Chapter Twenty-Five

27.1K 406 19
                                    

His Past Time Girl by LitteRedYasha

Chapter Twenty- Five

Nag-insist na naman siyang ihatid ako sa House of Fifi at pumayag naman ako. Sa ganoong paraan mas makakapag-usap kami nang matagal. Hinatid din niya 'ko sa loob ng opisina at nandoon na si Fifi.

"Hi, Fifi," bati ni Jeric na malapad ang ngiti.

"At ano ang meron sa ngiting yan? Para hindi kita pagalitan dahil ngayon mo lang ibinalik ang partner ko, ha? Magdusa ka," ismid ni Fifi kunwari.

"Fifi naman. Five days in a week na nandito si Sandy tapos sa 'kin during weekends lang, hindi mo talaga ako mapapatawad?"

"Hindi. Alam mo namang siya lang ang maasahan ko dito sa House of Fifi, 'di ba? At malapit na ang fashion show, kailangan naming magdouble time sa preparations!"

"Then what do you want me to do?"

"Madali naman akong kausap,eh. Isang pabor lang naman ang hihingin ko. Kung pwede,"

"Sure. Ano ba 'yon?"

"We need sponsors. Pwede ka ba? Sige na, kapag pumayag ka kahit kailan pwede mong itanan 'tong si Sandy just as long as ibabalik mo din siya,"

"Fifi!" gulat na react ko.

"Sure. Yon lang pala,eh," sabi naman ni Jeric.

Pinandilatan ko si Jeric. Isa pa 'to!

Mula sa masungit ay ngumiti nang nakakaloka si Fifi. Baliw na bakla ito.

"Thanks, Jeric! I always knew I can count on you!"

"Just keep your promise. I can have Sandy anytime I want."

"Sure! Pero madaya ka. Bukas sa'yo na naman ulit si Sandy. Basta ang pangako mo, ha. Ibabalik mo pa rin siya."

"Oo naman. Yun lang pala,eh."

"Jeric, pwede ka nang umalis. Late ka na sa office. Kahapon um-absent ka na,eh," sabi ko naman.

"Sige na nga. I'll go ahead. Tinataboy mo na 'ko,eh."

He leaned forward and gave me a quick kiss.

"Ingat ka," sabi ko.

"Ikaw din. Bye, Fifi."

"Bye, gorgeous!"

Hinatid ko siya ng tingin sa labas. Lumingon pa siya at nag-flying kiss. Napangiti ako. He's already thirty yet his charms are still those of a boy. Pero siyempre hindi ko naman masisi ang iba kung sinasabi man nila masyado akong bata para sa kanya.

At tsaka hindi naman na ako ang para sa kanya.

"I know that look, Sandy," sabi sa 'kin ni Fifi.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Yan yong tingin na ayaw mong mawala si Jeric at kung pwede lang wag na siyang ikasal sa iba."

"Hindi,ah." kaila ko naman at lumapit sa desk ko para simulang magtrabaho.

"Tayong dalawa lang naman ang nandito,eh. Okay lang yan," sabi niya at nakikita ko namang concern siya.

Napabuntong-hininga ako at malungkot na ngumiti.

"Oo na. Kayo na ang psychic,"

"Sinubukan mo na ba siyang pigilang ituloy ang engagement at ang kasal niya?"

"Hindi,"

"At bakit hindi?"

"Dahil wala ako sa posisyon. Ganun lang kasimple,"

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon