Jack Pov.
Paulit-ulit ko binilang ang mga armas ko. Halos mabaliw na ako kakasabunot ng aking buhok dahil sampu armas na lamang talaga ang natira sa kwartong ito. Pilit ko sinsiksik sa kokote ko ang mga pangyayari at nakikita ko ngayon.. kung siguro ay nasa totoong mundo ako malamang lahat ng bagay na kapaligid sa akin ay basag na.
Pati na rin ang Items at Character Room ko ay wala ng kalaman laman.. parang ni-reset lahat ang gamit ko.
Back to normal.
Gusto ko magwala pero di ko magawa.
Pagkatapos ng lahat na nangyari sa lobby dahil sa kahihiyang dinulot ng character ko ay ganitong sitwasyon pa ang madadatnan ko?.
Yung pinaghirapan ko simula ng nakaraang taon at sa isang iglap ay bigla na lamang naglaho na parang bula.
Siguro tuwang tuwa ngayon yung pandak na hulk na iyon sa nangyayari sa akin.
Pero bakit naman niya naman ginawa ang lahat ng ito?
Dahil ba na sinigawan ko lang siya sa rooftop kaya niya binura lahat ng gamit ko? Tangina.
Ang unfair naman ata 'nun kahit na isang laro at kalokohan ang mundong ito ay maraming oras at puyat ang pinundar ko dito para lang maging malakas at makapagkolekta ng mga maraming gamit.
Wala siyang karapatan na mangialam sa pag-aari ng iba.
Tapos ngayon nakuha niya pang mang-blockmail sa akin para lang makasali ako sa clan nila at piliting mapanalo ang laban dahil sa pangakong hindi niya dapat sabihin sa lahat.
------
Nandito ako ngayon sa shop, matamlay na prensensya ang bungad ko sa nagbabantay ng shop na ito. Nirolyo ko na lamang ang aking dalawang mata dahil sa mga blitz players na maraming nakatitig sa akin.
Isang top 5 player na isa sa pinakamagaling sa lahat ng manlalaro ng VBO ay ganito ang ipapakita.
Walang taste? Walang Style?
Parang ipinakita ko narin sa lahat na madali akong maabot, na ganito kababa ang pride ko.
Tss. Bilang isang malakas na manlalaro dapat hindi ganito ang inaasal ng katulad ko. Paano na lang kung malaos ako? Paano na lang kung katawa tawa ako sa lahat? Hindi pwede yun.. dapat pagbayaran lahat ng babaeng 'iyon ang ginawa niya sa akin.
Dapat maparamdam ko sa kanya na pinagsisisihan niya na nakilala niya pa ako.
Pumili ako ng full set na damit, yung bago nilang release na dalawang minuto pa lang ang lumipas. Syempre di na ako mag-aatubili na hindi bilhin yun dahil kapag binili ko iyon ay ako lang ang pwedeng gumamit ng ganoong disenyo at wala ng makakabili na kasing pares ko.
Tsaka naghahalaga iyon ng 500k dahil na nga sa maganda ang tela at style ng set na ito ay mapapakinabangan talaga 'to habang lumalaban dahil may mga nakaupgrade na pampalakas,
halimabawa na lamang ng body armour.
Malakas ang depensa nito, hindi lang basta handgun,bomba o kutsilyo ang makakapatay sa akin. Dapat rifle o utak ang paganahin nila para matalo ako. tch.
Pero syemre dali dali na akong nagpalit ng maisusuot dahil..
Sino ba naman ang taong hindi mapapatitig sa ganito kong itsura.
Yung pakiramdam na na sa akin ang spotlight para titigan ng mga tao dahil sa boxer 'kong pink.
Nangmatapos na lahat ay may biglang lumabas na email sa aking panigin. Dahil na curious ako kung ano ito ay dali dali ko yun hinawakan at binuksan..
"Payatot accept mo na"
Pero mukhang pinagsisihan ko ang ginawa ko dahil, siguradong kay pandak na hulk yung sulat na ibinigay sa akin.
"Zara is inviting you to her clan 'Gambit Attack'. Would you like to Accept or Reject?"
Pipindutin ko sana ang accept ngunit may kung ano ang pumigil sa akin para hindi ko ituloy ang binabalak ko, biglang may dumaan sa aking isipan para lalo ko itong hindi tanggapin.
Zara? Zara ang pangalan niya sa mundong ito? Sa pagkakaalam ko ay isang tao lamang ang pwedeng gumamit ng username sa larong ito.. kung naunahan mo lahat ng tao na ilagay ang gusto mong pangalan hindi na 'yon pwedeng gamitin ng iba dahi pag-aari mo na iyon.
Pero bakit talaga Zara? Bakit hindi Sara?
Ah baka naman napangitan narin siya sa pangalan niya kaya imbis na S ang nilagay ay Z na lang para astig yung pangalan. Oo nga baka ganoon na nga. Narealize niya na kasing baho niya yung pangalang Sara kaya Zara na lang sa mundong ito..
Tsk.
Nirolyo ko ang mata ko at agad na pinindot ang accept. Kasabay nun ang pagteleport ng katawan ko sa ibang lugar.
"Wooooooooh! Parteh parteh"
"Sa wakas makakasali na tayo sa Champion leage Yahooo"
"Malakas na tayo yeah namern"
"Wala ng makakatalo sa tin!"
"Yeah, Wooh!"
Kailiwa't kanan ang sigawa mula dito sa aking pwesto. Para bang nagkaroon ng selebrayon ng dumating lang ako. Lahat nakangiti.. na para bang sa loob ng ilang taon ay nakahanap na sila ng sulosyon. Tss, aalis din naman ako dito eh..
Maya maya ay pansin ko na may lumapit sa aking isang matandang lalake. Masmatangkad siya kaysa sa akin at may balbas at bigote siya sa kanyang mukha. Agad naman siyang nagsalita sa harap ko..
"Jaxx Welcome to our home, sa wakas nandito kana rin." Ani niya habang nakangiti.
Tumango lang ako at walang reaksyon na tinugon ang sinabi niya.
Hindi ko alam ang buong detalye na magkaroon ng clan, unang beses akong sumali sa ganito. Kaya hindi ko alam kung sino ang dapat na respituhin.
"Ako si Jordan ang leader ng clan na 'to" pakilala niya sa kanyang sarili.
Napa-ahh na lamang ako dahil di ko alam kung anong sasabihin ko.
"Sir Jordan excuse lang po, hehe" ani ng boses babae.
Ilang sandali ay parang may kung anong kamay ang humawak sa aking braso dahilan para hilain at dalhin ako ng katawan ko sa taong gumawa sa akin 'nun.
Kita ko ang isang babaeng katayo sa akin harap, medyo mas matangkad nga lang ako sa kanya ng limang pulgada.
Nagtaka ko kung sino naman ito."Hoy payatot marunong ka naman rumespeto di ba? Sana naman gawin mo." Pagtataray niya sa akin.
Ahh si Sara. Teka parang may mali sakanya.
"Oy hulk, ano bang vitamins iniimom mo dito? Tangkad ah diba hanggang balikat lang kita? Hahaha" asar ko sa kanya at umalis na sa kanyang harapan.
Alam ko naasar siya sa sinabi ko, kaya iniwan ko siyang nakatanga 'dun.
Bigla naman akong nakaramdam ng isang kamay at dahilan para humarap sa taong gumawa sa akin 'nun.
Kita ko sa mukha niya ang inis kaya siya naman ang gumanti.
"Ikaw? Laki ng pinagbago mo dito ah, may laman ka na hindi kagaya sa totoong mundo mukha ka ng stick. Hahaha" hagikhik niya at napailing iling at kinumpara ang katawan ko sa totoong mundo.
Agad siyang umalis sa harap ko at pumunta sa maraming tao.
Kainis.
Note
--------Yung chapter 7 binago ko po, pero ganun parin naman yung takbo ng story o nangyari sa page na 'to. Salamat sa pagbasa
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...