Chapter 23

659 27 2
                                    

Jack Pov.

Habang hawak hawak ako ng isang napakalaking dinosaur na ibon o kung ano pa man ang tawag dito ay nabitawan ko na ang lahat na dala kong armas.

Napapangiwi ako sa tuwing mas hinihigpitan nito ang pagpulupot sa akin.
Hindi ko alam kung saan kami papunta at napansin ko na kanina pa siya lumilipad.

Tanaw ko na sana ang buong kalupaan...ng may makapal na ulap ang humaharang sa mga taong nakikipaglaban sa ibaba.

Tch.

Hindi ko talaga maintindihan ang sitwasyon ko ngayon, kung bakit nangyayari ito sa akin.

Sana imahinasyon ko na lang to lahat. Hays.. simple lang naman na buhay ang gusto ko eh. Maging simpleng estudyante, makapag-aral ng maayos, grumadweyt, tulungan ang ate at tumayo sa sariling kong mga paa.


Hindi ko naman na aakalaing hahantong 'to sa ganitong sitwasyon eh.. na may halimaw na akong makakalaban, tapos kailangan makasurvive sa mga walang kwentang pinalalaban sa amin para hindi mamatay.


Nyeta ilang taon pa lang ako! Malay ko bang sa ganitong sitwasyon ako tatahak. Nakakalito! Nakakainis! Sana may dulo ang lahat ng to at magising na ako sa reyalidad para pagbayaran ng taong iyon ang ginawa niya sa akin.


Ang gusto ko lang naman kanina ay makapagtago at magpahinga ng sandali dahil sa pagkakahampas sa akin ng maliit na dinosaur na iyon, ngunit ito na naman... may panibagong kakalabanin ulit!


Kanina ko pa gusto magsuka dahil nahihilo na ako kakalipad nito. Pilit kong kinakalma ang sarili sa nangyayari. Kung hindi lang siguro ito totoo mas naenjoy ko siguro to sa virtual world.





Napatingala ako sa dereksyon kung saan tinutungo ngayon ng dinosaur na ibon na to. Kita ko ang isang bundok mula sa malayo at para bang may malaking pugad itong na nakahilata sa lupa.





Lalong bumilis ang paglipad ng ibon dahilan para masuka ko lahat ang laman ng pagkain sa sikmura ko..





Narinig ko ang matinis na pagsigaw ng halimaw na to sa may bundok at para bang may tinatawag na kung ano mula doon sa pugad.





Nanlaki ang mata ko sa aking naisip, hindi naman siguro ako tanga para hindi malaman na ang nasa utak ng isang to... pumasok sa akin isipan na baka ipapakain ata ako ng isang to sa mga bubwit niya! Shit ayoko mangyari iyon.




Agad akong naglilikot sa gagawin ng isang to.





Sa dami ba naman ng hahuntingin ako pa ang napili..



Bigla itong gumiwang giwang sa paglipad dahil sa kalikutan na ginagawa ko. Nagtitili ito sa inis.. sa mga oras na iyon ay hindi ko na naisip na mataas pala ang pagbabagsakan ko kaya, agad niya akong nabitawan!





Shit.



Napasinghap ako sa gulat at takot. Sa taas ng pagbabagsakan ko ay sigurado akong minuto ito matatapos.



AHHH yun lamang ang sigaw ko sa sandaling iyon. Halos magrambulan na ang puso ko sa kaba.. ramdam ko ang paghampas ng malamig na hangin sa balat ko at ang bibig ko ay napapanganga dahil sa lakas ng hangin. Para akong nagroller coaster ng 10x na bilis.

Napamulat ako ng mata at kita ko na ang punong pagbabasagkan ko. Hindi hindi hindi--





**Uwaaaaak** rinig kong sigaw ng tropeognathus.. nalaman ko ang pangalan ng kanina ibong iyon habang hawak hawak niya ako. Lumingon ako sandali dito at kita ko na naman ang mga kuko nito na matulis na papunta sa akin.




Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon