His Past Time Girl by LittleRedYasha
Chapter Eight
"Are you sure you can manage all of these?" tanong niya sa akin nang handa na siyang umalis. Tinutukoy niya yong pag-aayos ko ng mga pinamili namin kagabi.
"Oo naman. Kaya sige na, umalis ka na. Hindi naman ako mahihirapan sa mga 'to,eh."
"Sabi mo 'yan, ha? I'll go ahead then,"
"Bye. Mag-iingat ka!"
"Bye, Sandy."
Hinatid ko siya ng tingin sa pinto. Now, kailangan ko nang kumilos agad para mabilis akong matapos.
Nang inaalis ko na sa mga shopping bags ang mga items, may nahugot akong ilang bote ng red wine. Halatang mamahalin. Umiinom din pala nito si Jeric. Pareho lang kaya ang lasa nito sa mga nabibili sa tindahan? Pero may grapes sa logo, eh. Matapang din kaya?
Kahit ano pa man ang lasa, hindi naman din ako umiinom,eh. Nakakatakot pa naman ang malasing.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos. Nang matapos ako, dumiretso ako sa kwarto at naligo sa banyo. Nasasanay na din ako sa shower at pagbababad sa jacuzzi niya. Sa amin kasi balde lang at tabo o di kaya sa ilog kami naliligo.
Nagluto ako ng lunch para sa sarili ko at kumain habang nanonood ng tv. Kung ganito na lang palagi baka tumaba ako nito. Sana nakakain din ng ganito kasarap ang pamilya ko.
***
"Sandy, pwede ba 'kong humingi ng pabor sayo?"sabi sa akin ni Jeric nang kakain na kami.
"Para saan naman? Kung may maitutulong ba naman ako, walang problema,"
"Tomorrow night, may function ang company namin para sa mga bagong investors. May party and I'll be needing a date. Sandy, be my date,"
Maang na napatingin ako kay Jeric.
"Please?"
"Date? Party? Jeric, 'di ako bagay dun. Pangmayaman lang naman yun, eh. Nakakahiya kung ako ang isasama mo dun,"
"Sandy, it's just a party. And no one will harm you there. You'll be with me. So please?"
Sigurado ba siya? Baka magkalat lang ako dun. Nakakahiya. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nila na isang hamak na probinsyana lang ang ka-date ng isa sa may-ari ng kumpanya?
"Look, Sandy, bibigyan kita ng bonus kapag pumayag ka. I'll even double your salary,"
Ito naman dinaan pa 'ko sa pera. Pero ang hirap din namang tanggihan ng alok niya.
"Hindi naman yun,eh. Ayoko namang mapahiya ka dahil sa 'kin."
"You won't, trust me."
"S-sige. Iisipin ko na lang na kasama 'to sa trabaho ko,"
"Thanks, Sandy!"
"Kaya mo ba 'ko ibinili ng mga damit para dito?"tanong ko pa.
"Aw, yeah. Pinlano ko talaga siya,"he answered, grinning.
"Wala ka palang girlfriend? Nakakagulat naman,"
"Huh? How did you know?"
"Kasi kung meron, di ba dapat siya ang yayayain mo ngayon?"
"Oo nga, 'no?"parang batang sabi niya.
Napangiti ako. Hindi lang dahil sa naku-cute-an ako sa kanya kundi dahil sa wala nga siyang nobya.
Kung hindi lang talaga siya ang tagapagligtas ko.
Napaisip ako. Kung ganitong wala siyang nobya, ano naman kaya ang mga tipo niya? Maganda ba, mayaman, matalino at mataas ang pinag-aralan? Nalungkot din ako bigla, lahat ng 'yon wala ako. Imposible ko pa rin siyang maabot kahit ano'ng gawin ko.
***
Ito na nga ang gabing 'yon. Dumoble ang kaba ko habang hinahanda ko ang damit na susuotin ko. Kapag naman may lakad ako hindi naman kasi ako obligadong magsuot ng ganito. At kailangan ko pang magmake up. Pa'no ko lalagyan ang mukha ko nito? Bakit ba kailangang magara ang suot? Hindi naman mahalaga ang panlabas na anyo. Lalo tuloy nagmukhang ang hirap maabot ni Jeric.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Susuotin ko yung pulang dress at sapatos na binili namin nung isang araw. Whew, kung bakit kasi naging probinsiyana pa 'ko. Ang hirap tuloy makibagay. Hay!
Ngayon ano ba ang dapat gawin dito sa buhok ko? Ipusod o ilugay ko lang? Yung make up ko, dapat ba kapalan ko o wag na lang akong maglagay? Naman, o! Ang hirap talagang maging babae!
"Sandy, ready ka na ba?"narinig kong tanong ni Jeric mula sa labas ng kwarto ilang sandali pa.
"Ha? Ah, matatapos na din ako, sandali na lang.. ."
"Okay. Take your time,"
Hay, bilisan ko na nga lang. Ako na nga 'tong niyaya niya magpapahintay pa ba 'ko? Amo ko pa naman siya. Tsaka kahit ano namang gawin ko hindi naman magbabago ang itsura ko, probinsiyana pa rin ako. At hindi pa rin ako bagay sa kanya.
"Ready na 'ko,"sabi ko paglabas ko ng kwarto.
Napatayo si Jeric mula sa pagkakaupo niya sa sofa. He is on his black suit at stunning as ever. Nag-init ang pisngi ko nang makitang titig na titig siya sa 'kin. Baka kumalat ang make up ko? Pero manipis lang naman ang inilagay ko, ah? Tsaka inilugay ko lang ang buhok ko kasi wala naman akong nakitang pang-ipit.
"B-bakit? May dumi ba 'ko sa mukha?"tanong kong naiilang.
"No. You're beautiful, in fact. Very beautiful,"
Gayon na lamang ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Salamat at nagustuhan mo ang ayos ko. Akala ko kasi sisisantehin mo na 'ko,eh."
"I'll never do that, Sandy. So, shall we?" inalok niya ang braso niya sa 'kin.
Ngumiti ako ng kimi at kumapit sa braso niya. Nang naglalakad na kami sa pasilyo ay napatingin sa amin ang sinumang nakakasalubong namin. Nailang ako.
"Relax, nagagandahan lang sila sa'yo," sabi naman ni Jeric na naramdaman yata ang uneasiness ko.
"Nagagwapuhan kamo sayo," sabi ko naman.
Pumasok na kami sa elevator. Nagkataong kami lang ang sakay.
"You are really beautiful, Sandy."
"Nagsuot lang ako ng matino, eh,"
"Even without that make up on,"
"Salamat. Mukhang hindi ka nagsisisi na isama ako sa party na 'yon,ah?"
"Hindi talaga,"
"Kinakabahan ako, Jeric.. ."sabi ko pa.
"'Wag kang kabahan, Sandy, okay? You'll just have to stay beside me all the time. Walang pipilit sayo kung ayaw mong magsalita,"
He reached for my hand and squeezed it. Somehow, gumaan na din ang pakiramdam ko. Ilang sandali pa ay lulan na kami ng kotse niya at papunta na sa venue ng party.
***
LittleRed's Note:
Yes, happy 300+ reads sa second week ng HPG. Kaya lang wala naman masyadong votes and comments. Lungkot.
BINABASA MO ANG
His Past Time Girl (Published)
RomanceSynopsis: Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya inakalang isang bangungot ang kalalabasan ng lahat. Mabuti na lamang...