Chapter Sixteen

30K 442 14
                                    

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Sixteen

"Jeric, boto ka naman siguro kay Thomas, 'di ba?" tanong ko nang pumasok na kami sa elevator.

"Hmm. Let's see.. ." aniyang napaisip. "Kasi kay Thomas ko lang naman balak ipagkatiwala ang kapatid ko at hindi kung kani-kanino."

"Talaga?"

"Yeah. But of course, ayoko namang makialam sa kanilang dalawa. If they wanted to be together, it's their choice."

"Kungsabagay,"

"Why are you so interested with those two?"

"Wala lang. Bakit masama ba?"

"Oo. Problema kasi nila 'yon at labas na tayo."

"Edi hindi na 'ko magtatanong kung ganun,"

"Good."

Naupo agad ako sa sofa pagdating namin at nilapag naman ni Jeric ang mga pinamili namin sa mesa.

"Ang sakit ng katawan ko," sabi ko.

"Hey, how would you like some ice cream?"

"Hmm? Asan? Gusto ko yan!"

May kinuha siyang isang galon ata ng ice cream na chocolate flavor mula sa ref at nilapag sa mesa sa sala. Tapos kumuha siya ng baso at kutsara mula sa kusina. Wala akong ganang maghapunan pa pero kapag ice cream ang pag-uusapan, hindi ako aayaw.

"Here, help yourself," nakangiting sabi niya at iniwan na naman ako para pumasok sa kwarto.

Ano naman ba ang gagawin niya dun? Kumuha ako ng ice cream at sarap na sarap ako habang kumakain. Na-miss ko talaga kumain. Kasi naman hindi din kami madalas kumain nito dun sa probinsiya, tuwing may birthday lang at hindi pa kasing mahal nitong kinakain ko ngayon.

Ang bait talaga ni Jeric.

"Hey, I have to give you something," sabi ni Jeric nang umupo na siya sa tabi ko.

"Ano naman yun?"

May inilabas siyang maliit na pulang box. Nagtaka ako. Ano naman ang laman ng box na hawak niya?

"Here," nang buksan niya ay tumambad sa paningin ko ang dalawang diamond ring.

Nanlaki ang mga mata ko. Mukhang mamahalin! Hindi lang 'yon, kumabog din ang dibdib ko. Hindi ba ang singsing ay para lang sa mga taong magpapakasal?

"I want you to have this one, Sandy." sabi niya at isinuot sa ring finger ko ang singsing at nagkasya naman sa akin.

"B-bakit?"

"This is a sign that wherever you are and whatever you do, you will always remember that you belong with me only. Do you understand?"

Kaya naman pala. Akala ko dahil yayayain na niya akong magpakasal. Ang assuming ko din, eh, 'no? Pero bakit kailangan pang bigyan niya 'ko ng singsing na hindi biro ang halaga?

"Pero bakit kailangang may singsing pa?"

"So that everyone would know, too."

"Napakamahal siguro nito, Jeric. Gumastos ka pa talaga?"

"It's nothing compared to how precious you are, my Sandy." at isinuot din niya ang isang singsing sa daliri niya.

Mukha talaga kaming bagong kasal. Hindi ko mapigilang kiligin.

"Now, I wanna hear from you na pumapayag ka, Sandy. That you will remember that you are mine no matter what happens,"

"Pumapayag ako, Jeric," medyo nahihiya ko pang tugon.

At sumilay ang mga ngiti sa labi niya.

"Let's seal it with a kiss then," he grabbed my waist and claimed my lips and we shared a passionate kiss.

Gusto ni Jeric na sa kanya lang ako. Kakaibang saya ang naramdaman ko.

"You taste like chocolate ice cream," biro pa niya.

"Obvious ba?" napangiting sabi ko.

"Hindi. You see, you have always tasted sweet,"

Tinapik ko ng daliri ang tungki ng ilong niya.

"Wag mo na 'kong bolahin diyan,"

"Keep this ring, okay?"

"Oo. Para sa'yo,"

At hinalikan niya ulit ako. Mahal ko talaga ang lalaking ito.

"You're mine, you're mine, you're mine," sabi niya.

Ang sarap sa pandinig ko ang sinasabi niya.

***

"Hintayin niyo na lang po si Ms. Fifi at lalabas na din siya," sabi ng assistant nitong babae sa amin ni Jennica.

Ngayong araw namin pinuntahan ang Fashion School na pinag-enroll-an sa akin ni Jeric.

"No problem!" sabi naman ni Jennica.

Naghintay lang kami sa loob ng opisina ng may-ari. Ilang sandali pa ay pumasok ang isang baklang may kakaibang style ng pananamit at may kalong na cute na cute na poodle.

"Jennica, bonita! Is that really you?!"

"Hi, Fifi! You look dazzling!"

Tumayo si Jennica at nakipagbeso-beso kay Fifi. Siguro hindi niya totoong pangalan yun. Well sa tingin ko lang naman.

"It's been what, three years of not seeing each other? But ikaw, nababasa kita sa mga magazines. Taray na ng shoe designing career mo dun sa Italy!"

Naku. Sinasabi ko na. Maa-out of place lang ako dito sa dalawa.

"Hindi madali, Fifi. Ang laking struggle din para lang makilala kami. But, masaya na kami ng mga partners ko ngayon. Marami na nga kaming plano para sa expansion, eh."

"That's so nice to hear, dear. Igawa mo din ako ng shoes with my own touch. Para sosyal din ako."

"Wala namang problema dun,eh. Pero hindi talaga yun ang ipinunta ko. Sinamahan ko lang si Sandy, she will be one of your apprentice as what have Kuya told me."

"Oh, that gorgeous brother of yours!"

Napatingin sila sa akin ni Jennica. Yung klase ng tingin ni Figi, parang nangingilatis. Parang ginusto ko tuloy bigla na mag-usap pa sila nang matagal.

"Fifi, I'd like you to meet, Sandy. Please be nice to her or I'll make you wear spiky shoes. Sandy, this is my good friend Fifi, he will be your boss slash mentor from now on,"

*end of flashback*

Halos isang taon din akong naging apprentice ni Fifi. Napakahirap nang pinagdaan ko. Walang formal education, background ko lang sa dressmaking ang binasehan ko. Pero naging pasensyoso siya sa akin. Lahat nang natutunan niya itinuro din niya sa akin. Dahil dun, we became good friends. Sa lahat ng apprentices niya, ako ang sabihin na nating pinakakasundo niya.

Kapag pumupunta siya sa mga fashion shows ng mga kapwa niya designers, ako ang isinasama niya kasi para naman maging aware ako sa mga style nila pati na rin ang kanilang trademarks sa fashion. Malaki daw ang maitutulong nun sa akin para sa pagkaroon ko ng sariling identity balang-araw.

At si Jeric? Napaka-supportive niya sa akin. Hindi na nga ako nakakauwi sa condo niya dahil stay in ako sa Fashion house/school ni Fifi. Minsan dumadalaw siya, sinusundo niya ako at pinagpapaalam pa kay Fifi para lang makalabas kami.

Kung libreng araw ko naman which is weekends, umuuwi ako sa kanya. Noong araw nga na nag-isang taon yung sinabihan niya ako na mag-aaral ako, nagcelebrate kami.

***

Votes and Comments, keep it coming para naman magsipag akong mag-update. Sige na naman. Hehe

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon