Sara Pov.
"Class dismiss" giit ng math teacher namin at umalis na sa silid na 'to.
"Hoy yung mga cleaners! Subukan niyo tumakas 50 peso per head 'to buwahahaha" sigaw ng class president namin na ngayon ay nakaharang sa may pinto. Narinig ko nagreklamo ang iba ko mga kaklase at napailing na lamang ako.
Kumuha ako ng walis at daspan para maumpisahan na ang paglilinis."Sara, kamusta ka na pala?" Tanong ng kaklase ko sa akin. Napahinto ako sa pagwawalis at hinarap siya.
"Ito nag-aadjust pa. Kailangan eh" sabi ko at tinuloy ulit ang ginagawa. Ang chismoso naman neto, malamang alam niya namang hindi eh.
"Okay lang yan tutulungan ka namin" saad niya at tinapik tapik ang likod, ngumiti na lamang ako at nagpasalamat.
"Siya nga pala.. bakit mo binaril si Jaxx? Sayang malapit na kayo sa finals dun pa nabitin" paiba nya ng topic na kinainis ko naman.
At dahil pasok kami 'nun sa championship league ay siguradong mapapanood kami ng buong vbo players sa bawat sulok ng mundong iyon dahil sa dami ng tv screen.
Tsaka kilala rin ako ng hinayupak na 'to dahil magkateam kami noon pero tumiwalag siya sa grupo.
"Basta" tipid na giit ko. Sige tanong pa. Mahahampas ko na to sayo.
"Pero seryoso para kang igno gumalaw sa last fight niyo, ikaw pala nakabili ng AWB tapos grabe damage nun ah sirang sira eh....at ang masmalala pa ay naka friendly kill ka at bawas iyon ng level mo hahahah" saad niya ng mabilisan at umiling iling habang natatawa.
Dahil sa kadaldalan niya ay sakto nandito ako sa may blackboard at nakakita ako ng eraser kaya kinuha ko iyon at saktong binato sa mukha niya.
Narinig ko siyang napasigaw sa sakit at agad na naglingunan ang aking mga kaklase.
Yan napapala ng pakialamero.
Tinaas ko siya ng kilay at tinarayan. Sige isa pang asar ipapalo ko na tong daspan sa mukha mo.
Nilagpasan ko na siya at taas noong na dumiretso palabas hanggang sa mahagip ko ang lagayan ng basurahan.
Kainis, paki ba nila sa ginagawa ko? Sila ba namatay?
Itinapon ko na ang dalang basura ng daspan na hawak ko ngayon at aaktong papasok na sa loob ng silid ngunit may napansin akong isang mapayat na kalansay na naglalakad sa may di kalayuan.
Medyo kumalma na ang ulo ng nakita ko siya.
Kung sinusuwerte ka nga naman oh, mukhang may nagawa 'tong kasalan ah.. ang daming dalang gamit sa paglilinis habang naglilinis ng sahig.
"Oy sara game na ko mamaya punta ka ah" bigla naman saad ng nasa likuran ko kaya ng lingunin ko ay si Kiko pala iyon.
Tumango ako sakanya at tipid na ngumiti.
Pero pansin ko naman na mas lalong na depress ngayon si Kiko halata pa lang sa mga kinikilos niya. Kakaiba. Kasi kung ikukumpara sa dati niyang kiko na halos kiti kiti kung kumilos ay ngayon naman ay para na lamang siyang isang kuting na mahinhin.
kung sabagay kahit ako nga rin ay di parin maiwasan ang maalala ang pamilya ko. Halos gabi gabi umiiyak ako at umaga nagpapanggap na matapang. Sobrang sakit sa akin iyon kahit na hindi kami nagkakaintindihan at naiirita ako sa tuwing araw araw nila ko pinagagalitan dahil sa katigasan ng ulo ko pero kahit 'ganun ay mahal ko pa naman din sila kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Fiksi IlmiahAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...