Chapter 12

849 38 0
                                    

Jack Pov.

Habang nagtuturo ang amin guro. Nakatulala lamang akong nakatuon sa blackboard. Kita 'kong para siyang nagsasalita na walang boses. Dada siya ng dada pero para sa akin walang kwenta ang pinagsasabi niya, hindi ko matuon ng mabuti ang atensyon ko sa harap.

Kaya naman ay itinuon ko ang atensyon ko sa bintana, Iniisip ko kung paano gantihan ang babaeng iyon.

Lagyan ko kaya ng lason yung pagkain niya tutal matakaw naman kumain yun eh, kung ano lang ibigay mo sakanya kakainin niya.

Pero

Hindi pwede, baka maging kriminal pa ako.

Mamatay pa siya.

Pero

Pwede rin naman, yung gamot na sasakit yung sikmura tapos i-ggems sa banyo.

Oo pwede rin, tapos hindi siya makakalaro sa match.

Tama.

Napangiti ako ng tipid.

Paano kaya kung sirain ko rin yung weapon niyang AWB?

Napailing iling ako at napangiti, tama ulit.

Tutal sa akin rin naman galing 'yon at gamit ko ang ibenenta niya eh, di ko naman pwede kunin sa kanya dahil automatic ng nakaregister sa inventory niya ang mga gamit niya.

Kaya sisirain ko na lang.

"Mr. Santos kanina pa kita nakikitang ngumigiti dyan sa bintana, ano nangyayari sayo?" Tanong ng mahinahon na boses na guro namin sa harap, agad naman akong nag-ayos ng upo.

Kita ko ang mga kaklase kong nagtataka at napapangiti, siguro yun nanaman iniisip nila.

"May kaklase talaga tayong baliw haha" Bulong ng iba.



"May naalala lang po ako" saad ko sakanya at nagkunyaring hindi ko nakikita ang mga reasyon ng kaklase ko, pati si Kiko halos humalagapak na ata sa kakatawa.




Kasabay 'nun ang pagkatok ng tatlong beses sa pinto ng silid na ito, at sabay sabay kaming napatingin 'dun.

"Pauline, John Cruz, Robert, Ailene at Kiko pinatatawag kayo sa faculty" saad ng Highshool SC President ng school na 'to.



Kasunod 'nun ng may bagong estudyante kaming nakita sa may pinto, nakacivilian ito pero kita sa I.D niya ang kaparehas ng kulay ng I.D niya sa amin, bago atang estudyante dito.



Agad naman binigyang permiso ng guro namin ang tinawag na kaklase ko at tinuon ang atensyon sa bagong estudyante. Pinatuloy niya ito sa klase at pinatayo sa harap.


Siguro ay magpapakilala 'to.

"Luna Anne Guiterrez from Tekton Polytechnic Institution" saad niya ng walang reaksyon at deretsong umalis sa harap at naupo sa may bakante ng upuan sa dulo kung saan makakatabi ko ito.


Natapos na ang math kanina, ngayon naman ay science na at nasa kalagitnaan na ng pagtuturo, kanina ko pa nililingon itong bago namin kaklase. Dahil parang hindi kumikibo, kahit pinapansin siya ng iba naming kaklase ay hindi siya umiimik.


Maganda naman siya, matangkad.. maamo mukha pero bakit sa itsura iyang yan hindi niya maiapply sa ugali niya, kanina pa siya nang-iirap sa mga lalake e kahit babae rin naman ay ayaw niyang pansinin, problema nito.

Nakatuon lang siya ng atensyon sa harap at parang hindi nakikinig dahil nakatulala lang, halatang hindi gumagalaw yun mata at para bang may malalim na iniisip.


Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon