Chapter 17

770 28 3
                                    

Jack's Pov.


      Inimulat ko ang aking mata, sa pagdilat ko ay tumambad sa aking paningin ang kulay puting letra mula sa malayo..Nasaan ba ako? Lumakad ako patungo 'dun, halos tinakbo ko na rin para makarating sa puting letrang iyon ngunit sadyang palayo ng palayo ito sa akin. Ang buong paligid ko ay kulay itim lamang pati ang tinatapakan ko ay itim, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay wala na akong patutunguhan.



Napaluhod ako sa kaba.




Ano ba ang nangyayari? Anong lugar ba ito? Bakit ako nandito? Ang daming tanong ang namuo sa aking isipan.




Pero ang nakakapagtaka talaga ay kung bakit di ko mahawakan ang sarili ko.






Unti unting lumalabo ang katawan ko at nagiging kulay gray pero maya maya't bumabalik ulit ito sa dati 'kong kulay.





"Your account has been successfully log-in, please wait..."   hindi ko alam kung totoo ba ang naririnig ko o sa isip ko lamang binubuo ngunit ang boses nito ay parang robot katulad din sa kinaaadikan 'kong laro. Ganito ba talaga epekto ng adik? Ano ba 'tong iniisip ko? Anong---





"Welcome to Virtual Blitz Online, Jack" 






Napatigil ako sa akin iniisip ng bigla na lamang may liwanag na nagpasilaw sa aking mata. Inangat ko ang paningin ko at kita ko ang malaki letrang lumulutang mula sa malayo sa maitim na mundong ito.





Teka... nakasingot ba ko? B-bakit nandito ako sa laro. Hindi pa naman ako nakakauwi kanina sa bahay. Naalala ko na may kasama akong naglilinis sa school, pagkatapos nun ay--- nanlaki ang mata ko.. naalala ko may nangtakip ng ilong ko gamit ang panyo kasunod nun ay unting pagkahilo ko..





Sa pag-iisip ko ay di ko na malayang tumambad sa akin ang napakalaking gate na ani mo'y nasa 20 meters ang taas nito at napakagara ng itsura. Parang gawa ito sa ginto at ang maliliit na 'pang dekorasyon na bilog ay mga dyamante.






Sa takot ko ay di ko maiwasang magmura..





PUNYETA! NAKASINGHOT BA TALAGA KO!?




"Hello what is your name?" Biglang saad ng gate sa akin, nagkunot ang noo ko dahil sa mga nangyayari. Pamilyar na sa akin ang mga 'to, parang naulit ulit.

Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon