This chapter is dedicated to @memaimaldita na mambabalat ng balat ng may balat. Mwah! *** His Past Time Girl by LittleRedYasha Chapter Twenty- Six Hindi na bale kung hindi matuloy ang lunch namin ngayon. Tutal naman sa kanya ako uuwi mamayang out ko. Alam kong importante ang lunch nilang iyon. Malamang kasi na pag-uusapan nila ang mga detalye tungkol sa nalalapit nilang engagement at mga advance preparations sa kasal. Hindi madali ang magprepare nu'n alam ko. Pangarap ko din kasi ang maikasal sa simbahan. At ang groom na nakikita ko sa tabi ng altar ay si Jeric lang walang iba. Pero malabo nang mangyari yun ngayon. Ikakasal na siya sa iba. Kapag naikasal na siya nang tuluyan, papangarapin ko pa rin kayang ikasal sa simbahan? Hindi ko masasabi pero nagdadasal ako na sana may taong dumating at kayang-kaya niyang palitan si Jeric sa puso ko. Jeric. . .bakit ba hinayaan kong umikot ang mundo ko sa'yo? "Excuse me, ladies but can I join you?" Naputol ang pag-iisip ko nang lumapit sa table namin si Denver. Coincidence nga naman. "Sure, Denver! Come, join us!" magiliw na tugon ni Fifi. "Thanks," Tumabi sa 'kin si Denver kahit bakante naman ang silya sa tabi ni Mandy. Nasa 'Selina's' restaurant kami, hindi kalayuan sa House of Fifi. "Kamusta ka na, Sandy?" tanong agad niya sa 'kin. "Mabuti naman. Good to see you again," "Hindi ka ba sinaktan ni Jeric?" Napasulyap ako kina Fifi dahil baka narinig nila ang sinabi ni Denver pero busy sila ni Mandy sa pagtingin sa menu. "Hindi magagawa ni Jeric 'yon, Denver. Nagalit lang siya dahil nakita niya tayong magkasama," pagtatanggol ko. Ang totoo may mga marka pa ang braso ko pero hindi napapansin nina Fifi dahil sa jacket na lagi kong sinusuot. "At nakuha pa niyang magselos kahit na malapit na siyang ma-engage? Ibang klase siya. "Denver, I don't think it's part of your business. Kung concern ka salamat," "You know I like you, Sandy. Kung wala kayong tinatagong relasyon ni Jeric, payagan mo 'kong ligawan ka," "Wala akong dapat patunayan sa'yo, Denver. Kung pwede lang sana ayoko ng gulo," "Manliligaw lang naman,eh. Wala naman sigurong masama du'n tsaka chance lang naman ang gusto kong ibigay mo sa 'kin para mapatunayan ko sa'yo na seryoso ako," Napatitig ako sa kanya. "Denver," "Seryoso na ba kayong dalawa diyan? Wala na kayong planong kumain na dalawa?" singit ni Fifi. Nasa tabi na pala namin ang waiter. "I ordered for you already, Sandy. Ikaw, Denver?" "Can I have the menu, please?" sabi naman ni Denver. Pagkatapos naming maglunch ay bumalik na agad kami sa House of Fifi. "Fifi, pwede bang sumabay sa 'kin si Sandy pabalik? I mean ako na lang ang maghahatid sa kanya," sabi ni Denver nang makalabas na kami sa restaurant. "If it's okay with Sandy then it's okay with me," sabi naman ni Fifi. Hindi na lang din ako tumutol. Siguro may gusto lang siyang linawin. "Thank you at pumayag kang sumabay sa 'kin," sabi niya habang nasa loob na kami ng kotse. "Wala yun," "There's no denying that you are in love with him." "Hindi ko ide-deny yun," "Is he in love with you, too?" "I don't think so." "Kung gusto mo siyang kalimutan andito naman ako,eh." Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Siya, sige lang sa pagmamaneho. "Ano yun, gagawin kitang panakip butas? Unfair yun, Denver!" "Sa ngayon. Pero kapag natutunan mo na din akong mahalin it will be worth it," "Denver.. ." Huminto na din ang kotse sa tapat ng House of Fifi. "Salamat sa paghatid," "Sandy," Nagulat ako nang bigla niyang kabigin ang ulo ko at inangkin niya ang mga labi ko. "Denver!" Itinulak ko siya at pinahid ko ng palad ko ang bibig ko. "I'm sorry, Sandy. Hindi ko napigilan ang sarili ko." Iniwas niya ang mukha niya. "Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa 'kin 'to." Mabilis kong kinalag ang seatbelt ko at dali-daling lumabas ng kotse. Hindi ako makapaniwalang nagawa sa akin ni Denver yun. Ang akala ko pwede ko siyang maging kaibigan. Mukhang nagkamali yata ako. "Yong hombreng yun, halatang malaki ang pagkagusto sa 'yo," komento ni Fifi. "Sino, si Denver?" "Mismo," "Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Hindi pwedeng maging kami," "O, eh bakit? Gwapo naman siya, ah? Desente, matalino at mayaman. Parang si Jeric din," "Yun na nga,eh. Ayoko siyang gawing panakip-butas. Magiging unfair ako sa kanya at alam na niya yun dahil sinabi ko sa kanya," "Natututunan naman ang pagmamahal,eh." "Basta, Fifi, ayoko. Hindi ko kaya," Tinulungan ko si Fifi na gumawa ng mga bagong designs na irarampa sa gaganaping fashion show niya. Hindi ko namalayan ang oras. Madilim na nang nakalabas kami sa fashion house. "Sa'n ka ngayon? Didiretso ka na ba sa condo ni Jeric?" tanong sa akin ni Fifi. "Oo. Malamang na naghihintay na yun sa 'kin dun." "I can drop you there," "Wag na, hindi mo naman route yun,eh. Magko-commute na lang ako," "Mag-iingat ka, Sandy." "Ikaw din, Fifi." Nauna na siyang sumakay sa kotse niya habang ako naman ay pumara ako ng taxi. Mabuti na lang at hindi traffic, mabilis akong nakarating sa condo. Kailangan ko pa kasi siyang ipagluto ng dinner. Nagmamadali akong pumasok sa unit niya nang pagpasok ko ay nadatnan ko siyang may kausap sa phone habang tinatanggal niya ang neck tie niya. Ibig sabihin magkasunod lang kaming dumating. "She didn't--" natigilan siya nang malingunan ako."Thank you ulit, Fifi. Dumating na din siya," "H-hi.. ." He dropped his phone on the sofa at hinapit niya 'ko palapit sa kanya. "Bakit ngayon ka lang?" Hindi man lang niya 'ko pinasagot at inangkin na niya ang mga labi ko. He was hungry for me at ako din naman sa kanya. I hold on to his collar for support. Bakit ba ganito na lang kung ma-miss ko siya? *** Patuloy po sana ang pagbuhos ng votes and comments niyo para sipagin naman akong pahirapan si Sandy este pagandahin ang story. -LRY
BINABASA MO ANG
His Past Time Girl (Published)
RomanceSynopsis: Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya inakalang isang bangungot ang kalalabasan ng lahat. Mabuti na lamang...