Chapter Seven

32.9K 433 4
                                    

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Seven

"Pumili na po kayo ng damit na gusto niyo, Ma'am,"sabi nung babae nang lumapit na kami sa stand ng mga damit.

"Miss ang totoo hindi ko alam kung bakit kailangan ko ng mga 'to kaya hindi ko alam kung ano ang gusto ko,"

Ngumiti ang salesgirl.

"Kung ganun pumili na lang po tayo ng kung ano'ng babagay sa inyo,"

Tapos may kinuha siyang kulay pulang dress na hanggang itaas ng tuhod.

"Ito po isukat niyo."

Itinuro niya ako sa maliit na fitting room. Ang hirap naman kung alam ko lang sanang magsusukat ako hindi na sana ako nag-jeans. May salamin din doon sa fitting room. Nang tingnan ko ang sarili ko ay nagulat ako. Parang may nag-iba sa akin. Parang tube-type ang style at may sequins na design sa laylayan. First time kong magsuot ng ganoon sa buhay ko.

Lumabas na ako at napanganga agad ang sales girl.

"Wow! Ma'am, you look stunning!"

Nakita kong napatingin din si Jeric sa direksyon namin. Nakita ko siyang napatitig kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi naman yata bagay,eh.

"Look, Sir, how do you find her?"

Alam ko naman,eh. Hindi bagay. Sinasabi lang ng babaeng 'to na maganda para makabenta siya.

"Gorgeous,"

Gulat na napatingin ako kay Jeric. Ano'ng sabi niya?

"She looks gorgeous. I'll take that."

"Okay, sir. Shoes na lang ang kulang sa kanya."

Dinala naman niya ako sa mga stand ng sapatos.

"Ito po Ma'am, i-try niyo."

Naupo ako sa isang silya at pinasukat niya sa akin ang isang pares ng itim na sapatos na may two inches ang heels. Hindi din ako sanay magsuot ng ganito. Sana naman hindi ako matumba. Nagkasya naman siya kaya lang muntik na 'kong matumba nang tumayo ako.

"Oops, careful po, Ma'am. Ayan naman pala bagay sa inyo,eh! Sir, what do you think?"

"More gorgeous than ever,"

Feeling ko nag-init ang pisngi ko. Tss. Ito talagang si Jeric, o. Bolahin pa 'ko.

"Kasi hindi ako sanay sa ganito,eh."

"Then from now on, masanay ka na,"tumayo siya at lumapit sa akin. "Miss, gusto kong dagdagan ang dress at sapatos niya. You know what would fit her now, right?"

"Yes, sir! Excuse me po,"

"Hindi ka na mukhang probinsiyana," sabi niya.

"Proud naman ako kung sa'n man ako nanggaling,eh."

"Alam ko," he took my hand and made me turn."Perfect, Sandy."

"Hindi naman ako pwedeng maglinis ng bahay na nakaganito, 'di ba?"

"Trust me, magagamit mo yan."and he gave me the smile that makes my heart melt.

Nagpalit ulit ako para mabayaran na ni Jeric ang mga damit at yung sapatos.

Sunod na pinuntahan namin ang tindahan ng mga cosmetics at mga beauty products.

"Jeric, hindi naman ako gumagamit ng mga ganito,eh. Hindi ako marunong,"

"Sandy, matutunan mo din yun, okay?"

May lumapit sa aming bading na may katungkulan sa store na iyon.

"Hallow! What can I do for you lovebirds?"

"She needs a set of make up. Probably light ones."sagot ni Jeric.

"No problem. Come with me, lovely lady!"at hinila ako ng bading papunta sa stand ng mga make up.

Light foundation, eyeliners, tweezers, masscara, at lip gloss ang mga pinili ko. Hindi ko feel ang eyeshadows, para kasing yung mga ginagamit ng mga babae dun sa bar ni Sally,eh. Pero sabi ng bading na nagpakilalang Georgia, kahit blush on na lang daw kaya dinagdag ko na rin. Ewan ko ba at para saan na naman eh hindi naman pwedeng magmake-up ako habang nagluluto.

Binayaran yun ni Jeric at pagkatapos ay umalis na kami. Niyaya niya akong magdinner sa isang restaurant doon. Nang tingnan ko ang mga customer doon, lahat sila ang gagara ng mga suot at may mga sinabi sa buhay. Nailang tuloy ako. Parang hind naman ako bagay dun, nandoon lang naman ako dahil kasama ko si Jeric na amo ko.

Tapos may lumapit na waiter at kinuha ang mga order namin.

"Ikaw, Sandy, ano ang gusto mo?"

"Ha? Hindi ko alam,eh. Ikaw na lang ang bahala,"

"Okay."tapos tumingin siya sa menu at sinabi sa waiter ang mga pagkaing bago sa pandinig ko. Mga pangalan ba talaga ng pagkain yun?

Dumating na din ang order namin. Umusal ako ng dasal at nagsimula na kaming kumain. Ginutom ako sa paglilibot kanina at nangangalay na din ang paa ko. Ang sosyal pati pagkakalagay ng pagkain sa plato. Nakakahinayang kainin. Mas gusto ko pa dun sa fast food, eh.

Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa grocery store para mamili ng mga bagong stocks ng pagkain at kung anu-ano pa. Grabe siya, hindi pa nga nauubos ang laman ng ref niya bibili na naman siya ng bago. Pero nakaka-enjoy palang mamili. Nagdecide na din kaming umuwi pagkatapos nun at ang dami naming bitbit na dalawa.

"Hindi ka ba nabibigatan?"tanong niya sa 'kin nang papunta na kami sa parking lot.

"Hindi naman. Di naman masyadong mabigat,eh."

Inilagay namin ang mga pinamili namin sa loob ng compartment at pumwesto sa harap. Hindi ko alam kung ano'ng oras na nun. Pagod na ako at parang gusto ko na agad matulog pagdating pa lang sa condo.

"Jeric, nalibang talaga ako. Maraming salamat sa pagsama sa akin, ha?"

"You don't have to thank me, Sandy. Nalibang din naman ako,eh."

Naghihikab na ako nang makadating na kami sa condo niya.

"Dumiretso ka na sa kwarto kung inaantok ka na talaga,"

"Good night, Jeric."

"Good night, Sandy."

Maganda pala sa mall. Lahat ng kailangan ng tao nandoon. Sana maisama ko din sina Nanay doon. Tiyak na magugustuhan nila ang mga makikita nila.

At si Jeric, puro kabutihan na lang ang ipinapakita niya. Kapag nagpatuloy 'to, natatakot ako na baka mas lumalim pa sa paghanga ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano.

Maaga akong magising dapat dahil marami pa akong gagawin buong araw.

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon