His Past Time Girl by LittleRedYasha
Chapter Fourteen
"You didn't tell me you used to be an honor student,," sabi ni Jeric nang sakay na kami ng kotse niya. Sa mall daw ulit kami pupunta.
"Second honorable mention lang naman ako nung graduation."
"Malaking achievement kaya yun. I always knew na matalino ka talaga,"
"Hindi kaya,"
"You are, Sandy. O gusto mong wag na lang tayo tumuloy at magtalo na lang tayo buong araw tungkol dito?"
"Hmp. At sino kaya sa ating dalawa ang nakaisip nitong lakad na 'to?"
"Well, sa ibang araw na lang pala. May naghihintay pa kasi sa 'tin,eh,"
"Ha? Sino?"
"Basta,"
Nang dumating kami sa mall, magkahawak-kamay as usual, dumiretso kami sa isang mamahaling coffee shop at nadatnan naming naghihintay sa isang table si Jennica.
"Hi, there!" bati niya partikular sa akin at tumayo pa para halikan ako sa pisngi.
Ang kwento sa akin ni Jeric, twenty-four na daw si Jennica at shoe designer slash co-owner siya ng isang sikat na shoe shop sa Milan. Bata pa siya pero malaki na ang achievement niya, nakakainggit naman.
"Kamusta ka, Jennica?" medyo nahihiya ko pang tanong.
"I'm feeling gorgeous today! You too, Sandy."
"Salamat."
"Kuya, I was expecting to see Thomas today pero mukhang hindi mo naman siya isinama. Sayang naman pala ang effort ko mag-ayos," naka-pout na sabi ni Jennica sa kuya niya.
"Jennica, Thomas is as busy as I am. Can't you see it, you're not his type,"
"Of course that's a lie! Sabihin mo, bakla lang siya."
"Pag ikaw narinig nun--"
"He won't do aything. He'll just ignore me gaya ng dati. Palibhasa abnormal siya, obvious namang attracted din siya sa 'kin, 'no."
"The nerve."
"Kuya, hindi kaya ako feelingera. Basta, one of these days bibigay na din siya,"
"Jennica, of all people bakit ba assistant ko ang pinagdidiskitahan mo?"
"I told you he's always been a challenge,"
"Okay. Enough of Thomas. Kawawa naman yun kung lilibakin na lang natin the whole day,"
Nakikinig lang ako sa kanila. Ibig sabihin may paghanga si Jennica kay Thomas? Nakakatuwa naman. Kasi kung tutuusin, gwapo at bata pa si Thomas kaya lang masyado itong pormal, nakasalamin at hindi palangiti.
"So when is Sandy starting?" tanong pa ni Jennica.
"Probably next week. She had her requirements completed just today."
"That's great!" sabi ni Jennica na sa akin nakatingin.
Tipid na ngiti lang ang tugon ko.
"Kaya nga gusto kong tulungan mo siyang hanapin ang mga kailangan niya at turuan mo siya sa mga dapat niyang matutunan,"
"No problem!"
"Ha? Teka, hindi ba abala yun sayo Jennica?" tanong ko."Baka kasi busy kang tao at makaabala pa 'ko sa'yo, mahirap na."
"No, you won't, Sandy. Ang totoo niyan umuwi lang ako para kay Thomas, I mean para magbakasyon,"
Nakita kong sandaling kumunot ang noo ni Jeric. Natawa si Jennica.
"Of course I'm just kidding. So yun, walang kaso sa 'kin, ikaw pa."
"Maraming salamat kung ganun. Nakakahiya naman sayo, Jennica,"
"You're very much welcome! So um-order na tayo. Tamang-tama manglilibre si Kuya. Alam mo ba si Kuya napakakuripot niyan? Hindi mo pa mapipilit manglibre yan kung hindi mo birthday,"
"Jennica, that's slander. Pag si Sandy naniwala pakakasuhan kita. Thomas is an exceptional lawyer," bwelta naman ni Jeric.
"Yeah, right. Exceptional and gay!" tapos tumawa pa si Jennica ng nakakaloko.
Natawa na lang din ako. Nang sulyapan ko si Jeric, kinindatan lang niya 'ko.
Pagkatapos nun ay nilibot namin ni Jennica ang mall habang nakasunod lang sa amin si Jeric.
"You know what? I almost thought that Kuya is gay," bulong sa akin ni Jennica habang nasa loob kami ng shoe shop dahil bibili daw siya ng bagong sapatos. Si Jeric naman nasa labas at may kausap sa cellphone.
"Ha? Ba't mo naman nasabi?" naiintrigang tanong ko.
"Kasi I haven't seen him na lumabas kasama kahit na sinong babae. Lagi na lang siyang busy sa work, parang yung bato niyang assistant. But then when I saw you together, I know he is serious about you."
Ngumiti lang ako sa huling sinabi niya.
"Kayo na ba ni Kuya?"
"Ahm, ewan?"
"Sandy, hindi naman sa biased ako pero kasi Kuya is a nice catch. Wag mo na siyang pakawalan pa,"
"Alam ko,"
Kung sana nga lang sabihin din ni Jeric na mahal niya 'ko. Nararamdaman ko naman na sincere siya sa ipinapakita niya sa 'kin. Pero ano ba ang nasa likod ng ipinapakita niya? Ang damdamin niya?
Hindi ko naman pwedeng sabihing pareho kami ng nararamdaman dahil baka ako lang 'tong umaasa na mamahalin din niya 'ko. Ang hirap mag-isip. Mahirap umasa. Mahirap magmahal nang hindi sigurado.
"I found it!" bulalas ni Jennica na nagpabalik sa akin sa katinuan.
"Ano yan?"
"Itong shoes na 'to," sabi niyang may hawak nang kulay pulang stilleto.",ay isa lang sa mga ini-export naming products dito sa Philippines. And we are planning na magpatayo ng isang branch somewhere here. Excited na 'ko sa expansion. Proof lang na nakikilala na din kami sa industry,"
"Nakakainggit ka naman, Jennica. Kahit bata ka pa may nagagawa ka nang nakakaproud."
"Sandy, I feel that I have to. Oo proud ako kasi hindi ko na kinailangan ang influence ni Dad para lang maging kilala ako. Kundi dahil nagsumikap ako mismo. At heto na 'ko. Kaya ikaw kaya mo din. Ngayon pang marami ang gustong tumulong sayo?"
"Hindi siguro. Hindi naman kasi ganun kalakas ang loob ko katulad mo,"
"Wala pa nga, eh, pinanghihinaan ka na ng loob? Magtiwala ka lang sa sarili mo, okay?"
"Okay,"
"Good," at niyakap niya 'ko."Now which of these, do you think, would finally get Thomas' attention?"
Napangiti lang ako.
"Jennica, matanong ko lang, bakit si Thomas? Er--wala ka bang boyfriend?"
"Oh. Why that guy? Nakakatuwa kasi siya, hindi siya yung tipong pumapatol sa mga pagpapa-cute ko. He's so serious. Hindi marunong ngumiti, alam mo yun?"
Kaya pala sinabi niya kaninang natsa-challenge siya dito.
"In love ka sa kanya?"
Natawa siya sa tanong ko.
"Tanungin mo nga ulit ako niyan next time. Yes kasi ang parehong sinisigaw ng puso at isip ko sa ngayon,eh," tapos napahagikhik siya.
***
Gusto ko lang po kayo i-remind na hindi pa tapos ang flashback. Flashback marathon ho tayo dito. Ahihihi. Ang votes and comments, ehem.
-LittleRedYasha
BINABASA MO ANG
His Past Time Girl (Published)
RomanceSynopsis: Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya inakalang isang bangungot ang kalalabasan ng lahat. Mabuti na lamang...