Kiko Pov.
"Kiko, kumain ka muna" tipid na saad ni Mina sa akin, ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Matamlay ko lang siyang tinignan at binaling ulit ang aking atensyon sa dalawang puting kabaong.
Inlibot ko ang paningin ko sa apat na sulok ng kwartong ito, madami akong kasamang di kilalang tao. Pati sila ay nakikiramay at yung iba naman ay pagsusugal lamang ang habol.
Siguro ay mga kaibigan at katrabaho ito ni mama at papa.
Itiningala ko ang aking ulo, Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na luha sa aking mata, dama ko parin naman ang sakit na nangyari sa trahedya sa aking magulang. Baka siguro ay naubos na kagabi. Kahit na walang ekpresyon ang naipapakita ko ngayon sa mga tao ay halo halo naman ang lungkot at galit ang nadarama ko ngayon sa loob ko.
Kinuyom ko ang kamao ko, kasalanan niya 'to.
"Hindi ka parin ba papasok bukas?" Muli niyang tanong sa akin, di ko siya pinansin at tumayo na upang magpahangin sa labas. Hindi kita kailangan. Pupunta ka lang sa bahay kung kailan may mga malalang sitwasyon na ang nagaganap at aalis kapag tapos na.
Muli nanaman akong napaisip ng malalim.
Dapat hindi ka na lang namin nakilala.
Sa oras lang na malaman ko na kasabwat ka sa kanila. Hindi na ko magdadalawang isip na maging kaaway ka..kahit kadugo pa kita.
Sa paglalakad ko ay hindi ko namalayang napadpad na pala ako malapit sa ilog ng isang factory building, naisipan ko umupo sa may bench upang makasagap ng sariwang hangin.
Ang daming nangyaring di maganda sa mga nakaraang araw.
Hindi ko aakaling ganito ang mangyayari, napakaaga naman ata para maulila ako. Atsaka Sabi ni papa at mama ay bibisitahin lang nila ang puntod ng lolo't lola ko tapos ngayon sinundan na nila hanggang sa itaas.
Hindi ko manlang sila nakausap ng maayos, hindi ako na kapag sorry sa mga katarantaduhang nagawa ko at lalo na't hindi ako nakapagsalamat sa mga ibingay nila para lang mabuhay ako.
Pagkatapos naman ay may narecieve akong isang anonymous letter galing sa isang itim na envelop.
Ang nakasulat dun ay 'Humanda ka na, kasali ka sa isang malaking surpresa. Goodluck.'
Kinilabutan ako sa mga katagang iyon kahit na hindi ko alam kung anong klase ang tinutukoy niya.
Hindi ko rin maialis sa isip ko na baka konektado ito sa pagkamatay ng magulang ko ngunit bakit naman?
Atsaka di pa naman ako nakasisiguro kung para ba sakin iyon o baka naman ay nagkamali lang ng pagbibigyan dahil napakaimposibleng sa akin talaga yun.. dahil wala naman akong nakaaway o inilabas ng sama ng loob sa mga taong kinamumuhian ko.
Ako lang naman kasi nakakaalam sa sekreto ko o….. baka naman ay may nakabangga ang mga magulang ko na atraso..
Hays, kinamot ko ang ulo ko at nangkunot ang mukha ko dahil sa dami ko ng iniisip..mas lalo lang ako mamomoblema. Isinandal ko ang aking likod para makapagpahinga at inilibot ko ang aking paningin sa lugar na 'to.
Sa di kalayuan ay may napansin ako..
Nakakapagtaka lang dahil dis oras na ng gabi pero ang daming track ang nagsisipuntahan sa building na 'to tapos ang daming binababa na mga kahon. Pero ang nakakapagtaka ay bakit may mga armadong lalaki ang nagbabantay sa gate.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science-FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...