa lahat eh yung matitigas ang ulo," sabi niyang mariin.
Napalunok ako.
"Sorry na nga," natakot ako bigla. Baka bigla na lang niya 'kong sisantehin.
Tumayo siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Tingnan mo nga 'ko,"
Sinalubong ko ang tingin niya kahit pakiramdam ko ay matutunaw ako.
"Hindi mo na uulitin yun, okay?"
"Hindi na,"
"Good. Sige na magbihis ka na bago pa 'ko mawala sa sarili ko," iniwan na niya 'ko para makapagshower naman siya.
BINABASA MO ANG
His Past Time Girl (Published)
RomanceSynopsis: Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya inakalang isang bangungot ang kalalabasan ng lahat. Mabuti na lamang...