Chapter Eleven

33.2K 540 16
                                    

Ipost ko na din ba ang Chapter Eleven today? Depende kung may magbu-vote at magku-comment sa Chapter Ten.

-LittleRedYasha

Hay, sige na nga ito na ang next chapter!

***

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Eleven

Sumampa na siya sa kama. Nagsinungaling ako. Hindi naman talaga ako handa. Ang totoo wala akong idea sa mga mangyayari. Hinahayaan ko na lang ang sitwasyon. Bumabayo pa rin ang dibdib ko.

"Sandy," hinalikan niya ako sa noo at marahang pinaghiwalay ang mga binti ko.

Ito na nga iyon. Unti-unti kong naramdaman ang pagpasok niya at napangiwi ako sa sumigid na kirot sa pagkababae ko. Napakapit ako sa bedsheet at may sumungaw na luha sa mga mata ko.

"Are you hurt?" alalang tanong niya.

Umiling lang ako. Masakit pero ayoko siyang huminto. Nasisiraan na yata ako. Gumalaw siya sa ibabaw ko. Napapasinghap ako na napapaungol habang sinasabayan siya. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya at ganun din siya. Pakiramdam ko ay nakarating ako sa isang lugar na hindi ko inaasahang mararating ko.

Tumabi siya sa akin, kapwa kami pinagpapawisan. Hinalikan niya 'ko sa balikat at napasubsob ako sa hubad niyang dibdib. Hindi ako makapaniwala.

Isinuko ko ang sarili ko sa kanya.

"Matulog na tayo. Bukas na lang tayo mag-usap," sabi niya.

"S-sige," pabulong kong sagot at pumikit na.

Kinabukasan, nagising akong wala na siya sa tabi ko. Napatingin ako sa relong nasa mesita sa tabi ng kama. Mag-a-alas siyete na! Napabalikwas ako ng bangon pero agad din akong napangiwi nang sumigid ang kirot sa ibabang bahagi ng katawan ko. May bahid ng dugo ang bedsheet. Dahan-dahan akong bumangon at kumuha ng maluwang na t-shirt sa cabinet ni Jeric at isinuot.

Lumabas ako at nakita ko siya sa kusina. Nagluluto at black jogging pants lang ang suot. Nakakahiya. Ako dapat ang gumagawa niyan ngayon. And then naalala ko ang nangyari kagabi.

Napalingon siya at nginitian ako.

"Good morning," bati niya at inalalayan akong umupo sa stool.

"G-good morning,"

"How are you feeling?"

"Medyo masakit ang.. .katawan ko. Ako dapat ang gumagawa niyan ngayon. Pasensiya ka na,"

"I don't think there's something to be sorry about. Kasalanan ko naman after all. Ang tanong ko lang, did you regret last night?"

Nag-init ang pisngi ko. Umiling ako nang hulihin niya ang tingin ko. Hindi nga ako nagsisisi. Kahit alam kong mali.

"Good. Ako din, Sandy, hindi. Last night was wonderful. Now, go take a shower at ready na ang breakfast,"

Sumunod naman ako.

Habang nasa ilalim ako ng shower, sari-saring bagay ang pumasok sa isip ko. Ngayong nakuha na niya ako, ano na ba ang kasunod? May magbabago ba sa trato namin sa isa't-isa? Hindi ko pa malalaman ang sagot sa ngayon. Baka sa susunod na mga araw pa.

Paglabas ko ay tapos na niyang ihanda ang mesa. Kung tutuusin kayang-kayang niya ang sarili niya. Kahit hindi na niya ako kailanganin.

"Let's eat. I'm starving,"

Parang akong batang inalalayan niya pag-upo.

"S-salamat,"

Hindi lang iyon, pinaglagay niya pa ng pagkain ang plato ko.

"Jeric, kailan mo pa 'ko tinratong bata? Kaya ko kaya ang sarili ko,"

"I just feel like doing it, ano'ng masama?"

"Ayokong ikaw pa makalimot mismo na amo kita at katulong mo 'ko,"

"You're more than that Sandy. And don't ever dare tell me how to treat you," seryosong sabi niya."Now eat your food,"

Sumunod naman ako. Iyon ang first time na matitikman ko ang luto niya. Fried rice with eggs and chicken ham. Ginanahan tuloy ako. Pagkatapos naming kumain, siya din ang nagligpit. Siya din sana ang maghuhugas pero nagpumilit akong ako na lang dahil male-late na siya sa trabaho niya.

Kakatapos ko lang din maghugas nang lumabas siya sa kwarto at ready nang umalis.

"Will you be fine here?" tanong niya.

"Lagi naman,eh,"

"Don't work too much, okay? Magpahinga ka,"

"Jeric, sino ba ang may sakit?"

"Sundin mo na lang ako, Sandy, maliwanag?"

"Okay,"

"Good. Call me kung may problema," he leaned forward, grabbing my waist at hinalikan ako sa labi.

In an instant, naging parang gelatin ang mga binti ko kaya napahawak ako sa balikat niya para hindi ako mabuwal. His tongue is exploring my mouth again and I found myself responding.

"In my mind I think you're sweet but even sweeter now that I finally kissed you,"

Nag-init ang pisngi ko. Binubola ba niya 'ko?

"Late ka na. Kailangan mo nang umalis. Mag-iingat ka,"

"Ayoko na yatang pumasok ngayon, ah,"

"Jeric!" gulat na sabi ko.

"Oo na. Basta uuwi akong maaga,"

Hinatid ko lang siya sa may pintuan. Pagkasara ay dinampot ko sa sahig ang mga nagkalat naming damit. Did we make love or we just have sex? Hindi ko alam. Para sa kanya, ano ba? Ang tagal kong iningatan ang pagkababae ko at isinuko ko na lang nang basta sa kanya.

Sana naman wag niya 'kong paglaruan matapos nang nangyari sa amin.

***

Kinuha ko ang bedsheet at nilabhan. Mahirap labhan ang ganun dahil malapad na ay bumibigat pa kapag nababasa nang tubig pero ang importante lang naman ay matanggal ang mantsa ng dugo.

Nangangalay ang mga braso ko nang matapos ko nang isampay ang bedsheet sa likurang azotea ng unit ni Jeric. Nahiga ako sa sofa. Agad bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

Ang paghalik niya sa akin sa labi at sa maseselang bahagi ng katawan ko at hanggang sa pag-angkin niya sa akin. Napamulat ako. Nasa loob ng damit ko ang isang kamay ko na nakahawak sa isang dibdib ko. Ano ba itong nangyayari sa akin?

Napailing-iling ako at tumayo. Kumuha na lang ako ng pagkain sa ref at pumwesto sa harap ng tv para libangin ang sarili ko at ma-divert naman ang isip ko.

Pero binili ako ni Jeric sa halagang one hundred thousand pesos, hindi ba? Hindi ko pwedeng makalimutan iyon. Nakabayad na ba ako dahil nakuha na niya ako? Ayokong isipin. Mas gusto kong papaniwalain ang sarili ko na posible niyang mahalin ang katulad ko.

Hindi naman siguro imposible yun di ba? Nararamdaman ko naman na sincere siya sa mga ipinapakita niya sa 'kin. No sign of taking advantage kumbaga.

Kasi naman! Bakit si Jeric pa?

Nagbeep ang cellphone na bigay niya na nasa ibabaw ng ref. Nang tingnan ko, may text galing sa kanya. Nang basahin ko ang message, halos tumalon ang puso ko.

>I missed you already, Sandy. :)

***

Vote and comment naman diyan pag may time!

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon