Chapter 5

916 51 0
                                    

Jack Pov.

"Oy Sara! Ano may nahanap ka na?" Rinig ko mula kay kiko, nilingon ko naman itong Sara na nagpa bad mood sa buong sistema ko. Naalala ko sakanya ang ate ko, masakit sa tenga ang boses niya.

Papasok na sana ako sa room dahil wala naman akong mapapala sa kaingayan ng dalawa ngunit nanlaki ang mata ko ng makita ko ang itsura niya..

Siya yung babae kahapon.

Siya yung nasa rooftop.

Siya na nga.

Ibigsabihin hindi na ko maghihirap na hanapin siya dahil nandito na siya mismo sa harap ko. Ang tangi ko na lamang ang gagawin ay kunin sa kanya ang CE lens ko.

"Hoy babae tungkol kahapon--" na tigil ang sinasabi ko ng hindi manlang ako pinansin ng dalawa at patuloy lang silang nag-usap

"Oo problem solve na ang lahat dahil ang top 5 player ay sasali na sa clan natin!" Ani niya ng masaya.

"Waaa! Di nga? Sigurado ka? Diba masungit yung tukmol na yun? Nice naman paano mo na-invite? Lupet mo Sara!" Tugon naman ni Kiko.

Para akong hangin sa pagitan nila tsaka anong sinasabi ng Sara na ito, top 5 sasali sa kanila? Tss tapos masungit na tukmol? Aba pucha ako na-- Nanlaki ang mata ko ulit ng may parang kung anong pumasok sa isip ko dahil sa sinabi ng Sara na yun.

Ang Top 5 player.. ibigsabihin na sakanya nga talaga.

"Buwahahaha" isang malakas na pagtawa ang nagmula sa kanya.

Agad naman siyang napalingon sa akin at sinuri ng mabuti ang itsura ko. Tch

Humakbang ako palapit sakanya at dali dali ko hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso. Hindi ko pinansin si Kiko sa pag-awat sa akin at dahilan para makapunta kami sa isang lugar na hindi gaano matao. Rinig ko ang kanyang boses na para bang nasasaktan dahil sa higpit ng hawak ko sakanya ngunit di ko iyon pinansin dahil naiinis ako sa ginawa niya.

Binitawan ko siya sa liblib na lugar at matalim na tinignan siya sa mata ngunit imbis na matakot siya, ginaya niya ang itsura ko para bang nakisabay siya sa kasungitan ko ngayon.

"Hoy! BABAENG MAGNANAKAW IBALIK MO SA AKIN YUNG CE LENS KO!" Singhal ko sakanya na paggalit pero imbis na matakot siya ay lalo pa ata siyang nagalit.

"ANONG MAGNANAKAW HA!? PAGKATAPOS MO AKONG TAMAAN NG LATA SA NOO DI KA MANLANG NAG SORRY!" sabi niya na pa galit pero unti unting nagbabago ang boses niya na para bang nabibiyak at namumula ang kanyang ilong, "FYI NAPULOT KO YUNG CE LENS MO, IBIBIGAY KO SANA SAYO PERO IKAW PA ITONG NAGALIT! LECHE KA!" Ani niya na naiiyak na sa mga katagang na sabi niya.

Bigla naman akong naawa sa itsura niya dahil namumula na ang ilong niya at tuloy tuloy ang pag patak ng luha niya mula sa kanyang mata hanggang pisngi idagdag pa ang pagtulo ng sipon. Kadiri naman ito.

Para bang tinamaan ako ng konsensya yung galit ko kanina unti unti ng natanggal ngunit nanlaki ang mata ko ng nakaramdam ako ng sakit, bigla niya akong sinampal at sinipa ang binti ko dahilan para mapaluhod ako.

"Aray" ani ko na napaluhod sa harap nya at hinawakan ang masakit na parte na halos mamilipit na ako sa sakit.

Hindi niya na ako pinansin at mabilis siyang nakaalis sa harap ko at nagpatuloy sa paglakad palayo sa akin.

Di na ako nakokonsensya sa ginawa ko sakanya! Napakasadista ng babaeng yun.. ang liit liit na tao ang bigat ng kamay.




Di ako makalakad ng mabuti pansin ko rin na marami din na papatingin sa itsura ko ngayon. Sigurado akong namumula na itong pisngi ko dahil sa sobrang hapdi parin ng ginawa niya idagdag pa ang binti ko na halos di ko na maitayo ng mabuti.

Walangya na babaeng yun.. hindi porke babae siya at kulang siya sa height di ko siya papatulan, tss.

Tinignan ko ang oras sa braso ko, 30 mins na akong late.


Hay sana naman hindi nagtuturo yung matandang dalaga ngayon. Pagkabukas ko ng pinto sa classroom ay napatingin lahat ng estudyante at guro sa akin. Lumingon ako sa gurong nakataas ng kilay sa akin na mukhang nakasamingot.

Naputol ko ata ang seryosong pagtuturo ni Ma'am.

"Ahm eeh, Ma'am Good Morning po sorry po dahil late ako, nahulog po ko sa hagdan" saad ko na nagpapaumanhin.

Hindi ko kailangan umamin ng totoo dahil kung gagawin ko yun mapapahiya pa ko lalo. Syempre alangan naman na sabihin ko na sinaktan ako ng babae edi lalong na pahiya ang pagkatao ko. tsk

Mukha naman nakuha ko ang loob niya na paniwalaan ang kasinungalingan kaya pinaupo niya na ako at nagsimula na siyang magturo.

Kita ko naman ang mga kaklase ko na nag ngingitian ngunit di ko na lamang pinansin.

Habang nakaupo ako ay lumapit sa akin si Kiko at may binulong..

"Oy Busted ka pre?" Tanong niya na ngingiti. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay, pinagsasabi nito.

"Hahaha pre wag ka ng magsinungaling, alam mo ba lahat ng nanliligaw kay Sara ganyan inaabot pero masmalala ata yung sayo eh tignan mo bakat yung kamay niya sa pisngi mo hahah" hagikhik niya habang binubulong sa akin ang katagang iyon.

Hinampas ko ng notebook ang ulo niya at sinabi na..

"Wala kang alam tsaka sa liit ng babaeng yun magkakagusto ko sakanya? Tss daig pa si hulk kung makahampas kala mo pang bakla yung kamay tsk" panlalait ko sa babaeng iyon kung pwede nga lang manuntok ng babae gagawin ko, nakakainis talaga.

"Hahahaha okay okay" saad niya na tinaas ang kamay na para bang sumusuko siya...

."nga pala sabay ka sakin mamaya kumain libre ko saka isasama ko si Sara dahil tatanungin ko kung seryoso ba siya sa top 5 na yun" Patapos nyang saad ngunit may hinabol pa..

"Naks makikita mo ulit siya" asar niya sakin ngunit di ko na lamang pinansin.


Oo nga pala..

hindi nila pwedeng malaman kung sino ang totoong naglalaro ng account ko.

Kailangan ko siyang makausap.

Tumingin na ako sa harap at nag-iisip kung paano ko makukuha ang CE Lens ko.

Napatingala ako at napabuntong hininga na lamang.

Sana ibalik niya na sa akin..


Note:

Happy New Year! Welcome 2016.

Ps: walang piccolo o paputok yung vote and comment po hehe sana pansinin niyo po. XD

Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon