Chapter Four

36.6K 520 17
                                    

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Four:

Nang umalis na siya, hinalungkat ko ang mga laman ng paperbag na pawang mabibigat. Napanganga ako. Madaming damit. Pati nga underwears meron din. Tsaka mga personal din. Mula sa sabon hanggang sa toothbrush. Kahit nga hindi naman talaga necessary nandoon din. Nakakahiya na itong mga tinutulong ni Jeric sa akin. Sobra-sobra na. Sana nabibili ko din ng ganito sina Nanay.

Ang iniisip ko na lang ay kung saan na dapat ako. Hindi naman ako pwedeng habang buhay na lang sa condo ni Jeric. Baka kasi kung ano pa ang isipin ng girlfriend niya.

Sa huling naisip ko, ba't yata ako nalungkot?

Naglinis lang ako sa condo niya. Nakikain din ako sa mga nasa loob ng refrigerator. Ang daming laman. Para ngang hindi nabawasan. Ang sarap siguro ng buhay niya. Wala siyang problema sa pera at halos lahat ay nasa kanya na. Ito ang pangarap kung buhay para sa pamilya ko.

Binuksan ko din ang tv niya at nanood ng mga palabas. Akala ko nga hindi tv. Ang nipis ba naman kasi. Nang magsawa ako ay ang shelf naman niya ang pinakialaman ko. Madami siyang libro at likas naman ang hilig ko sa pagbabasa.

Mga alas tres na ng hapon nang magring ang cellphone at agad ko namang sinagot.

"Sandy,"

"J-Jeric!"

"Kamusta ka diyan?"

"Ahm, okay lang ako dito. Nalilibang ko naman ang sarili ko."

"That's good. Yun lang naman, gusto ko lang i-check kung kamusta ka na diyan."

"Jeric? Ba't mukhang pagod ka?"tanong ko pa nang mapansin ko na may iba sa tono ng boses niya.

"Office work. Alam mo na. Ngayon lang ako nakapagpahinga simula kaninang umaga."

"Ha? Kawawa ka naman,"

I heard him chuckled."Okay lang. Kailangan eh. Maraming umaasa sa 'kin. Sige na, I have to go."

"Ahm, Jeric!"habol ko pa.

"Ano yun?"

"Ano'ng oras ka uuwi mamaya?"

"Hmm, at six pm andiyan na 'ko."

"Okay. Sige, ingat ka. Bye."

"Bye, Sandy."

At six pm nakauwi na daw siya. Dapat ipaghanda ko siya ng masarap na dinner. Nanghalungkat uli ako sa laman ng ref niya. Bakit ba hindi ko natanong kung ano ang paborito niya? Di bale, kung ano na lang siguro ang available.

***

Past six na ng makauwi siya. Grabe daw kasi ang traffic kaya natagalan siya sa biyahe. He looked stressed pero siyempre hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Bakit kaya walang kasing gwapo niya sa probinsiya namin? Pwedeng-pwede talaga siyang ihanay sa mga artista na nakikita ko sa tv.

"Mabuti naman at kasya sayo ang mga damit,"pansin agad niya.

"Oo nga eh. Salamat nga uli para dito, ha?"

"You're always welcome."

Hinubad niya ang coat niya at itinapon sa sofa. Sinunod niyang tanggalin ang neck tie niya.

"What did you do all day?"tanong pa niya.

"Nandito lang. Naglinis. Tsaka nagluto ako ng dinner."

Amused na napatingin siya sa 'kin.

"You did?"

"Oo."

"Sandy, look, hindi naman kita dinala dito para gawing katulong. Hindi ka na dapat nag-abala. Pwede namang um-order na lang tayo,"

"Okay lang naman,eh. Sayang naman kasi yung stocks mo baka mabulok lang tsaka para naman may magawa ako habang nandito lang. Tsaka mas masarap pa din ang lutong bahay, di ba?"

Nginitian niya ako and it made my heart skipped a beat.

"You're such a thoughtful kid,"

"Hindi na 'ko bata,ha. Twenty na kaya ako,"

"Mas bata ka pa nga sa younger sister ko,eh. But thank you for bothering, Sandy."

"You're welcome."

"Magsa-shower lang ako and then magdinner na tayo,"

"Sige!"

Habang nagsa-shower siya ay inihanda ko naman ang mesa. Pangalawang araw ko pa lang dito pero parang sanay na sanay na 'ko. Kung hindi kaya dumating si Jeric kagabi? Kung saan na siguro ako pinulot.

Nang lumabas na siya ng kwarto ay naamoy ko agad ang sabong gamit niya. Mukhang mamahalin at sobrang mabango talaga. Kumbaga nakakapang-akit ang amoy niya. Tss. Ano ba naman itong iniisip ko? Pero kahit sino naman sigurong katulad ko imposibleng hindi humanga sa kanya, 'no.

"Whoa, chicken adobo ba 'yan?"sabi niya nang makalapit sa dining table.

"Oo. Yan lang kasi ang may available na nakita ko kanina,eh."

"It's my favorite!"

"T-talaga?"

"Akala ko nga since wala na 'kong time magluto para sa sarili ko masasayang na lang,eh. Buti na lang madiskarte ka,"

Feeling ko nag-init ang pisngi ko.

"Hindi naman. Sige kumain na tayo,"

Naupo na kaming dalawa. As usual, nagdasal muna ako. Pagmulat ko ng mata ko, nagulat ako dahil titig na titig sa akin si Jeric. Nailang tuloy ako.

"Bakit?"

"Nothing. I just find you amazing. Kayong mga taga-probinsiya, you still keep values. Let's eat."

***

"Do you need help?"tanong niya sa akin nang simulan ko nang ligpitin ang mga pinagkainan namin.

"Hindi na, kakaunti lang naman ang mga 'to,eh. Kaya ko na."

"Sige na ako na ang magdadala,"

Tapos kinuha niya sa akin ang mga plato at dinala sa lababo.

"Okay na. Magpahinga ka na. Pagod ka pa,eh,"

"Are you sure?"

"Oo nga, sige na du'n ka na,"

Sa sala siya dumiretso dahil narinig kong bumukas ang tv. Ganito ba ang routine niya araw-araw? Nakakapagod naman pala. Bakit pa kasi niya kailangang magpakahirap kung mayaman naman na siya?

Nang matapos ako ay pinuntahan ko siya sa sala.

"Halika, Sandy tabihan mo 'ko dito," sabi niya at iminiwestra ang side niya.

Sumunod naman ako. Curious kasi ako kung ano ang pinapanood niya.

"Ano ba 'yang pinapanood mo?"

"News forum."

"News ano? Parang wala naman akong maintindihan diyan,eh,"

"As businessmen, dapat lang na maging aware kami sa takbo ng economy ngayon so we know how to cope up with everything,"

"Wala naman akong naintindihan sa sinabi mo, eh."

Natawa siya."Edi ilipat natin sa channel na gusto mo."

"Baka nababaduyan ka lang sa mga teleserye, wag na lang."

"I won't mind. Kasi si Mom mahilig din sa mga ganyan,eh. Most women do, right?"

"Tama ka nga. Libangan nga namin ni Nanay ang panonood,eh,"

"So go ahead," at iniabot niya sa akin ang remote.

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon