Chapter 13

788 38 0
                                    

Jack Pov.

   Nang nilibot ko ang mata ko ay sa tingin ko'y  nasa isa kaming malawak na abandunadong gusali dahil sa lawak narin ng lugar na to, kita ko ang mga malaking butas sa pader na siguro ay daan palabas at mga pinto at bintana na labasan o lusutan din.

May mga patong patong na bulok na sasakyan at mga kagamitang nagkalat sa lugar na 'to.


  Sa di kalayuan ay may napansin ako, kaya agad ko iyon tinahak at kita ko ang isang riles ng tren.

  


   Inihanda ko na ang double uzi ko, maraming bala ang nailalabas nito at sakto pang bakbakan sa maraming kalaban.




Agad akong tumakbo patungo sa may nangangalawang na pinto at mukhang sira narin dahil sa matutumba na, sinipa ko iyon para makadaan na ako sa labas. 



"Kayong lima sundan niyo si Jaxx" tipid na saad ng leader namin, tss kailan ba to di mangengealam sa ginagawa ko.  Napaka pakialamero.





Pansin ko naman na sa ibang direksyon papunta ang iba kong ka miyembro. Tumakbo na ako palabas dahil baka maunahan pa ko ng mga 'to na makapatay ng kalaban.



"Jaxx malapit na tayo sa base ng kalaban wag kang sumugod baka may patibong sila" saad ng kasama ko.



"Umatras ka kung gusto mo" saad ko na naiirita.




"Pre makipagkooperasyon ka naman, alam nanamin 'tong lugar na ito at sigurado may plano sila kung pano tayo mahuhuli" depensa ng isa pa.



"Alam niyo iwanan niyo na lang ako dito, di ko kayo kailangan mamatay lang kayo." Sabi ko at mas binilisan pa ang pagtakbo dahil may natanaw akong isang liwanag na papalapit dito, at isang palakas na palakas na tunog ang nagmumula sa malayo.



Iniwan ko silang nakatanga 'dun.



Pansin ko na unting unti nagiging malinaw ang itsura ng isang malakas na tunog na iyon sa malayo.



Isa itong tren.


"Jaxx ruta yan papunta sa main base ng kalaban, sigurado ka ba? Malakas na kalaban natin huwag kang---" pinutol ko ang sinasabi niya ng nagsalita ako, nakakainis tong isang to. Ang daldal.


Nilingon ko siya at matalim na tinitigan.



"Manahimik ka nga! Ang ingay mo. Sumali ka pa sa larong 'to kung aatras ka lang, bwisit" saad ko. Kita ko naman na para siyang nainis, pagkatapos ay akmang itutok sa aking ang dala niyang handgun ngunit agad siyang pinigilan ng mga kasamahan.



"Drake! Chill ka lang, hayaan mo na" pigil ng isa pagkatapos ay may binulong siya upang kumalma ulit ito. Dahil 'dun ay ibinaba niya ang baril at sa ibang dereksyon siya tumuon.


Tss.



Ngayon naman ay nakaramdam na ako ng pagyanig, at isang malakas na busina ng tren. Nandito na.



Kinasa ko ang dala kong dalawang baril at inihanda ang posisyon ko sa pakikipaglaban, siguradong hihinto ang tren dito.





    Isang malakas na pagbangga ang nakita at narinig ko mula dito sa kinatatayuan ko, nabunggo ang tren sa dead end. Tanga naman ng driver.




Pansin ko na agad nagsibukasan ang pinto, inihanda ko ang sarili ko ngunit parang may mali.  Usok lamang ang nakita ko at saktong may napansin akong maraming mga pulang ilaw. Leche naloko na..



Sunod sunod na pagputok ng baril ang narinig ko papunta sa dereksyon namin, agad akong napaatras ng maraming hakbang dahil pansin ko na ang kalaban namin ay nasa itaas pala ng tren at patibong lang pala ang kanilang ginawa nabuksan ang mga pinto ng tren upang doon matuon ang atensyon namin.





Kita kong namatay ang tatlo kong kakampi at ni isa ay wala pa kamin napapatay. Kainis sabi ng umalis na dito eh, buti nga sainyo. Tss 


Pansin ko ulit ng nagsara ang pinto ng tren ngunit sunod sunod parin ang pagputok ng baril papunta sa akin, nakita kong nakatago na ang dalawa ko kakampi sa maraming sasakyan ngunit ang life points nila ay baba na lamang sa 50.



Walang kwenta.




Isang daplis ng bala ang tumama sa braso at binti ko dahilan para matanggalan ako ng tig-isang 10 life points. Bwisit talaga, hindi ko aakaling sa ganitong sitwasyon pa ko mababawasan.


Kainis ang panget ng record ko ngayon. at sa tingin ko'y nasa pito lang ang kalaban ko, nasa itaas sila ng tren habang may mga rifles at sniper na dala.



Malabong matamaan ko sila ng bala kahit na may tig-isa akong baril sa kamay, may gamit silang armour shield at sigurado akong malakas ang depensa nun dahil alam na alam ko kung ano ang ginagamit nila.




  Kaya naman agad ko itinago ang uzi ko at mabilis na kinuha sa bulsa ang bomba. Tignan ko ang kung makatakas kayo. Kakabili ko lang nito kanina at limang segundo lang ay sasabog to sa oras ng tanggalin ko ang pin nito.

Inihinto ko ang pag-atras ko at umabante hanggang sa makasugod sa kanila.. sa dami ng bala halos di ko na makita kung saang dereksyon na ako pupunta kaya wala na ako pakealam kung ilang bala ang dadaplis sa akin dahil siguradong patay naman sila sa dala ko ngayon.


  Gamit ang daliri ko ay agad ko tinanggal ang pin ng dalawang bombang hawak ko at mabilis na ibinato sa itaas ng tren, napangiti ako ng tipid.

Malas nga lang dahil 55 life points na lang ang natitira sa akin. Kainis.


Isang malakas na pagsabog ang narinig at nakita ko, wasak ang katabi nitong pader at bubong ngunit may napansin akong parang gumagalaw sa di kalayuan..



"Woooow ganyan ka pala kalupet, Jaxx!" Biglang sabat ng kamiyembro ko ngunit di ko iyon pinansin dahil mabilis pa sa alaskwatro ang awtomatikong pagdala ng kamay ko sa bulsa ko upang kumuha ng kutsiyo dahilan para mabilis na asintahin ang kalaban sa ulo..

(*****-headshot, has been killed by jaxx)

Tulalang nakatitig sa akin ang lalaking kaninang pinuri ako.











  Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ay punong puno ng nangangalawang na sasakyan, para itong nasunog at bakal na lamang ang natira para ang maging itsura nito ay maging kalansay, madaling makita ang player sa di kalayuan kung tatakbo o makulay ang uniporme niya.



Mukhang mapapadali ako laban.




Sakto magagamit ko narin ang uzi ko, sa ngayon ang resulta ng laban ay walang pinagbago.. 5-2 lamang kami, nakakapagtaka haggang ngayon hindi parin nagkakaroon ng laban sa iba ko kamiyembro, alam ba nila ang lugar na ito?






"Jaxx, may pangatlong base ang kalaban dun sa di kalayuan," saad naman ng isang sumusunod sa akin.




"Magtawag muna tayo ng kakampi para hindi --" pinutol ko ang sasabihin niya dahil hanggang ngayon ay para bang hindi parin siya nadadala.



Di niya ba napapansin? Kaya ko mag-isa, jusme kahit wala sila kayang kaya ko to, tss.




"Isa ka rin no? Umalis ka na nga!" Sabi ko sakanya.




Kung doon nga ang base ng kalaban, masmabuting doon na lang din ako pupunta.





Itutuloy,,,

--------------
Chapter 13, naupdate ko rin sa wakas, nga pala SALAMAT PO sa vote, comment, nag follow at nag add to reading list ng story ko, hahaha kaiyak ganto pala feels ng maraming views kahit 1.52k pa lang haha SALAMAT PO ULIT. :) perstym na mangyari to lol.

Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon