Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naikot ang kwarto ng paulit-ulit, kinakabahan kase ko habang iniisip yung problema ko, pilit ko naman 'tong tinatanggi pero totoo ngang nahulog yung ce lens ko sa rooftop na pinulot naman ng nakaaway ko.
Pero sana lang mali ang kutob ko, hindi niya pwedeng pakialaman yon.
Paano kung naglalaro rin siya?
Paano kung malaman niya na si Jaxx yun? dagdag ko pa, at maya maya't ay nag hysterical na ko sa mga negatibong iniisip ko. Sure akong gagantihan niya pa ko sa ginawa ko sakanya, lalo na't grabe yung banat nya sakin, saka feeling ko talaga na hindi pa sya tapos gumanti, kaasar.
Sana sa susunod na pagkikita naman hindi sirain sa harap ko yung ce lens--- hindi pwede, hindi ako papayag.
Ang hindi ko lang maatim na gagawin niya ay baka pagtripan nya yung kills and death counts ng account ko o kaya ang masmalala pa dun baka ipahiya nya ako sa mga noob players habang wala ko kamuang muang.
Saka pano na lang kung magkatotoo lahat ng iniisip ko? Ugh!
At in the first place bakit siya nagkainterest na pulutin yun at hindi manlang isinauli saakin!
Ang lakas ng loob niya kunin! magnanakaw!
Kinuyom ko ang kamao ko sa inis habang halo halo ang pumapasok sa isip ko sa mga posibleng gawin.
Isang taon ko yun pinaghirapan.
Kailangan ko makagawa ng paraan.
Kailangan ko siyang mahanap.
Kailangan ko syang mapigilan.
Kailangan kong--- punyemas. Hindi ko pala siya kilala, paano ko pa makukuha yun sakanya?
"Jack naririndi na ko sa ingay mo!" rinig ko ang sigaw ng ate sa baba, hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pag-iisip. Napagtantuan ko na lang na gabi na pala dahil nakarating na siya sa bahay, kasi usually kapag dumarating si ate sa bahay tuwing gabi ko siya lagi naabutan.
Sinubukan kong hanapin ulit ngunit napangiwi ako sa naging resulta ng itsura ng buong kwarto ko, sobrang kalat. Napaupo na lamang ako sa pagod, sure na talaga nasakanya, kasabay nun napahugot ulit ako ng malalim na buntong hininga. Maya maya pa ay narinig ko ang pagyabag ng mga paa papalapit dito, narinig ko bumukas ang pinto at bumungad si ate na nagsusungit na naman. Sabi na nga ba.
"Aba naman may katulong ba tayo Jack? Bakit ang gulo ng kwarto, ha? Hindi kana bata para ako gumawa bla bla bla" disiplina ng ate ko sakin, sarap talaga ipangsabong to eh, sobrang ingay pwede na ipang-laban sa fliptop battle letse.
"Opo ate opo maglilinis na ko" sarkastiko kung saad ngunit hindi ko pinahalata dahil malumanay ko itong sinabi sakanya, bigla naman siyang napatigil at nagulat sa ginawa ko. Kahit ako ay napatigil at tumingin sa kanya ng nagtataka, hindi dahil sa ginawa ko kundi dahil sa napatigil ko siya sa pagratrat ng mga salita. Nice
"Himala pala, hindi kita nadatnan na nakatihaya na parang robot sa kama mo, aba okay lang naman sakin kung makalat kwarto mo kung makikita naman kita na hindi nakadikit na parang linta dyan" nakangiti niyang sabi sa akin at agad na tumalikod at umalis agad sa kwarto. De wow yun lang pala.
Habang patapos na maglinis ay umupo muna ko sa may kama at napabuntong hininga, kalma lang wag ka mag-isip ng ganyan self, makukuha mo rin yun. Kaya naman nag-isip ako ng plano kung pano ko maibabalik sakin ang ce lens ko.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...