His Past Time Girl by LittleRedYasha
Chapter Fifteen
"Mukhang hindi yata magandang idea na isama ngayong araw si Jennica," sabi sa 'kin ni Jeric nang iwan kami ni Jennica na nagbayad muna sa counter.
"Ha? Bakit naman? Ang saya nga niyang kasama,eh,"
"Yun na nga,eh. That you almost forgot about me,"
"Hindi naman sa ganun, ano ka ba?" sabi ko at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya."Nami-miss ko lang magkaroon ng babaeng kaibigan."
"Alam ko naman yun,eh. You are so gullible. Naglalambing lang ako, nilambing mo naman agad ako," kinuha niya ang mga kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
"Ah ganun, ha?"
"May napili ka na ba sa mga sapatos dito?"
"Wala. Hindi naman ako pumili,eh. Nadala na 'ko sa pagsusuot ng mga heels. Sasakit lang ang paa ko,"
"Masasanay ka din dun,"
"Basta. Ayoko na muna. Sasamahan naman ako ni Jennica na maghanap ng mga flats,eh,"
"If that's what you want."
"Lovebirds, wag nga kayong ganyan kapag nasa harapan niyo 'ko. Nakakasama lang kayo ng loob,eh," sabat ni Jennica na bitbit na ang paperbag na may lamang sapatos.
"Kung sinagot mo na lang kasi kahit isa man lang sa mga suitors mo, 'no,"
"Hay naku! To hell are them! Pare- pareho lang silang walang ginawa kundi ipamukha sa akin kung ganu ako kaganda. Nakakasawa na."
Natawa kami ni Jeric.
"Tara na nga, ihahanap ko pa si Sandy ng flats niya," at hinawakan ako ni Jennica sa braso."At ikaw Kuya, hands off ka kay Sandy habang kasama niyo 'ko,"
"What?!" protesta naman ni Jeric.
"Hindi ka naman bingi, di ba? Sandy, let's go!"
Nginitian ko lang si Jeric habang laglag ang mga balikat na sumunod siya sa amin ni Jennica. Ang cute talaga niya.
***
"Hey, it just fitted you! Ito talaga ang uso ngayon, 'no?"
Sa isang shoe store pa kami pumunta. Si Jennica ang pumili ng kulay asul na parang doll shoes sa akin at sinukat ko naman. Nagkasya nga.
"Wala na 'kong masabi sa taste mo, Jen," sabi naman ni Jeric.
"Ako din, Kuya, bilib din naman ako sa taste mo," ani Jennica na sa akin nakatingin.
Nag-init ang pisngi ko.
"Ang sexy ng paa mo, Sandy. Gusto mo bang magmodel ng mga creation ko? Please, please, please?"
"Ha? Ako magmu-model? Wag na. Wala naman akong alam eh. Mapapahiya lang ako,"
"Sandy, nadadaan naman lahat sa training,eh. Basta pag-isipan mong mabuti, ha?"
"Eh, kasi.. ."
"Siyempre naman pag-iisipan ni Sandy," sabat ni Jeric.
"Great! Tara maglibot pa tayo!"
Eh? Seryoso ba ang magkapatid na 'to?
Ibinili din nila ako ng sketch pad at mga lapis at tape measure at kung anu-ano pang typical requirements ng isang fashion designer. Ang sabi pa ni Jennica sasamahan daw niya ako sa first day ko para naman ma-familiarize niya ang papasukan ko at kung papasa ba naman sa panlasa niya kahit pa sinabi ni Jeric na the best fashion school sa bansa ang pinili niya.
Pero hindi naman pala iyon formal education para sa akin kasi aabutin pa ng taon kung ganoon. Bale internship/apprecentiseship lang sa kakilalang sikat na fashion designer ni Jeric. Mas mahirap tingin ko dahil hindi sapat ang kaalaman ko. Nagkasya lang kasi ako sa Dressmaking dati sa probinsiya.
Since iisa lang naman ang may-ari, ang fashion house ay iisa lang din. Na-excite ako kahit kinakabahan.
Kumagat na ang dilim nang magpasya kaming umuwi.
"Ihahatid ka na namin, Jen," sabi ni Jeric.
"No, Kuya. Magku-commute na lang ako kasi kasama ni Dad yung driver at tsaka maa-out of the way lang kayo ni Sandy," sabi naman ni Jen.
"I just want to make sure you're safe, little Sister,"
"I'm a big girl now, Kuya. But samahan niyo na nga muna akong bumili ng cake para kay Mom, pwede ba?"
"Sure,"
Pagdating namin sa parking lot, may nakaparadang familiar na kotse kasunod ng kotse ni Jeric. Nang lumabas ang driver, napataas ang kilay ni Jennica, si Thomas kasi ang nakita namin.
Sumulyap lang siya kay Jennica at mabilis ding nag-iwas ng tingin.
"Tinawagan ko na si Thomas maaga pa lang na ihatid ka, Jen. At least panatag ako na nasa mabuting kamay ka,"
"And you didn't even bother to tell me earlier, Kuya? Cool,"
"I know, right? Bye, Jennica. I love you,"
"I love you, too, Kuya. Bye, Sandy. I had fun," hinalikan niya kami ni Jeric.
"Bye, Jennica. Ingat kayo," sabi ko naman. Kumindat lang siya.
"Mauuna na po kami, Sir," sabi ni Thomas at tumango lang si Jeric. Ipinagbukas pa nito ng pintuan ng tabi ng driver seat si Jennica.
"Tara na din, Sandy," sabi naman ni Jeric at pinapasok na din niya ako sa kotse.
***
"Did you have fun?" tanong ni Jeric nang nasa biyahe na kami.
"Sobrang saya ko ngayong araw, Jeric. Utang ko na naman sayo, 'to. Salamat, ha?"
"Buti ka pa nag-enjoy. Ako hindi kasi hindi naman kita masolo-solo,"
"Lagi naman tayong magkasama sa bahay,eh. Ang arte mo diyan!"
"Yeah, right."
"Seryoso ka bang pagsamahin si Jennica at Thomas ngayon?" tanong ko pa.
"Oo naman. Hindi naman sila mga aso't pusa,eh. You see, halos hindi nga kumikibo yang si Thomas,"
"Gusto din ba ni Thomas si Jennica?"
"I can't say it myself but I have caught him stealing glances at my sister ilang beses na," nakangiting sagot ni Jeric.
"Bakit hindi niya ligawan si Jennica kung ganun?"
"Natotorpe siguro? Or tinitingnan din niya na hindi sila bagay dahil na rin sa katayuan nilang dalawa,"
Okay. Wala ba yung pinagkaiba sa iniisip ko na hindi ako pwedeng mahalin ni Jeric dahil din sa estado naming dalawa?
Pero magaling namang abogado si Thomas,eh. Tsaka mataas na ang posisyon niya at malaki ang sahod niya. At pareho sila ng nararamdaman ni Jennica. Mahirap pa din umasa.
Bumaba agad ako nang pagbuksan ni Jeric ang pinto sa side ko. Nauna akong humakbang sa kanya papasok ng building pero hinabol niya ako at hinuli ang kamay ko.
"Hindi mo na 'ko hinihintay, ah,"
Ngumiti lang ako.
***
Votes and Comments niyo naman diyan.
-LittleRedYasha
BINABASA MO ANG
His Past Time Girl (Published)
RomanceSynopsis: Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya inakalang isang bangungot ang kalalabasan ng lahat. Mabuti na lamang...