Kiko Pov.
Dalawang araw na ang lumipas ng inilibing na ang yumao 'kong mga magulang. Maaga akong nagising simula ng araw na iyon. Sa pagbaba ko ng aking kwarto mula dito sa second floor ay tumambad sa akin ang nakakabinging katahimikan. Wala ni isang boses na maririnig. Walang tumatawag sa pangalan ko at isigaw iyon ng ubod ng lakas para lamang makapasok na ako ng maaga.
Wala na, wala na sila.
Sobrang kalat ng mga kagamitan sa bahay na 'to. Halos ang mga baraha ay nagkalat na sa iba't ibang sulok ng kwartong ito, mga kinainan ay nangangamoy na rin sa may lababo at kung ano ano pa...
Napabuntong hininga ako. Hindi ko kaya mag-isa 'to.
Mula sa di kalayuan ay narinig ko ang alarm clock na nag riring, kinuha ko iyon at in-off. Pasado ala singko na pala ng umaga. Ano ba gagawin ko? Napaunat ako ng braso at kamay, hihikab na sana ako ng nakarinig ulit ako ng pagring.
Hinanap ko iyon kung saan dahil ang ingay ng tunog.. nakakarindi.
Npapunta ko sa sofa at mukhang naipit ito sa maysandalan.
Nang nakuha ko na ay kita ko ang phone ko na umiilaw at mukhang may tumatawag..Sinagot ko ito at kinausap ang nasa kabilang linya.
"HOY! PUMASOK KA NA! YARI KA KAY SIR. MARC YUNG PROJ MO DI MO PA NAPAPASA!!" Bungad nya sa akin bigla 'kong napalayo ang phone sa tenga ko dahil sa tinis ng boses.
Oo nga pala, ilang araw na akog absent at nakatambad lang yung mga tapos ko ng requirements sa school.
"Oo na oo na papasok na" saad ko at pinutol na ang linya. Hay. Buhay nga naman.. kailangan ko gawin 'to kasi kung hindi, baka hindi narin ako tumagal sa mundong 'to.. ayoko ko pang mamatay. Madami pa 'kong pangarap.
Ginawa ko na ang dati 'kong routine kahit na medyo nahihirapan akong mag adjust sa mga nangyayari ngayon.
-----------
"Yowwwn Complete attendance na ulit nakanaks!" Isang malakas na sigaw ng kaklase 'kong si marco mula dito sa harapan ng klase habang nagtuturo ang aming guro. Kakapasok niya lamang kasi sa silid na ito at siguro ay di niya napansin ang maliit namig guro kaya sumigaw siya.
"Marco Fernandez! Get out to my class now! Mamaya sumama ka sa akin sa discipline committee galit na saad ng guro namin sa kanya kaya naman ang iba ko kaklase ay palihim na humahagikhik at pati ako'y gumaya narin dahil sa eksenang ginawa niya.
"Psst psst"
Nakarinig ako ng maliit na boses na para bang tinatawag ako ng kung sino man kaya ng lingunin ko ito ay agad ko namang napansin na para sa akin talaga iyon.
"Sabi ni Harley mag o online ka daw noong isang araw, bakit wala ka pa rin? Ayaw mo na ba maglaro?" Tanong sa akin ng nasa likuran ko.. kateammate ko 'to sa clan si Pauline.
Napakunot ako ng noo at nagsalita.
"Syempre gusto ko kaso nga lang di ko talaga malimutan yung nangyari sa magulang ko eh, ikaw kamusta ka na? Di ba kasama rin sa naaksidente yung papa mo?" Saad ko at muling nag tanong sa kanya.
Ngunit parang mali pa ang sinabi ko dahil mukhang nasaktan siya. Kita ko ang mukha niyang tumamlay at parang may malalim na iniisip, napabuntong hininga ako at napakamot ng ulo.. agad akong nagsorry at ngumiti lang siya ng tipid.
"Hahah ano ka ba wag ka magsorry totoo naman nangyari eh" tipid na ngiti niya at saad at pinapakita niya ngayon na okay lang at ayos lang sakanya
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...