His Past Time Girl by LittleRedYasha
Chapter Twenty- Four
"Ano'ng gusto mo for dinner?" tanong ko sa kanya nang maghapon na.
"You,"
Inirapan ko siya."Kainin I mean,"
"Yeah, you."
Pinameywangan ko siya. Siya naman ngumisi lang. Hinuli niya ako at niyakap sa beywang.
"I'm just kidding. Siyempre ikaw ang bahala. Kahit ano naman ang lutuin mo masarap eh,"
"Sabi mo 'yan, ha?"
"Uhuh,"
Napatili ako nang bigla na lang niya 'kong inikot kaya naman napakapit ako sa kanya.
"Ano ba?!"
"Ang bigat mo!"
"Ibaba mo 'ko--ay!" at inikot niya 'ko ulit. We were laughing.
"Hindi. Masaya 'to,eh,"
"Jeric, baka mabitawan mo 'ko!"
"No, of course not! Kayang-kaya kita,eh,"
"Nahihilo na 'ko,eh. Ibaba mo na nga 'ko!"
"Sabi mo,eh,"
Ipinasok niya 'ko sa kwarto at ibinagsak sa kama.
"Ayy!"
Pumaimbabaw naman siya sa 'kin.
"Sira ka talaga!" sabi ko at hinampas siya sa braso.
"Gusto mo ulitin natin?"
"Ayoko nga. Nahihilo na 'ko,eh,"
Hinalikan niya 'ko sa noo.
"Thank you for coming into my life," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ako dapat ang magsabi niyan, Jeric," sabi ko naman and traced the outline of his bottom lip with my thumb. It twitched and I smiled.
"You really love teasing me,"
"Am I teasing you?" painosente kong tanong.
"Especially when you don't seem to know it, it drives me crazy,"
I pout at him. Bolero talaga ang mga lalaki kahit kailan.
"Now you're pouting. Are you teasing me right now, Sandy?"
"Hindi ko alam. Do I look like I am?"
"Yes. Kahit nga wala kang ginagawa,eh."
"Hay naku. Akala mo naman u-obra sa 'kin 'yan," sinubukan kong bumangon pero inihiga lang niya 'ko ulit."Jeric!"
"Dito lang muna tayo, pwede ba? Mas gusto kong titigan ka buong araw,"
"Bakit, mami-miss mo ba 'ko kapag ikinasal ka na?"
Saglit na nawala ang kinang sa mga mata niya sa sinabi ko.
"Hindi ba pwedeng ganito pa rin tayo kahit kasal na 'ko?"
"Siyempre hindi. Malaking kasalanan yun, ayokong makasira ng kahit na ano. Siguro pwede tayong maging magkaibigan na lang, ano sa tingin mo?" kaswal kong sagot.
Pero taliwas naman iyon sa nararamdaman ko. Kapag naiisip ko na si Leilah ang nasa lugar ko at siya ang nilalambing ni Jeric, parang paulit-ulit na napupunit ang puso ko. Hindi ko siya kayang makitang may kasamang babae. Nagseselos ako.
Pakiramdam ko namamatay ang puso ko. Sabihan na 'kong baduy at over acting sa feelings ko pero wala akong magagawa.
"Is that what you want, Sandy? Ang maging kaibigan na lang ako pagkatapos ng lahat?"
Tumango ako. Kaysa naman tuluyan siyang mawala sa 'kin, mas gugustuhin ko pang manatili kaming maging magkaibigan.
"If that's what you want," hinalikan niya ulit ako.
I reached for his face at buong puso ko iyong tinugon.
Tinulungan niya 'kong magprepare ng dinner and it made me see another childish part of him. Tuloy, lalo akong na-in love.
"Amoy ulam ka na," sabi ko at inamoy ang damit niya.
"Ikaw nga din,eh, o. Pwede na kitang ulamin. Pakagat nga," lumapit siya sa 'kin pero lumayo ako.
"Magshower ka na du'n. Ikaw pinaglololoko mo na naman ako,"
"Hindi, ikaw ang kailangang magshower."
"Ikaw na nga,eh."
"Okay, sabay na tayo!" at hinuli niya 'ko.
Pinaandar niya ang shower habang ako naman nakatayo sa paanan ng kama at pinameywangan siya. Ang kulit talaga ng lalaking 'to.
"Ready na ang shower, halika na,"
"Mauna ka na. Hindi ako komportable,eh,"
"I don't believe you,"
Hinila niya 'ko sa loob ng shower at napatili ako nang mabasa ako.
"Sarap, 'di ba?"
"Ah, ewan!"
Naghubad siya ng damit at ako naman ay napatingin lang sa kanya.
"Maghubad ka na din," tatawa-tawang sabi niya.
Naiiling na tinanggal ko ang damit ko.
"Wow," narinig kong sabi niya.
Umirap lang ako.
"Come here I'll wash you," he grabbed the body wash bottle at naglagay sa kamay niya.
Pinatalikod niya ako sa kanya at dumantay ang mga kamay niya sa balikat ko. Napakislot ako. Bumaba sa likod ko at nagmasahe doon. Tapos ay ang dibdib ko naman. His touch is very relaxing. Niyakap niya 'ko sa beywang.
"Siguro dapat gawin natin 'to nang madalas," sabi niya.
"Hindi pwede. Ngayon lang 'to kasi pinagbigyan kita," hinarap ko siya at siya naman ang nilagyan ko ng body wash.
My hands make their way through his shoulders and his chest. Napalunok ako. He's always been a pleasure to look at. In fact I could look at him forever. Ang tanging lalaking minahal ko at sinukuan ko ng sarili ko.
"Sana alagaan ka din ni Leilah kapag ikinasal na kayo. Sana pilitin ka din niyang matulog kapag pa ayaw mo,"
"Sinusuway mo na naman ako, Sandy. I told you it's just you and me. But I don't think she can take care of me the way you do. She thinks only of herself most of the time," bahagya siyang napasimangot sa huling sinabi.
"But she's so pretty, Jeric."
"She's just pretty. And you're still more beautiful. Magkaiba 'yon," isinandal niya 'ko sa dingding ng banyo at siniil ng halik.
***
"Hindi na tayo pwedeng magpuyat, kailangan ko nang magreport kay Fifi bukas ng umaga," sabi ko sa kanya nang nasa sala kami at nanonood ng tv.
"Sana hindi na dumating ang bukas,"
Napakunot-noo ako.
"At bakit?"
"Para magkasama pa din tayo,"
Ang sabihin mo sana hindi na lang dumating ang araw ng kasal mo para magkasama pa din tayo.
Pero siyempre sinarili ko na lang 'yon. Wala naman kasing magbabago.
"Kailangan ko pang maghanap-buhay. Kapag ikinasal ka na wala na 'kong aasahan para tulungan ako. Kaya matulog na tayo,"
"Tabi tayo?" parang batang tanong niya.
"Hindi. Tabi tayo,"
Pinatay na niya ang tv. Pinatayo niya 'ko at inakbayan habang papasok sa kwarto. Siguro kung matutunan kong ilayo ang sarili ko sa kanya, hindi ako mahihirapang kalimutan siya.
***
Ahihi. Pa'no ko ba tatapusin 'to? Nabablangko na utak ko. Magsuggest naman kayo diyan o. Please?
Votes. Comments.
-LRY
BINABASA MO ANG
His Past Time Girl (Published)
عاطفيةSynopsis: Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya inakalang isang bangungot ang kalalabasan ng lahat. Mabuti na lamang...