Jack Pov.
Nanghihina akong tumayo mula sa pagkakahiga ko. Medyo malayo pa naman ang mga halimaw na iyon pero dahil sa tantsa ko ay lima sila. Pilit 'kong binabangon ang katawan ko, ramdam ko ang sakit ng balakang ko. Sino ba naman ang hindi masaksaktan sa paulit ulit na pagdapa at pag talsik.
Nang nakatayo ay pilit 'kong lumakad para makuha ang mga armas ko. Sa di kalayuan ay kinuha ko ang katana at ang baril. Nireload ko ang dalawang handgun at kinasa. Ilang minuto lang ang lumipas ng narinig ko na ang malalakas na pagyabag. Ayan nanaman sila.. sana mabuhay pa ko.
Nilingon ko ang mga ito at inis na hinarap. Kung pwede lang na barilin ko kayo sa malayo gagawin ko eh pero hindi, sigurado akong kapag ginawa ko iyon ay di aasinta ang bala sa inyo. Tantsa ko ay mga 15 segundo pa sila makakapunta dito, inilibot ko ang mga mata ko sa palagid. Tirik ang araw at wala ni isang tao ang nakikita kong nakikipaglaban o naliligaw, sobrang lawak ng disyertong ito. Napabuga na lamang ako ng hangin.
Sa pagkakataong iyon ay ramdam ko na malapit na talaga sila sa akin, para saan pa para tumakbo kung gayon naman ay sila ang humahabol sa akin at ganyan pa kalalaki. Inihanda ko na naman ang sarili ko para sa mga hayop na 'to.
Nakita ko na masmabilis ang isa kaya agad siyang nakalapit sa akin, sumigaw siya na nakakapagrindi sa aking tenga at akmang kakagatin ako ngunit agad 'kong hiniwa ang leeg niya ng katana. Madaming dugo ang lumabas sa leeg niya pero parang kulang pa ang ginawa ko dahil hindi manlang bumaon ang katanang iyon sa laman niya.
Napalingon ako sa buntot niya at akmang ihahampas sakin to kaya agad akong napaupo, kasunod iyon ng may napansin pa ako sa kanang bahagi ko na halimaw, kakagatin ako.. kaya agad akong gumulong sa kaliwa.
Napasubsob ako sa lupa dahil hindi naman ako masyado marunong magtambling. Halos kabahan ako sa nangyayari, pakshet may susunod pa! Nakita ko ang pangatlong halimaw na kakagatin ang paa ko pero buti na lang ay napaatras ako ng mabilis. Ilang beses akong napamura sa aking isipan. Halos nadagdagan nanaman ulit ang kaba at takot.
Makita sila sa totoong buhay ay sobrang nakakatakot ang nararamdaman ko. Yung mga ngipin nila ay sobrang tulin tapos yung balat ng mga ito ay kakaiba, masasabi nga talagang halimaw ang mga hayop na 'to, idagdag pa ang height nila at mga matang galit.
Bakit ko ba nakakalaban ang mga ganito? Leche wala akong experience sa ganito at nasa modernong panahon ako nabubuhay, Oo nakakapaglaban ako sa mga online games katulad ng mga dinosaur na 'to pero di ako makapaniwala na ganito ang mangyayari sa buhay ko na kailangan harapin at kalabanin para lang mabuhay.
Madali lang sila patayin sa laro dahil naeenjoy ko ang bawat galaw na ginagawa ko dun, pero kung magiging literal ay sobra sobra ang takot at nginig ang mararamdaman basta mapatay lang ang mga ito.
Tangina, baliw na ang gumawa ng larong ito. Takas sa mental ang hinayupak na 'yon.
Tumayo ako kahit daing ko ang sakit sa katawan ko, paatras ako ng paatras dahil nagkumpulan sila papalapit sa akin, parang nang-aasar pa ang mga ito dahil dahan dahan silang lumalapit at pinagmumukha sakin na yari na ko sa mga oras na ito. Bwisit.
Pinalitan ko ang katana ko ng baril, masmadali rin naman ito gamitin kasi long range ang labanan kaso nga lang ay sobrang hirap naman iasinta. Umungol ang isa at dali daling tumakbo sa akin, pinagbabaril ko siya ngunit hindi tumatama.. patuloy ako sa pag-atras.
Mas sineryoso ko pa ng maiigi ang pag-asinta, sa isip ko ay paulit ulit ko 'tong pinapatay. Kaya naman ay nang malapit na siya akin ay nabaril ko siya ng sunod sunod sa kanang mata. Mas nagalit siya ng sandaling iyon at dinaing ang sakit. Naawa ako sakanya pero buhay dito ang nakataya kaya kailangan ko rin lumaban.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...