Chapter 18

778 25 2
                                    

         Kasalukuyang kaharap ko ngayon ang buong team. Halos ang iba 'kong kakilala ay di makapaniwala na ako si Jack na Jaxx sa VBO ang top 5 player na sobrang makasarili, kj, masungit at syempre sikat.

     Sa kabilang banda ay kahit ako ay hindi ko magawang magsalita. Sunod sunod ang tanong nila sa akin ngunit wala akong maisagot. Para bang natikom ang bibig ko at nawalan ako ng boses para magsalita. Parang na convert ko ang Jack na reyalidad dito sa virtual world, bigla ko nanliit.. parang pakiraramdam ko ay limitado lang ang paggagalawan ko ng nalaman nila ang sekreto ko.

"Akala ko ba hindi ka naglalaro?"

"Weh di nga ikaw si Jaxx?"

"Ikaw ba talaga yung top 5 player?"

"Si Jack ka ba talaga?" Tanong ng isa, na binatukan naman ni Pauline.

"Di ba halata? tignan mo oh kaklase natin yan kamukhang kamukha niya" sakastikong sabi niya. Pansin ko rin na lahat ng players ay na-reveal ang pagkatao nila. ang pinagkaiba nga lang ay medyo nagkaroon ng pagbabago sa bawat katawan nila. Kahit sa akin, hindi ako payat. tch

"Yung makasarili?"

"Yung mayabang?"

"Yung payatot?" Biglang sambit t ni Zara. Naparolyo ako ng mata sa sinabi niya at nagsimula uminit ang ulo ko. Siya siguro ang may pakana ng ito, siguradong siya ang nagsabi kung sino ba talaga ko. Agad ko siyang nilapitan at akmang hahablutin ngunit agad na humarang si Kiko.

"Hep hep hep, mamaya na yang away mag syota mga, pakers" biglang saad ni Kila sa akin na ngayon ay umaktong inunat ang braso na para 'bang pinoprotektahan niya si Zara. Kita ko naman na mapang-asar na ngisi ng pandak na yun, at dinilaan pa ako para mas lalo akong mairita sa pagmumukha niya.



Tinaasan ko siya ng kilay at nagkunot ang noo kay Kila. Agad naman siyang nagseryoso at nakipag sukatan ng titig sa akin. Binuka niya ang kanyang bibig at alam 'kong may sasabihin siya...



"Tangina! Pre ang lupet mo pala maglaro, kngna pasekreto sekreto ka pang nalalaman ikaw lang pala si Jack.. Mga brad BESTFRIEND KO 'TO SI JAXX" agad siyang tumakbo palapit sa akin at bigla ko niyakap at tinapik tapik ang likod ko kasabay 'nun na para 'bang proud na proud siya sa akin.



Agad akong nandiri sa ginawa niya, kadiri ang pota. Tinulak ko siya at tinitigan ng masama dahil sa ginawa niya. Pero di siya nating.



"Bakla ka ba?! Anong bestfriend? Mahiya ka naman kaibigan lang kita sa kopyahan ng assignment tss" depensa ko sa kanya na naiinis habang kinikilabutan sa ginawa niya kanina. Binatukan ko siya pero parang wala siyang naramdaman dahil patuloy parin sa pag ngiti.



"Teka lang-- tama na muna yan.. may alam ba kayo sa nangyayari? kung bakit tayo nandito?" Bigla naman singit ni Fin sa pagitan ng pag-uusap namin. Lahat ng atensyon ng grupo ay natuon sakanya. Nag hintay ako ng maisasagot ng iba ngunit mukhang katulad din nila ako.. hindi alam.

"Naalala ko lang na may nagtakip ng panyo sa akin tapos 'yun napunta na ko  dito." Saad naman ng ni Philip. Nagkunot ang noo ko sakanya.. parehas kami ganyan din ang nangyari sa akin.

"Ako rin" sang-ayon ng iba.. napatingin ako sa iba. mukhang lahat ata ay ganoon narin ang ginawa sa bawat isa. 

"A-anong ibigsabihin nito? Bakit nila kailangan gawin ito?" Tanong ni Pauline na kinakabahan, nakita 'kong napaisp si Zara.. kahit siya siguro ay hindi alam ang nangyayari talaga.

"Planado lahat nila ito," Tipid na saad niya. Kita ko sa mukha nila ang pagtataka, Pero ano naman kaya ang plano nila at para saan ba ang ginagawa nila. Pati ako ay napasang-ayon sa sinabi niya. Tingin ko ay planado talaga ito.



Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon