Yo guys! At dahil 9 days ng walang update.. eto pambawi! 4k words parang dalawang chapter na rin xD.
P.S. thank you sa walang sawang pagsusubaybay :)) at sa mga nag comment :))
------------Jack Pov.
"Jack buhay ka!" Biglang sigaw sa akin ni Kiko. Nakita ko siyang tumakbo papalapit sa akin at sabay tinapik tapik ako sa may likuran dahilan para mapangiwi ako sa hapdi ng pagpalo niya.
Umatras ako ng kaunti para itigil niya ang ginagawa sa akin at saka ay tinitigan ko siya ng masama dahil sa ginawa niya.
"Hindi, patay" sarkastiko kong tugon sa kanya.
"Sorry" ani niya na ngayon ay napakamot ng ulo. Siguro ay naintindihan niya kung bakit ako umatras tch. Sa dami ba naman ng sugat na natamo ko ay hindi ito magsosorry?.
"Oo nga pala Jack kamusta ka na? Buti nakaligtas ka" sabi niya sa akin na may ngiti ulit sa kanyang labi.
Hanggang ngayon ay nakatutok parin sa akin ang ilaw kaya naman ay agad na sumenyas si Kiko na ibaba nila ito dahil sa hapdi ng liwanag na nakatutok sa pwesto namin.
Hindi ko siya inimikan kasi wala naman akong masabi..
Sabagay ano bang masasabi ko eh madalang lamang akon kumibo sa mga ito.
Paano ko ba pakikisamahan to eh sila nga iyong grupo na kinaiinisan ko. Kahit na kaklase ko pa itong nasa harap ko at medyo kilala ko sila ay hindi parin mawala sa akin ang pagkairita sa kanila. Sa totoo lang di ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa mga to, basta parang may kung ano sa kanila na hindi ko maintindihan na hindi sila pagkatiwalaan ng basta basta.
Alam ko naman na wala silang kasalanan sa akin eh sa katunayan nga ay ako tong pilit na nagtataboy sa grupo nila dahil sa mahihina sila.
Tapos ngayon bigla bigla na lamang kami magkikita kita at masaklap pa ay alam ko sa sarili ko na wala akong choice kundi kailangan 'kong makisama sa kanila.
Syempre ayokong mamatay na nag-iisa at lalo ng ayokong mag-isa na lalaban.Mahirap na ang sitwasyon ko ngayon dahil katulad nga ng sinabi ko 'nun ay kailangan mong makasurvive para hindi mamatay..
"Hoy payat buti buhay ka pa... paano ka napadpad dito?" sabat naman ni Sara sa akin na ngayon ay mataray na nakatitig ito sa akin. Hindi ko alam kung sarkastiko o pag-aalala ang pinahihiwatig nito eh para kasing nang-aasar ang tono niya.
Imbis na kausapin ko tong dalawa ay hindi ko na sila kinibo at napaupo na lamang sa sahig. Oo nga pala, yung isang paa ko.
Agad akong nakaramdam ng paghampas sa batok ko..
"Aray ano ba?" Biglang sabat ko sa nangbatok sa akin.
"Sumagot ka kasi abnormal" iritang tugon ni Sara sa akin. Tinaasan niya ko ng isang kilay at para bang naghihintay ng sagot sa kanina niyang tanong.
"Tch, malamang nahulog ako mula sa taas..okay na?" Maikli kong saad at tinuon ang atensyon sa humahapding paa. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sagot ko dahil sino ba naman ang hindi maiinis sa ganoon sagot eh halata namang ganoon din ang nangyari sa kanila eh, na nahulog din sila sa malalim na bangin na to.
Nakita kong inawat ni Kiko si Sara na akmang mananakit pa sa akin medyo na paatras pa nga ko dahil mukang masakit talaga ang gagawin niya sakin eh.
"Chill lang Sara" naiiling iling na sabi ni Kiko.
Tinanggal ko ang sapatos ko dahil para makita ang sugat. Sira na rin iyon kaya tinapon ko sa ibang dereksyon. Halos manlaki ang mata ko ng patuloy pa lang lumalabas ang dugo at walang humpay ang pagtulo nito.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science-FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...