Prologue (revised)

3.4K 90 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the writer's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

-------------

Ang Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo.

Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporated o VWEI na nasinusuporatahan nang naglalakihang mayayamang kumpanya sa iba't-ibang panig ng bansa.

Ang Online Game na kakaadikan ng lahat.

Ang kokontrol sa pagkatao ng bawat manlalaro.

Ang dahilan kung bakit nagbago ang mundo.

Na ngayon ay nagsimula na...

Year 2060..

Jack's POV

Inihanda ko na ang sarili ko. Pumikit at inobserbahan ang buong paligid...

'concentrate'

'concentrate jack'

Ilang ulit kong sabi sa sarili ko.

Kabisado ko na ang lugar na ito, bawat sulok, sukat ng lugar, ang mga bagay na nakadesinyo at iba pang mga detalye ay alam ko kung saan nakapwesto.

Nakakatawang isipin pero isang taon pa lamang ang lumipas bago sumikat ang larong ito ay kabisado ko na ang lahat ng lugar.

Nakaramdam ako sa kanang bahagi ko na may gumalaw, kasunod nun ay gumuhit sa labi ko ang isang tipid na pag ngiti. Idinilat ko ang mata at agad na tinuon ang atensyon doon...sa mga kalaban.

Tantsa ko na nasa 20 kilometro ang layo niya.

Tss kahit nakatago ka pa dyan kilala na kita. Inihanda ko ang sarili ko at ginawa ang mannerism ko sa tuwing may bago na naman akong mapagti-tripan...

Bumilang ako hanggang tatlong segundo...

Isa

Mabilis ko iginalaw ang kamay ko patungo sa likod ko at inabot ang isa sa mga paborito kong baril na laging nakasabit sa likod ko. Ang engraving shotgun A-10

Dalawa

Tinutok ko ang hawak kong baril sa target ko at napangiti ng mapanlaro, sa tuwing ginagawa ko 'to lagi ako na e-excite.

Tatlo. Huli ka...

Pinindot ko ng isang beses ang trigger ng shotgun na hawak ko at sa isang iglap ay sabay kaming nagpaputok...

hmmm di na masama huh... naramdaman mo rin pala ang presensya ko mula rito pero yun nga lang mahina ka pa.

Kung magiging slow motion lang ang mga pangyayari, ang bala na dapat na tatama sa akin ay mabilis na nahiwa sa gitna sa pamamagitan ng bala ng shotgun ko. Para bang isa itong naglilihab na kung sino o ano mang ang tatamaan ay agad na matutunaw.

Hindi lang naman kasi ordinaryong bala ang pinapatama ko sa mga kalaban eh, isa itong mga rare items na kinolekta at ninakaw sa mga napatay ko, at ako mismo ang magc-craft sa sariling items ko.

At sa huli kasunod naman iyon ng mabilis na pagtumba ng kalaban ko.

Agad naman na may lumabas na mga letra na ang nakasaad ay 'Kila has been killed by Jaxx' na ang dating luntian na kulay ng health bar niya ay unti unting nag kulay pula sa taas ng karakter na napatay ko.

Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon