Chapter Twenty- Two

27.3K 400 9
                                    

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Twenty- Two

"Alam kong hindi mo sinasadya 'yon, Jeric. Please 'wag mo nang sasaktan ang sarili mo," I pulled his head at nagdikit ang mga noo namin.

"Mapapatawad mo pa ba 'ko?"

"Hindi naman ako galit sa'yo,eh. Tuloy nasugatan ka pa,"

"It's nothing kumpara sa ginawa ko sa'yo. I'm really sorry, Sandy."

"Ssh. Okay na. Kanina ka pa nagsu-sorry diyan,eh. Ipangako mo na lang sa 'kin na hindi mo na uulitin 'yon."

"Okay. Hindi na mangyayari ulit ito, pangako,"

I reached for his lips with mine and he encircled my waist.

"Dapat siguro gamutin natin ang kamay mo," sabi ko.

"Hindi na kailangan. Wala 'to,"

"Sige na, 'wag nang matigas ang ulo mo. Gamutin na natin ang kamay mo,"

Kumuha lang kami ng robe para ibalot ang mga sarili namin. Kinuha ko ang first aid kit sa closet habang naupo naman siya sa kama.

"Pa'no ka ngayon magtatrabaho nito? Hindi mo maigagalaw nang maayos ang kamay mo,"

"Andiyan naman si Thomas,eh,"

"At siguradong magtataka si Fifi dahil hindi ako umuwi sa kanya,"

"Pa'no pa siya magtataka kung alam naman niyang ako ang kasama mo?"

"May tiwala si Fifi sa'yo,"

"Yeah. Ako lang naman ang walang tiwala sa sarili ko,"

Pinisil ko ang isang kamay niya.

"Kalimutan na lang natin ang hindi magandang nangyari ngayong gabi, pwede ba?""

"Alam mo bang lalo akong nagi-guilty kapag ganyan ka?"

"Kaya nga gusto kong 'wag ka nang ma-guilty, 'di ba? Jeric, makinig ka naman sa 'kin. Si Denver, wala lang yun, nililibang lang niya 'ko,"

"Yun na nga,eh. I overreacted. I became violent,"

I cupped his face and kissed him. Ayoko na siyang magsalita pa. Ayoko na siyang ma-guilty nang walang rason. Hindi ko siya matitiis kahit kailan. Mahal ko siya,eh.

"I hate myself for making you cry,"

"All this time wala ka namang ginawa kundi ibigay lahat ng kailangan ko at pasayahin ako. Jeric, hindi mo naman ginusto 'to, 'di ba?"

"Hindi, Sandy. Hindi talaga,"

"Kaya please lang kalimutan na natin 'yon, okay?"

Hinalikan ko siya sa noo, sa tungki ng ilong, sa mga pisngi at sa labi uli.

Niyakap niya ako at tinugon ang halik ko. His tongue explored my mouth and it brought me shivers all over my system. Dahan-dahan niya 'kong hiniga while undoing the lace of my robe.

Napanatag ang loob ko. Relieve na ako na okay na si Jeric at ayoko na siyang ma-guilty pa.

"Promise me you'll never leave me, Sandy," he said like a child asking for assurance.

"Hindi kita iiwan, Jeric "

Kahit iwan mo 'ko, nandito pa rin ako para sa'yo. Ganoon kita kamahal.

***

Nagising ako na nakayakap siya sa beywang ko at ang mukha niya ay nakasubsob sa buhok ko. Tulog na tulog pa siya. He looks so peaceful and beautiful. Magmamahal pa kaya ako ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya? Hindi ko man masabi, sa tingin ko pa rin imposible.

Maingat akong bumangon at naghanap ng t-shirt na maisusuot. Dumiretso ako sa banyo at nagshower. Natapos ako pero siya tulog na tulog pa rin.

I will surely miss waking up for his face.

Dumiretso na agad ako sa kusina para ipagluto siya ng breakfast. Nagsisisi ako somehow na kailangan kong tutukan ang pangarap ko. Nahati kasi ang panahon ko at hindi ko na siya naasikaso.

Hinahanda ko na ang mesa nang bigla niya 'kong yakapin sa beywang at halikan ako sa buhok. Nagising na pala siya hindi ko man lang namalayan.

"Good morning, Sandy,"

"Good morning din, Jeric,"

"I missed your morning scent, alam mo ba 'yon?"

"Na-miss ko din naman ang pambobola mo,eh,"

"I'm sorry about last night. I promise hindi na 'yon mauulit. I was just jealous,"

So selos ang dahilan niya? I felt flattered despite what happened. He really does want me. Maybe not just the way I wanted him. But still he wants me.

"Jeric--"

"Shit, Sandy. Ako ba ang may gawa nito?"

Napansin niya ang mga pulang marka sa braso ko.

"Wala 'to. Gagaling din 'to mga ilang araw lang,"

Napamura na naman siya. Hinarap ko siya at hinawakan ang kamao niyang may benda.

"Kamusta na ang kamay mo?"

Tumitig lang siya sa mga mata ko.

"Palitan natin 'to mamaya para hindi ma-infect."

Bigla na lang niya 'kong kinulong sa mga bisig niya.

"How could you still care for me sa kabila nang ginawa ko sa'yo?" tanong pa niya.

Simple lang naman ang sagot dun,eh. Mahal ko kasi siya.

"Ewan ko. Hindi ko naman kasi magawang magalit sa'yo kasi mahalaga ka," sagot ko sa kanyang nakangiti."So sa tingin ko wala ka nang rason para magalit sa sarili mo,"

"Pa'no ba 'ko makakabawi sa'yo?"

"Wala ka naman kailangang gawin,eh."

"Parang wala akong ganang pumasok ngayon."

"Ano? At pa'no naman ang kompanya niyo?"

"Thomas can take over."

"Kapag ikinasal na kayo ni Leilah magiging presidente ka na ng kompanya. Hindi ba dapat na mas igihan mo pa ang pagtrabaho?"

"Di ba sabi ko sa'yo wag mo siyang babanggitin kapag magkasama tayo?"

"Dahil ba sa hindi mo din ako binabanggit kapag magkasama kayo?"

"Oo. Baka kasi ipagmayabang lang kita sa kanya at ma-insecure siya,"

Kinurot ko siya sa tagiliran at napakislot naman siya. Kung alam lang niyang grabe ang pagka-insecure ko sa fiancee niya.

"Mag-shower ka na,"

"Samahan mo 'ko,"

"Kanina pa 'ko tapos magshower,eh,"

"Shower ka na lang ulit kung ganu'n,"

"Ayoko nga. Sayang yung tubig,eh,"

"Wag ka munang magreport kay Fifi. Samahan mo muna 'ko. Dito lang tayo. Buong araw. Please, Sandy,"

Pa'no ko ba siya matatanggihan?

"Sige. Magpapaalam ako kay Fifi,"

Pagbibigyan ko na naman siya. Tutal naman kapag ikinasal na siya, hindi na siya makakahingi pa ng pabor sa akin.

Tumawag nga ako kay Fifi. Luckily pumayag naman siya . Nagbreakfast muna kami bago nagshower si Jeric at pinipilit talaga niya 'ko.

"Basta ayoko. Kung ako sa'yo bilisan mo na para--basta magshower ka na kasi!"

"Sige na nga. Baka magbago pa isip mo,eh,"

Dumiretso ako sa sala at pinakialaman ang media player niya. Gusto daw niyang magmovie marathon kami kaya naghanap ako ng mga DVDs sa lalagyan niya. Random ang genre ng movies ang nandoon at mostly foreign.

Nahugot ko ang unang nahawakan ko. The Proposal. Maganda ba ang movie na 'to? Siguro. Maisalang nga.

***

Votes and Comments naman diyan. Sarap magdi-dedicate,eh. Hehe

-LRY

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon