Chapter 3 (revised)

1.1K 57 0
                                    

Jack Pov.

Iniangat ko ang braso ko at tinignan ang oras. 1pm sakto, babalik na ko sa room. Pagkatapos ng eksenang nangyari sa rooftop kanina ay agad akong bumaba para habulin ang babaeng nakaalitan ko pero sa huli hindi ko na siya naabutan.

Umiling ako ng ilang beses at tinuon na sa iba ang atensyon, sana naman nabawasan na kahit papano sa utak nila yung eksenang nangyari sakin. Napahugot na lamang ako ng malalim na buntong hininga. Mabuti pa siguro kumilos na ko, humakbang na ko paakyat sa hagdan at sinimulang maglakad patungo sa classroom.

"Jack!" rinig ko sa di kalayuan, napangiwi ako ng bumungad sa akin si Kiko.

"Pakopya ako hehe" sabi ko na nga ba eh. Kinunot ko ang noo ko at tinignan siya ng masama. Badtrip ako ngayon tapos siya hayahay lang sa gagawin tss... minsan inisip ko na sana totoo na lang ang bomba sa VBO para masampulan ko tong kupal na nasa harap ko, nyemas.

"Ay sige pre mukhang mainit pa ulo mo mamaya na lang" sabi niya saakin na nakangisi at may pakindat pa sabay takbo nang mabilis sa ibang dereksyon.





"Wala dyan classroom natin" sigaw ko sakanya, narinig ko pa siyang tumawa habang naglalakad ako paakyat.

Nandito ako ngayon nakaupo sa dulo, as usual sobrang boring ng tinuturo ni sir Jolo, mas pipiliin ko pang matulog keysa makinig sa lesson na dini-discuss niya e. Hindi sa pagmamayabang pero advance na ang knowledge ko tungkol sa field ng technology, actually magaling ako sa pagdevelop at gumawa ng program. Isa sa mga hilig ko ay gumawa ng virus at kadalasan ginagamit ko sila para sa pandaraya sa laro, crack ng mga softwares, pag access sa mga private files at minsan hilig ko pagtripan ang files ng mga gusto kong biktimahin.

Lahat ng klase ng laro ay nagawan ko na ng cheat, hilig ko kasi talaga mag eksperimento at magtake ng risk kahit na alam kong malala ang consequence neto. Kaya lahat ng mga nagagawa kong account sa laro ay puro sikat noon pero ang hindi nila alam inuuto ko na pala sila sa pandaraya.

Para kasi sa akin noon sobrang exciting at thrilling ang mandaya sa laro, iba kasi yung pakiramdam na sobrang lakas tapos ako ang pinaka makapangyarihan sa lahat ng nakakalaban ko.

At ang matindi pa jan lahat ng mga taong humahanga sa akin ay nauuto ko.

Pero syempre it takes time ika nga na makagawa ng cheat dahil hindi biro gumawa ng ganoong klaseng program dahil alam naman natin na illegal yun.

Minsan ko ng napanood ang replay na nakarecord sa karakter ko, napapangisi na lamang ako sa tuwing naalala ko yun dahil kung susuriin napaka simple lang ng galawan ko, sobrang natural sa mata ng mga manonood...na parang walang bahid ng kadayaan at in the end nagmumukhang professional.

Pero hindi nagtagal lahat ng iyon ay naglaho ng parang bula... na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin ang taong nagsumbong kung bakit lahat ng accounts ko ay nawala. Dahil sakanya na banned lahat ng user account ko kasama narin ang server na ginamit ko noon.

Alam kong walang palya ko chini-check kung may data breach ang computer ko pero sa hindi inaasahang pangyayari sobrang nakakapagtaka lang na hindi ko sila na kontra, hindi ko ma-identify kung saan ako nagkulang para hindi maging aware na inaataki na pala ng unknown team ang server ko. Kaya naman ang konklusyon ko sa huli ay hindi pangkaraniwang team ang nakalaban ko nung araw na yun.

Kaya naman laking pasasalamat ko na lamang na bago nila gawin sakin yun ay may nagawa na kong program na maitatago lahat ng documents at identities ko at sa mga taong konektado sa pagkakakilanlan ko dahil for sure kung hindi ko nagawa yun, sandamakmak na complaint sa prisinto ang matatanggap ko.

Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon