Jack Pov.
"Tungkol nga pala sa top 5 na yun Sara, kasali na ba siya sa clan natin?" Tanong ni Kiko.
"Hindi pa eh pero sigurado akong makakasali siya" Isang tipid na pag ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Aangal na sana ako sa sinabi niya ngunit..
Agad niyang tinapakan ang paa ko dahilan para sumakit ito.
"Kingina kang babae ka si hulk ka ba..@!!#$/^! *" bulong ko sakanya na namimilipit sa sakit at minura mura siya, kung gagantihan ko siya gagawa lang ako ng eksena sa hallway.
Kainis na paa yan parang ginawa sa bakal.
Kita ko sa kanyang mukha ang pagkainis kaya dumistansya na ako para hindi na siya manakit.
"Okay chibugan na!" Malakas na sigaw ni Kiko mula dito sa kinauupuan namin. Nakakahiyaman ang eksenang ginagawa niya ay hindi ko parin magawang umalis sa pwestong ito dahil may kailangan pa akong dapat tapusin at resolbahin.
Ang daming taong nakatingin sa aming tatlo, nakakahiya talaga.
Tinignan ko na man ang pagkaing nakahain sa lamesa ko. Sandwich at tubig lang ang nilibre sa akin samantalang sa dalawa ay sandamakmak na pagkain ang nasa kanila. Tch
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa babaeng kaharap ko.
Itsura niya pa lang pangit na, hindi niya ba alam ang salitang malinis? Grabe kumain halos may bawas at kagat na ang pagkain niya lahat idagdag pa kadungisan ng mukha niya tapos parang aswang na nahulugan ng tinik sa mukha.. nakasimangot siya. Yung mata niya nanaliksik sa inis at galit. Para bang kahit anong oras gusto niya ko sasakin ng kutsilyo.
Pansin ko naman si Kiko na paran nabibilaukan kaya binigyan ko siya ng tuig ngunit tumanggi siya, tumayo siya sa kanyang kinauupuan at parang dederetso sa banyo.
Ito na ang pagkakataon ko.
"Ahhm, hulk este S-Sara diba? Ah ehh s-so-so -soooooori" bulol kong saad, nagtaka ko sa kinikilos ko.. bakit ako ganito? Nyeta. Hindi ko alam na sobrang hirap pala mag sorry sa taong nakakainis.
"Pakyu!" Ganti niya sakin. Naikuyom ko ang kamao ko at napasimangot ako ngunit agad ko yun binawi dahil kailangan ko siyang kausapin ng maayos.
Ngumiti ako sakanya ng pilit.. yung pilit na pilit.
"Ew kadiri yang mukha huwag ka nga ngumiti mukha kang manyak" sighal niya sakin. Humugot ako ng malalim na paghinga at nagsalita.
Pasalamat siya nakakapagtimpi pa ko sa babaeng to, sarap sapakin.
"Una sa lahat gusto kong mag-sorry sayo, pangalawa ibigay mo na sa akin yun CE Lens ko, pangatlo sana tayo lang dalawa ang makakaalam ng account na iyon.. huwag mo sanang ipagsabi sa iba na naglalaro ako ng VBO" isang tipid na ngiti ang ibinigay ko sakanya.
"Ah" tugon niya sa akin.. kasaby nun ang paghawak niya ng baba niya gamit ang kaliwang kamay at para bang may iniisip siyang hindi maganda.
Nilahad ko ang kamay ko at simbolo ng ibigay niya nasaakin.
"Isang kundisyon.. ehem ehem" saad niya at umaktong umubo ubo.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Sasali ka sa clan namin at papanalunin mo ang laban, kung hindi.. hindi ko tutuparin ang pangatlo mong sinabi." Saad niya at kasabay nun ang pagdating ni Kiko.
Seryoso ba siya? Paano na lang kung mahina pala ang Clan nila. Syempre matatalo kami... pero imposibleng matalo ako. Ako matatalo? Tsk. Mamaya iasa lang nila sa akin lahat tapos kapag nanalo kami ay makikinabang sila sa ginawa ko.
Lupet din mag-isip ng babaeng to. Mautak.
"D-Deal" nauuta ko na ani.
Wala akong magagawa kung makikipagtalo pa ako sakanya dahil kapag ginawa ko iyon ay siguradong hindi niya na sa akin ibibigay ang CE Lens ko.
"Basta ipangako mo sa akin yung pangalawa at pangat---" saad ko ngunit pinutol niya.
"Oo na" masaya niyang saad na para bang nanalo sa lotto, tss.
Nakauwi na ako sa bahay. May parte sa akin na masaya dahil nakuha ko na sa wakas, pero may parte naman na hindi...dahil ng tanungin ko ang sadistang babaeng yun kung may ginawa ba siya sa account ko.. isang tipid na ngiti na pang-asar ang ibinigay niya sa akin.
Deretso agad ako sa kwarto ko at nilagay ang CE Lens sa mata ko, humiga ako sa kama at ginawa ang proseso para makapasok sa VBO.
Kinuha ko ang dalawang wire na nakakonekta sa isang box device na kung tawagin ay Virtual World Server.. idinikit ko iyon sa gilid ng noo ko at sa isang iglap ay nag dilim na ang paningin ko.
"Please wait.." isang puting letra sa gitna ang nabasa ko.
"Welcome, Jaxx" kasabay nun ang paglitaw ng pangalan ko. Unti unti ng nabubuo ang buong paligid.
Ang realistic talaga ng mundong ito.
Nandito ako ngayon sa lobby. Pansin ko na maraming nakatingin sa akin, nagtaka ko dahil yung iba pilit na tinatago ang pagngiti kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang kuwelyo.
Sa mundong ito. Hindi nila ako kilala, alam nilang malakas ako.. kaya kaunti lamang ang gustong lumaban sa akin.
Kung papalag talaga.. hindi naman sila tatagal sa duwelo.
Kaya nga ang sarap sa pakiramdam na hindi ka kilala ng mga tao.. lalo na kapag malakas ka talaga kasi lahat sila nakatingala sa akin at para bang isa akong malakas na nilalang na hindi dapat kalabanin.
Walang nakakapigil sa akin na gawin ang kung anong gusto ko sa mundong ito.
Dahil malakas ako.
"Ahm kasi Jaxx wala kang saplot pffft" nangiginig niyang saad na natatawa, agad ko siyang tinulak at tinignan ang sarili ko.
Nanlaki ang mata ko ng boxer ang lang ang suot ko.
Tapos kulay pink pa.
Wala akong natandaan na bumili ako ng ganito.
Punyeta ka talagang babae ka.
Dali dali ko tinaas ang kamay ko at pinindot ang Invetory Room.
Ano bang ginawa niya sa character ko, bwiset siya. Nang nakarating ako ay nanlaki ulit ang mata ko sa naisip ko.
Huwag naman sana... sana maling itong iniisip ko.
Agad ko tinungo ang Weapons Room at sa pagbukas ko ng pinto ay para bang aatakihin ako sa nakikita ko ngayon.
Napaluhod ako at tulala lang sa nakita dahil...
Y-yung mga armas ko... na dating nasa 150.
Ngayon 10 na lang ang natira.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...