Jack Pov.
Nakita 'kong huminto si Ashley ng sandali habang naglalakad kami sa kagubatan. Nasa harap ko siya ngayon kaya nilapitan ko naman agad siya. Kung tutuusin ay maingat kaming lahat sa bawat paggalaw at sinisiguradong hindi dapat magkamali. Nakita kong iniangat ni Ashley ang kanyang braso at may tinignan sa kanyang orasan.
"Ayos ah anong tatak niyan?ano oras na?" Bigla kong tanong sakanya na kinagulat niya, agad naman kasi akong sumipot sa gilid niya kaya siguro ay di niya napansin na katabi ko na siya.
"Ah eh ewan ko dito binigay lang kasi sakin to eh by the way 12:33 am na" dali niyang tugon sa akin at unti unti na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Na napalitan ng ngiti.. na pa ahh na lang ako.
"Sa tingin mo ilang oras na lang tayo dito? " ani ko pa sakanya habang pabagal kami ng pabagal maglakad hanggan sa lahat ng kamiyembro ay nasa unahan nanamin.
Nakita ko siyang nagbilang sa relo at medyo napatagal sa kanyang ginagawa kaya napatingin narin ako. Alam ko yung tatak ng relo niya eh pero di ko lang matandaan kung ano.
Agad naman siyang napalingon sa akin dahilan para magtapat ang mukha namin dalawa. Nakita ko ang paglaki ng mata niya at medyo napaatras siya dahil sa nangyari. Napakamot ako ng ulo at nag sorry sa kanya.
"Ah eh ahm 2 hours na lang!" Sabi niya na medyo nailang o ano. Nang dahil sa sinabi niya ay medyo nagulat ako sa tuwa. Seryoso?! Matatapos na to! Wow.. nakasurvive ako! Sa isip isip ko.
Hindi ko pinakita ang reaksyon ko sa kanya dahil ayoko. Hindi ko alam kung bakit pero masaya talaga ko dahil matatapos na talaga itong dinosaur mode pero may parte sa akin na kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng 2 hours.
"Oo nga pala jaxx nakakapagtaka lang kanina kung bakit nawala yung mga sugat mo ng nagising ka" taka niyang sabi sa akin. Napalingon ako sa kanya at malaking question mark sa mukha ang ibinigay kong sagot.
"W-wala rin akong alam.." napayuko ako at nag-isip. Nako Kahit siya ay napansin niya rin. Nakakapagtaka nga..ano bang nangyari sakin.
"Nga pala may napanaginipan ka ba kanina? Binabangungot ka kasi eh ng gisingin kita" dagdag niya pa ulit na tanong sa akin. Nangsabihan niya iyon ay agad akong napahinto mula sa paglalakad. Nakita ko siyang humarap sa akin at nagtaka.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Ciencia FicciónAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...