Jack Pov.
Di ko sila kailangan. Bakit pa sinama sa akin ang apat na ito, malakas na ko para magkaroon ng kakampi. Ayoko sa mga taong mahihina lalo na kapag dumidepende sa malalakas.
Napasimangot ako ng mukha at dali dali ko tinahak ng mabilis ang aking pupuntahan.
Sa pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang mga malalagong halaman ng mais, ang tataas nito at sa palagay ko dito na magsisimula ang laban. tumingala ako para tignan kung may mga matataas ba na bundok.
Meron akong nakita ngunit mukha naman mahirap itong mapuntahan bago makarating dun, sigurado akong kapag sa oras na may nakarating doon ay tiyak na simula na ang laban at dahil dun mahihirapan akong gumalaw.
Kung aakyat ako dyan, malamang ubos na ang kalaban sa ibaba at kaunting kalaban lang ang mapapatay ko.
Mas mabuti na dito sa ibaba.
Wala akong p-problemahin dahil saktong sakto ang silencer na dala ko para sa ak-47 ko. Hindi gaano gagawa ng ingay kapag nasa kalagitnaan na ng laban.
Pero tsaka ko na papasukin ang lugar na ito baka mamaya may mga patibong na ang nakahanda at mahuli pa nila ko.
Inilibot ko ang aking mata para humanap ng ibang madadaanan,
baka sakaling may mahanap akong kalaban na hindi nagtatago.
Lalo na at nasa 20 ang kalaban ko, mahirap na kung alam na talaga nila ang lugar na ito.
Nilingon ko ang likod ko at kita ko silang sumusunod sa akin, ang iba namang natira ay doon na mismo sa maisan tumahak.
Takbo lang ako ng takbo ng nakakita ako ng isang daan, patungo sa may kalsada. Sa di kalayuan ay may natatanaw akong kabahayan. Napahinto ako sa pagtakbo ng nakaramdam akong ibang tunog. Agad ko nilingon ang likod ko para patigilin sila.
Pinakinggan ko ng maigi ang paligid.Gabi ngayon at siguradong madali lang ang makarinig ng iba't ibang ingay. Sakto sa pagmulat ko ng mata ay nakarinig ako ng isang putok ng baril.
Simula na.
Parang nagkaroon nang pagbagal ang mundong ito, nakita ko kung paano mag-init ang pag-ikot ng bala papunta sa aking dereksyon, iiwas na sana ako ng pero para bang hindi sa akin tatama ang bala.
May mali.
'Arnie!'
'Shit! Kayo na bahala'
narinig ko sigaw ng kasamahan ko.
(Arnie has been killed by WolfxEye)
Hindi na ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tinignan kung sino ang may gawa 'nun.
Nakita ko sa di kalayuan ang nakangising lalake, mayroon siyang maskara ng lobo. Nakaitim siyang suot na para bang mahirap siyang mahanap ngayon gabi.
Sigurado napaghandaan niya talaga ang lahat ng ito. Babarilin ko na sana siya ng nakarinig ako ng paglabas sa kaliwang bahagi ko, shit.
Agad ko yun tinadtad ng baril.
(Leo has been killed by Jaxx)
At kita ko ang pagbulagta ang isang kalaban. May sumunod na isa sa kanya ngunit na baril ko yun ng isang beses sa ulo para mamatay agad.
(Lis has been killed by Jaxx)
Double kill!
Kita kong may lumabas sa itaas na bahagi ng aking paningin.
Nilingon ko ulit ang pumatay kay Arnie ngunit wala na siya 'dun. Tss.
"Woaaah lupet mo Jaxx" rinig ko saad ni Kila pero tumakbo na ako palayo sa kanila. Dito na muna ako sa malawak na maisan. Siguradong may pyestahan ng nagaganap.
Hindi ko pa nararamdaman ang pagbahid ng halaman sa aking balat ng bigla na lamang akong nakarinig ng sunod sunod na pagputok sa dereksyon ko, agad akong napadapa para makaiwas.
Siguradong sa akin na nila pinatatama.
(Fin has been killed by DellxEye)
Lintik na to, patas na ang resulta. Leche
Nakita ko naman na nakabulagta na si Fin at nakadapa ang dalawa kong kasamahan.
"Bilisan niyong kumilos! nakikita tayo!" Inis ko sigaw sa kanila.
Itinutok ko ang aking baril sa dereksyon kung saan nagmula ang bala sa dereksyon ko, medyo iniba ko ng pwesto dahil siguradong gumagalaw na sila at papunta na dito.
Mahirap man tantyahin kung nasaan ang kalaban pero nakakasigurado akong papalapit na sila.
Pero nakakainis lang dahil hindi ko na magagamit ang silencer dito.
Alam kong alam na nila ang nangyayari kaya magiging alerto na sila. Dahil 'dun hindi na ako makakapatay ng marami dahil nagkaroon na kanina ng malakas na pagputok ng baril.
Tinanggal ko ang silencer sa baril ko at sinimulang pindutin ang trigger sa kahit saang parte, dahil 'dun sa lakas ng ingay na nanggaling sa aking pwesto siguradong alam na ng lahat ang nangyayari, maya maya ay may napansin akong isang katawan na bumagsak.
Gumaya narin sa pag baril ang dalawang kasama ko sa iba't ibang dereksyon kaya naman ay tig-isa silang nakapatay. Tch.
Anim na ang napatay samantalang sa amin dalawa pa lang.
Lamang kami.
"Wooh nakapatay din"
"Nice one"
"Lamang tayo"
Agad naman umalingaw ngaw ang maraming putukan sa kahit anong dereksyon. Bakbakan na to.
Agad akong tumakbo at deretsong tinahak ang gitnang parte ng halamang maisan na ito.
Dahil sa sunod sunod ng pagkamatay ng iba ay halos maging patas na ulit ang resulta.
8 vs 8 na ang laban.
Kita ko ang mga halamang nasira na nasa lupa na at mga dugong nagkalat at katawang nakabulagta.
"Balik muna tayo sa base" gamit ang earpiece, narinig ko ang boses ng leader namin. Medyo nainis ako ng nrinig ko ang katagang iyon.
Walang kwenta to, leader ba to? Babalik sa base kung kailangan nagkakamatayan na ang lahat. Nasa gitna ng laban tapos aatras? Tss.
Di ko 'iyon pinansin at tumakbo pa ng palayo sa base.
"Sir ayaw ni Jaxx sumunod" narinig ko sumbong ni Pandak.
"Hayaan niyo siya at sundan niyo lang, kailangan natin siyang matira sa laban na to" tugon niya. Buti alam niyo.
Sa pagtakbo ko ay maya maya ay napalitan na ito ng paglakad dahilan para makaramdam ako ulit ng katahimikan, may mali na naman sa nangyayari.
Agad akong napatingin sa katawan ko at kita ko na may mga pulang ilaw ang nakatutok sa akin.
Sabi ko na nga ba, ganito ang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...