Chapter Five

34.6K 561 10
                                    

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Five

LittleRed's Note:

Heya! Bale part pa din ito ng flashback. Baka kasi malito kayo,eh. Please do cast your votes and comments, okay? Mwah!

***

Nanood lang kami ng teleserye. Tahimik lang siya sa tabi ko. Gusto ko man siyang lingunin eh nahihiya ako.

"Jeric?"

"Hmm?"

"Hindi ka pa ba inaantok? Baka kasi gusto mo nang matulog,"

"How about pag-usapan muna natin ang plano mo?"sa halip ay sabi niya.

"Sa totoo lang hindi ko pa alam,eh. Pero gusto ko sanang maghanap ng maayos na trabaho. Kaya lang hanggang highschool lang naman ang natapos ko,eh."

"Bakit hindi ka nagcollege?"

"Hindi kasi namin kaya,eh. Sapat lang yung kita para sa pang-araw-araw namin sa bahay. Kaya nga ako lumuwas kasi gusto kong makatulong,"

"Sandy, payag ka bang maging housemate ko? Like you'll do all the chores here and then bibigyan kita ng sweldo. Magkano ba gusto mo?"

Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Jeric.

"Totoo? Bibigyan mo 'ko ng trabaho?"

"Kung payag ka sa alok ko. Pakiramdam ko kasi kailangan kita dito,"

"Siyempre naman payag ako! Kahit naman ano basta makakatulong sa pamilya ko gagawin ko!"tapos naluha na lang ako."Thank you, Jeric!"at niyakap ko siya bigla.

"Er--wala naman sa 'kin yun eh. Basta ba wag ka lang iiyak."

"Eh ikaw naman kasi sobra ka kung makatulong."kumalas ako sa kanya at pinahid ang luha ko.

"Gusto kitang tulungan because it makes me feel good inside. And Sandy, ayoko namang mabale-wala lang ang sakripisyo mo for your family."

"Ikaw ba ang guardian angel ko? Ba't ang bait mo sa 'kin?"

"Ha? Akala ko naman dahil sa gwapo ako at mukha akong anghel."

"Pwede rin."

"Haha. Kung inaantok ka na matulog ka na dun sa kwarto."

"Dito ka na naman matutulog? Nakakahiya naman, ikaw ang amo ko,eh,"

"Alangan namang magtabi tayo dun sa kama?"

Namula ako dun sa sinabi niya.

"Biro lang. Siyempre, babae ka,eh. I always have to give way for women. Mind you, kaya kong matulog kung saan-saan. Good night, Sandy."

"Goodnight, Jeric."

Alam niyo yung pakiramdam na may nagbigay sayo ng pag-asa? Ito yun,eh.

***

As usual maaga na naman akong nagising para ipaghanda ng breakfast si Jeric. Kakaiba ang pakiramdam ko kasi iyon na ang trabaho ko at makakapagpadala na din ako ng pera kina Nanay kapag nagkataon.

"Good morning, Sir Jeric!"bati ko sa kanya nang makita ko siyang bumangon.

"What was that? You, calling me with Sir?"pupungas-pungas pang sabi niya.

"Oo. Kasi di ba simula ngayon amo na kita? Dapat lang na tawagin kitang ganun,"

"At bilang amo mo inuutusan kitang tawagin na lang ako sa pangalan ko. Ang awkward,eh. Masyadong formal."

"Pero kasi--"

"Or gusto mong masisante agad?"

"'Wag naman! Okay, wala nang Sir. Basta magshower na po kayo kasi handa na ang breakfast niyo."

"Thanks, Sandy,"

Tinungo na niya ang kwarto at sinundan ko siya ng tingin. Ang gwapo talaga niya kahit bagong gising.

"And you even prepare my suit," sabi niya nang lumabas na siya ng silid at inaayos amg necktie niya.

"Nakialam na 'ko sa closet mo. Di ba parte pa din ng trabaho ko yun?"

"Nope. Housewives do."

"T-talaga? Ganun talaga kami sa bahay madalas,eh. Pasensya na,"

"Why say sorry? Maganda nga ang taste mo eh. Thanks, Sandy."

"Magbreakfast ka na."

"Gusto ko walang magbago kahit nagtatrabaho ka para sa 'kin. So let's go. Join me,"

"S-sige."

Binilinan lang niya ako ulit na tumawag kapag may problema pero sa tingin ko mukhang wala naman. Nang makaalis na siya ay sina Nanay ang tinawagan ko. Sa amin kasing tatlong magkakapatid si Kuya Boyet lang ang may cellphone. Buti na lang at memorize ko ang number niya.

Miss na miss ko na sila. Mag-iisang linggo na rin kasi ako sa Maynila at gusto ko namang marinig ang boses nila para mabawasan ang lungkot ko.

"Hello, sino 'to?"bungad agad ni Kuya Boyet nang sagutin niya.

"Kuya! Si Sandy 'to. Kamusta na kayo?"

"Sandy? Ikaw nga ba yan? Nay, nay, si Sandy po tumawag!"

Tapos narinig ko ang boses ni Nanay at ng bunso namin na si Tikboy.

"Si Sandy? Akin na, pakausap sa kanya!"

"Ako din kuya, pakausap kay Ate!"

"Hello, Nanay?"

Di ko maiwasan ang paggaralgal nang boses ko nang magsalita na si Nanay.

"Sandy, anak? Kamusta ka na diyan? Maayos ba ang kalagayan mo diyan?"

"Maayos naman po ako dito, Nay. Ahm, may trabaho na nga ho pala ako dito. Sa susunod na buwan baka po makapagpadala na ko diyan sa inyo."

"Naku salamat naman at magkaganoon anak! Mabuti na lang. Eh ano ba ang klase ng trabaho mo diyan?"

"Kasambahay po. Mabait din po ang amo ko dito, Nay. Makakatawag din ako nang madalas sa inyo diyan."

"Mabuti naman kung ganoon. Basta mag-iingat ka palagi diyan,ha? Wag mong pabayaan ang sarili mo."

"Opo, Nay. Kayo din po. Wag niyo po akong alalahanin dito. Balitaan niyo po ako lagi, ha?"

Siyempre hindi naman pumayag si Tikboy na hindi niya ako makausap. Marami siyang kwento at nami-miss ko na ang kakulitan niya ngayong hindi na kami magkasama. Iyak nga ako ng iyak matapos ang tawag. Kahit naghihirap kami at least masaya naman kami sa buhay namin. Hindi bale, magkakasama din naman kami, eh. Hindi nga lang ngayon pero balang araw.

***

Vote and Comment please!

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon