Jack Pov.
Ngayon na ang araw ng laban.. nandito ako ngayon sa lobby. Simula ng makasali ako sa clan na yun at makipag-asaran kay pandak na hulk ay agad na akong umalis sa mansyon na 'yon.
Dalawang araw na ang lumipas ng hindi ko manlang binibisita ang bago ko clan, ano bang pake ko? wala naman din akong mapapala kung makipag-usap ako sa kanila eh.
Pero syempre tinignan ko ang information ng clan namin kung may malalakas ba silang players katulad ko. Pero wala.. ako lang yung malakas.
Naglakad ako patungo sa pairing match. Gusto ko makita kung sino ang una namin kakalabanin.
1. Slav Defence vs. Akira Side
2. Manox Clan vs. Mighty Bond
3. Ph Winners vs. The Gamerz
4. Metal Gear vs. Plastic Gear
5. Gambit Attack vs. E4 Fight
6. Kings Pawn vs. Queens Pawn
7. Warriors vs. Stone Wall Defence
8. Boys War vs. Ezkinita
9. Hidden Warriors vs Ubak
10. VBO Playerz vs Sicilian Defence
E4 Fight? Ano kayang top nito. Napatigil ako sa pagbabasa ng may bigla na lamang may umakbay sa aking likod. Nilingon ko kung sino ito.
"Nice E4 Fight pala kalaban natin ngayon, siguradong panalo na tayo nito." Ani ni Kila. Oo si Kila.. ka teammate ko sa Gambit Attack.
Oh di ba pati dito sa virtual world maliit lang ang mundo para sa amin. Ilang beses na ko niyang nilalabanan pero hindi talaga manalo sa akin kaya ang sa palagay ko sa clan na sinalihan ko ngayon ay mahina. Tch.
Tinanggal ko ang braso na nakapatong sa likod ko at umalis na sa pwesto para maglakad sa kung saan man ang gusto ko puntahan.
Dahil dun iniwan ko na siya sa lugar na 'yon.
Feeling close ang pucha.
"Oy jaxx top 15 nga pala makakalaban natin tsaka 5 minutes na lang bago magstart! Goodluck sa atin" Sigaw niya sa akin.
------------
Sa paglalakad ay napadpad ako sa isang lugar kung saan ngayon ko lamang nakita.
Teka kailan ba ito ginawa? Ngayon ko lang nakita to.
May isang higanteng puno ang natatanaw ko. Tantsa ko nasa 100 meter ang taas nito, sobrang laki talaga. Nakakamangha. Ngayon lang ulit ako nakakita ng magandang tanawin.
Wala talagang imposible sa mundong 'to.
Tapos may kung anong insekto na lumilipad at dala nito sa likod ang mga umiilaw na iba't ibang kulay. Ang ugat ng punong iyon ay sobrang laki at dami. Tapos ay napapalibutan ito ng isang malawak na hugis bilog na ilog.
Naalala ko tuloy ang magulang ko, yung mga panahon na masaya kaming namamasyal pitong taon na ang lumipas..naalala ko pa dati iyong kumpleto pa kaming pamilya.
Masaya.
Magkakasama.
Sana kahit ganoon ang nagyari sa nakaraan namin ay masaya parin ang mama at papa na kung nasaang lugar na sila ngayon.
Tumingala ako at tinignan ang langit.
Muntik na ako mapatalon ng bigla na lamang may nagsalita.
"Tree of life yan" saad ng nasa likuran ko. Nilingon ko ito at tinignan ang nasa likuran ko.
Si hulk pala yun.
"O tapos?" Tugon ko naman sakanya.
"Alam mo ba na pwede mo makausap ang mga namatay na tao gamit yang puno" tuloy tuloy niyang saad at nakatangin lamang sa malayo.
"Tinatanong ko ba? Tss" saad ko.
"Ewan ko sayo basta makipagkooperasyon ka na lang sa laban mamaya, wag kang makasarili" saad niya na naiinis at tinalikuran ako. Sus di ko naman sila kailanga eh. Kaya ko na ang sarili ko, kahit wala sila.
"Di ko kayo kailangan, malakas na ako di ko kailangan ng mahihina" ani ko sa kanya at dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Humarap siya sa akin na may galit sa kanyang ekspresyon. Tama naman eh, prangka na kung prangka yun naman ang totoo.
"Mahina nga kami, laging natatalo sa laban tuwing may clan war pero hindi kami nawawalan ng pag-asa para manalo at maging malakas......
dahil masaya kaming nagtutulungan, payatot" saad niya at tinuro ako..
"Malakas ka nga pero masaya ka ba sa ginagawa mo?" Saad niya at dahil dun ay unti unting lumabo ang paningin ko at para bang nabubura na ang katawan niya sa lugar na yon.
Simula na siguro ang laban.
"Welcome Blitz Players! Are you ready for a fight!?" Tanong ng boses robot sa loob ng kwartong ito. Nasa Clan War room na kami.
Agad naman nagsigawan ang mga players at para bang handa sa mangyayaring labanan. Kita ko rin ang mga clanmates ko natuwang tuwa.
Nang matapos ang sigawan ay para bang may umilaw sa bawat isa sa amin, para siyang spotlight na nagbigay sa amin ng daan para simulan na ang laban. Nakaramdam kami ng paghigop mula sa itaas ng kisame at ng tingalaan namin ay para bang isa itog malaking butas ngunit kulay itim.
Ngayon ko lang nakita ang ganitong set-up ng VBO, ganito pala pag clan war.
"All Right! Tapusin na natin to!" Sigaw ni Kila. Ang ingay niya nakakainis, inilibot ko ang aking dalawang mata.
Ngayon ko lamang nakita ang lugar na ito, nasa isa kaming malaking kwarto at sa palagay ko ay may mga pagkain ng iba't ibang hayop at mga kagamitan dito. Ang iba ko mga kasamahan ay nasa itaas at nagsimula ng gumalaw pababa.. sa palagay ko nasa isa kaming malaking barn house.
"Guys dito! Mag-usap usap muna tayo" sigaw ng aming leader. Napataas naman ako ng kilay, tss di na kailangan.
"Yung Plan A at Plan B natin dapat alam niyo na" sigaw niya at dahilan para sumunod sa kanya ang lahat.
Bahala kayo basta ko aalis na, tss.
"Hoy Jaxx saan ka pupunta?" Sigaw naman ni Kila.
"Wala na kayong pake, ako na bahala sa lahat" saad ko at naglakad na palayo.
"Tss ang yabang niya talaga"
"Mamatay sana yan"
"Ang hangin"
"Porke top 5 eh tss"
Narinig ko komento ng iba ngunit di ko na lamang pinansin. Matatalo rin naman kayo eh.
"Zara, Arnie, Fin,at Kila back-up an niyo siya, plan b ang gagawin" Narinig ko saad ng leader namin.
Tinignan ko ng matalim ang nagsabi 'nun at pinahihiwatig na wag gagawin iyon ngunit di man lang siya natinag. Tss pakeilamerong matanda.
Dumiretso na ako sa labas at tumakbo na, tatapusin ka na lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Ciencia FicciónAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...