Jack Pov.
Unti unti ko idinilat ang aking mga mata. Sa pagmulat ko ay tumambad sa akin ang puting kisame. Muli ko ulit pinikit ang mata ko at nag-isip kung anong nangyayari. Oo nga pala.. kanina ay nasa gitna ako ng kagubatan.
Naglalakad ako sa napaka raming puno na nakapalibot sa bawat paligid ko. Naalala ko na may nag-iisang puno mula sa malayo. Malaki iyon at ng nilapitan ko ay--. Nanlaki ang mata ko sa naisip.
Teka patay na ba ko? K-kanina ay may mga higanteng dinosaur. Kakainin nila ko, pero ngayon.. ay oo nga pala.. may nag ligtas sa akin.
Yung taong nakamaskara.
Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga ng nakaramdam ako na para bang may nakadikit sa aking mga katawan. Ano to? Inilibot ko ang aking mata at kita ko ang apat na sulok ng malaking kwartong ito... kulay puti lahat puro kagamitan sa pangeekspiremento, madaming nakadikit sa katawan ko at puro ito pang hospital na kagamitan para akong naconfine sa sitwasyon ko.
Puno ng katanungan ang buong isipan ko dahil sa nakita ko.
Paano nangyari ito? Kanina ay nasa gubat ako pagkatapos nasa hospital ako? Pucha nasa mundo ako ng dinosaur kanina pagkatapos may hospital na pala sila. AiishMas lalo nanlaki ang mata ko ng sa paglingon ko ay nakita ko ang mga nakahigang tao. Kagaya ko sila, pero mga tulog ang mga ito.
Gusto ko sumigaw ng tulong pero walang lumalabas sa bibig ko. Masyado akong kinabahan sa mga nangyayari.. teka nandito rin yung iba kong kaklase, tsaka si Pandak si Kiko pero teka.. pati si Luna nandito rin? Akala ko ba---
"Good Morning Jack" biglang sabat ng isang matandang lalaki sa di kalayuan. Napasigaw ako sa gulat.
"Sino ka?! Teka bat kami nandito?" Saad ko at agad na tinapangan ang tingin. Ano bang kailangan nila sa amin at kailangan nila kami ganituhin.
Ngumisi siya at napailing iling.
"Alam mo hindi ako makapaniwalang nagising ka sa gamot na itinurok ko saiyo gusto sana kitang patayin ngayon ngunit hindi magiging maganda ang laban kung maaga kang mamatay" saad niya at lumakad papalapit sa akin. Nakaramdam ako ng kilabot sa kanyang awra.
"Alam mo kailangan mo ng bumalik sa loob ng laro" saad niya at may inilabas na injection mula sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa haba ng karayom.
"Pero maswerte ka, dahil ikaw ang unang makakatikim nito" saad niya at ipinakita ang hawak niyang injection,"at isa pa jack alam mo bang special ka na manlalaro" saad niya na malademonyo. Inihanda niya ang karayom sa akin at itinutok ang karayom sa aking mata.
"Hoy Baliw ka! P^t#$$*a'! Anong gagawin mo!? Huwag wag!" Sigaw ko sa takot pero di siya nakinig at patuloy parin sa ginagawa. Ramdam ko ang pagbaon ng matulis ng bagay sa kaliwa kong mata. Sobrang sakit, sobrang hapdi.. para akong umiiyak ng dugo dahil ramdam ko ang pagtulo nito sa aking pisngi. Nararamdaman ko na rin ang pagdaloy ng gamot mula sa utak ko.
"AHH" ngunit patuloy parin ako sa pagsigaw. Nakikita ko ang reaksyon niya sa kaliwa kong mata.. tuwang tuwa siya. Baliw ka, hayop ka.. Kita kong nagugustuhan niya ang kanyang ginagawa. Umiiyak na ako sa sakit.. unti unti ay tinanggal niya ang pagkakatusok dahil sa ubos na ang gamot.
Ilang segundo ang lumipas ng nakaramdam ako ng pakanginig sa aking buong sistema. Sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak.. gusto ko makawala gusto ko magwala at sumigaw ng sumigaw hanggang sa humupa ang sakit ngunit dahil sa mga bakal na nakakabit sa akin ay tanging malakas na pagsigaw lamang ang nagagawa ko.
Narinig ko siyang tumawa ng malademonyo habang nakatingin sa nakakaawang sitwasyon ko.
"Hayop kang gurang ka!" Sigaw ko sakanya ngunit mas lumakas ang pagtawa niya.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...