Dedicated to @mgracee_hanu ba? Wag mo naman isabotage engagement namin. Hahaha
***
His Past Time Girl by LittleRedYasha
Chapter Eighteen
I reached for his face. He is really beautiful. Kung bakit kasi sinanay ko ang sarili ko na mukha niya lagi ang nakikita ko sa umaga pagmulat ko hanggang sa pagpikit ko sa gabi. Bakit ba ang hirap i-sink in sa isip at puso ko na mawawala na siya sa tabi ko?
Jeric.. .
Napamulat siya at hinuli ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
"My Sandy, why are you crying?" tanong niya na may pag-aalala sa boses.
Kainis. Kung hindi pa niya pinuna hindi ko pa mapapansin na kanina pa tumutulo ang mga luha ko.
Ilang beses na ba niya 'kong sinabihang wag iiyak sa harap niya?
"Nagising kita. Sorry,"
"I said why are you crying?"
"W-wala. Wag mo na lang akong pansinin,"
"Wag pansinin? You won't cry for no reason, Sandy," he adjusted himself at sumandal sa head board ng kama.
Ako naman, pinahid ko ang mga luha ko.
"Wala nga 'to. Alam mo, matulog ka na lang ulit. Maaga ka pa dapat bukas, hindi ba?"
"You think makakatulog ako nang hindi ko alam ang dahilan ng pag-iyak mo?"
"Nagda-drama lang ako kasi mami-miss kita, tayo, ito. Lahat-lahat. Well, siguro dumating lang sa point na hanggang dito na lang tayo. Napakalaki nang naitulong mo sa akin, Jeric. Binago mo ang buhay ko,"
"So ayaw mo ngang mawala ako?"
"Ayoko."
"Bakit?"
"Kasi.. ..kasi ayun nga, nasabi ko na,"
"Yon lang?"
"O-oo."
"Okay," aniya at may nahimigan yata akong pagkadismaya sa boses niya.
"Pasensiya ka na sa 'kin. Ganito lang talaga ako. Hindi mo na mababago sa 'kin 'to,"
"Your tears are my weakness, you know that. And I love when you make me weak, Sandy. But please wag naman palagi or I'll lose myself,"
He kissed the tip of my nose.
"Baka dapat maghanap na 'ko ng boyfriend simula bukas. Iba na ang magma-may ari sayo kapag na-engaged ka na,eh." biro ko.
"Didn't you promise me na hindi mo 'ko iiwan?"
"Hindi naman ako ang mang-iiwan,eh. Ikaw."
"Shut up," sabi niya at hinalikan ako sa labi ko.
"Matulog ka na kaya?"
"Okay," humiga uli siya at kinabig niya ang ulo ko pahiga sa hubad niyang dibdib."Kids need enough sleep for proper growth,"
"Ako ba yung sinasabihan mo?"
"Yes,"
Marahan ko siyang kinurot sa pisngi.
"Hindi na nga ako bata,"
"Yes, you are. Good mornight, Sandy. Bawal sa 'tin ang mapuyat,"
Mornight. Napatingin ako sa maliit na alarm clock sa bedside table. Two A. M na pala. Yumakap ako sa beywang niya at pumikit na.
***
"Ba't hindi ka pa umaalis? Male-late ka na sa office," sabi ko sa kanya nang mapansin kong hindi siya nagmamadali sa pagkilos.
"Gusto kitang hintayin kasi ihahatid kita kay Fifi. Para makapag-usap naman tayo nang mas matagal. Alam ko naman na magiging busy ka na buong linggo. Next weekend na naman kita masosolo,"
Kunwari umingos ako pero agad ding napalitan ng ngiti.
"Sige kukunin ko lang yung bag ko," sabi ko naman.
Habang nakahinto ang kotse dahil sa stoplight, may batang lalaking nagbibenta ng mga rosas ang kumatok sa bintana sa side ni Jeric. Binaba naman niya ang windshield.
"Kuya, bilhin mo na po 'tong mga bulaklak ko, sige na po. Tatlo na lang po, o. Sige na po, pambaon lang,"
Agad naman akong naawa sa bata. Naisip ko agad ang kapatid kong si Tikboy. Hindi ko lubos maisip kung siya ang nasa sitwasyon ng batang ito.
"Magkano ba yang binebenta mo, ha?" tanong naman ni Jeric.
"One hundred po tig-isa, Kuya. Three hundred po kung bibilhin niyo lahat,"
"May panukli kang five hundred?" tanong naman ni Jeric na naglabas ng parehong halaga sa wallet niya.
Napakamot ang bata.
"Wala po,eh."
"Sige, akin na yang mga bulaklak tapos sayo na 'tong sukli,"
Hindi makapaniwala ang bata.
"Sigurado po kayo?"
"Oo. Basta aasahan kong pambaon mo yan, ha?"
"Siyempre naman po! Heto po, o. Thank you po. God bless you po!"
At bigla na lang siyang nawala. Napangiti na lamang ako.
"These are for you," sabi niyang iniabot sa 'kin ang mga rosas.
Nagulat ako."Thank you. Ang sweet mo naman,"
"You're welcome. But a kiss would be better,"
Ang akala ko he meant a simple kiss on the cheek pero hindi pa dumadampi ang labi ko bigla siyang humarap kaya tumama iyon sa mga labi niya.
"Bakit--ang daya mo!" sabi ko at hinampas siya sabalikat.
Tumawa lang siya. Nagkulay green na ang traffic light kaya nakausad na din kami.
"Salamat uli dito, Jeric."
"Anything for you,"
Ilang sandali pa nakarating na din kami sa House of Fifi.
"Sandy, pwede bang ihatid kita hanggang sa loob?"
"Jeric, late na late ka na sa office promise."
"Please?"
That childish look of his, sige nga, paano na naman ako makakatanggi?
"Sige na nga,"
Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob hanggang sa makarating kami sa office.
"O, okay na. Siguro naman aalis ka na dahil mahirap nang hindi ka makapaghanap-buhay kapag na-late ka,"
"Take care of yourself, Sandy, okay?"
"Ikaw din, Jeric,"
Yumuko siya at dinampian ako nang mabilis na halik.
"I'll call you,"
"Ikaw ang bahala. Ingat sa biyahe,"
"Sure,"
Hinatid ko siya nang tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
***
"Nakasalubong ko si Jeric sa labas kanina, hinatid ka niya?" tanong sa akin ni Fifi nang dumating na siya ilang sandali pa.
"Ah, oo. Magkasunod lang kasi tayong dumating,"
"Infairness naman, gwapo siya as ever. Galing mo talaga mamingwit, girl!"
Umirap lang ako. Kung alam lang niyang sandaling panahon na lang hindi na ako magiging parte ng buhay ni Jeric.
"Hindi din," dagdag ko pa.
"O sige, akin na lang siya,"
***
Makikipag-agawan ako kay Fifi, bahala na. Joke lang. Votes and comments lang, libre po ang mga yan. Hihi
-LRY
BINABASA MO ANG
His Past Time Girl (Published)
RomanceSynopsis: Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya inakalang isang bangungot ang kalalabasan ng lahat. Mabuti na lamang...